"Ano ba yan!" Inis kong bulong sa hangin nang maunahan na naman ako sa pagsakay ng tricycle sa pangatlong pagkakataon.
Rush hour na at kasalukuyan akong naghihintay nang masasakyan sa gilid ng daan sa labas ng university. Marami kaming nakahilera at paunahan na lang sa pagsakay.
Unfortunately, I move like a turtle right now with these blisters on my feet. Kanina pa ako dito at pakiramdam ko namamaga na ang mga paa ko.
I've been enduring the pain since midday pero hindi ako basta-basta pwedeng umuwi dahil may dalawang quiz kami kanina.
Pasukan na sa pinapasukan kong university noong isang linggo pa. It's my fourth year in Southwest University o mas kilala bilang SWU.
At the age of twenty-three, I am still in my third year in college while others are graduating and some working already. I spent three semesters in my previous course, which was BSHM, but I shifted after the first semester in my second year to my current course, which is BSND.
Pakiramdam ko umuusok na ang ilong ko sa inis lalo na nong may magpark na kotse sa tapat ko.
Maya-maya pa'y bumaba ang driver non dahilan ng impit na pagtili ng mga kababaihan at kabaklaang kasama kong naghihintay.
"Sabay ka na sa akin. Rush hour ngayon kaya mahirapan kang sumakay." Ani Rius nang marating ang kinatatayuan ko.
He's wearing the prescribed uniform for boys of our university. His ID lanyard says he's from the architecture department.
"Hindi, ayos lang. Hindi naman ako nagmamadali." Sobrang sakit lang ng paa ko. Gusto kong idagdag pero tinikom ko ang bibig ko.
Rius is on his fourth year in SWU taking up BSArki. I don't exactly know why he chose to be here when his cousins are in one of the most expensive schools in the country.
I'm sure it has nothing to do with financial stuff. Kahit yata magsampung taon silang lahat sa Harvard hindi matitinag ang yaman nila. Well, SWU is not a bad university. It's actually one of the most affordable and top performing schools in the country. We've maintained on top for six consecutive years among other universities in the city. Kahit pa ang SAU.
"Hi Rius!" Bati ng isa sa mga bakla at naghagikhikan. Inismiran lang sila nito na muntik kong ikahalakhak.
"Tara na. Malapit lang naman dito ang apartment mo, 'di ba?"
He's popular in the university. Well, he has several reasons why he's so famous aside from his good looks.
Kasapi siya sa university dance troupe, at magaling pang sumayaw. Plus, he's from the Arki Department, which is one of the asset of the university because of their high ratings from the previous boards. And not to mention he's also an Azarte despite the fact he's carrying Argueza, which is also known.
At ang pagiging suplado at masungit niya ang mas nagpapahumaling sa mga kababaihan at kabaklaan sa school.
Hindi kami ganon ka close pero mabait naman siya sakin. He's even offering me a ride right now!
"Sige. Salamat."
Nauna siya at pinagbuksan ako ng pinto sa passenger side. Napapangiwi ako sa tuwing tatama ang sapatos ko sa sugat ko.
"Ayos ka lang?"
"Paltos lang—aw!"
Naluha ako sa sakit nong 'di sinasadyang dumiin ang sapatos ko doon.
"Let me bring you first to the hospital." Aniya nong nasa daan na kami.
"Ha? Naku hindi na! Ayos lang ako."