Pinaypayan ko ang sarili gamit ang sariling kamay nang tuluyan kaming makalabas ng ND Building. Pasado alas onse na kaya masakit na sa balat ang sikat ng araw.
Sumunod kami kay Athena sa silong ng malaking puno.
"O s'ya, sino ang magli-lead?" Hinanda ni Athena ang isang one-eight index card at ballpen niya.
"Ikaw na ang maglead, Rae." Anang kaklase kong si Lyn sabay tingin sa akin.
Mabilis akong umiling. "Ayoko. Ikaw na lang."
"Ako na nga nung last, eh. Tsaka hindi pwede. Busy ako kay Papa." Binalingan niya ang katabi ko. "Ikaw na, Elsie. Leadership is necessary in running a business. Kalailanganin mo 'to in the near future. I'm telling you. I promise you."
Bahagya kaming natawa sa pambobola ni Lyn. Inismiran lang siya ng kaibigan ko.
Siya na ang sinulat ni Athena. Wala naman siyang sinabing ayaw niya.
I don't like being a leader. Mabigat na responsibilidad iyon. And I don't like responsibilities. Tsaka hindi lang ito basta simpleng activity lang. We'll be doing research about food and nutrition, and this is a permanent group for the whole sem kaya ibig sabihin buong sem kang leader sa subject nato.
"Oh, ibigay niyo na lang 'to kay Sir Dimasuyo para goods na tayo portodis bidyo," ani Athena at tinapos na ang pagsulat. "Lyn, ikaw na ang bahala d'yan."
"Rae, ang GC, ha? Chat-chat na lang tayo doon. Una na ako. May kikitain pa ako!"
Umalis na rin si Lyn nang wala na si Athena kaya naiwan kami ni Elsie.
Lumabas kami ni Elsie para magkape kahit tanghaling tapat, sa coffee shop sa labas ng campus. Wala na kaming gagawin at mamayang ala una pa ang susunod naming klase.
Hinugot ko ang telepono ko sa bulsa ng blusa ko kong saan ko ito sinilid kanina. I saw a message from Tita Gen.
Tita Gen
Hi, hija. How are you? I'll be flying back tomorrow. Pinapatanong ng mommy mo kung wala ka daw bang gustong ipabili.
Pakisabi po kailangan ko po ng pera. Gusto kong sabihin pero syempre hindi ko ginawa.
Sandali akong tumigil para itipa ang reply ko.
Ayos lang po, Tita. Pasabi na lang kay mama na wala po akong gustong ipabili. Ingat po kayo!
Na kay Mama ngayon si Tita. She's been there for more or less two weeks.
Mukhang walang ideya si Mama na hindi ako pinadalhan ni Papa ngayong buwan. Hindi pa rin kami naguusap mula pa noong nabalitaan ko ang tungkol sa kanila ni Papa. Nagpadala siya pero gaya ng dati, pandagdag lang iyon ng allowance.
Alas kwatro pa lang nasa apartment nako. Walking distance lang naman ito sa university kaso mainit pa kaya sumakay ako ng jeep.
Ginawa ko ang GC'ng inatas sakin ni Athena saka binuksan ang mga social media accounts ko habang nakahiga sa kama.
Picture agad ni Arc ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng Instagram ko. Post 'yon ni Rory na naka-tag lang sa kaniya.
Mukhang kinuha ang picture nong unang out of town nila sa beach nong hindi kasama si Gorg. Nitong huli kasi, naghike sila at kasama na si Gorg.
Arc is topless on the picture with sunglasses on. May bahid ng buhangin ang balikat niya pababa sa tyan niya.
ivorory_123 H24thBD! Sana grumaduate ka na @arcgueza. Mwaah
Iyon ang caption and posted fifteen minutes ago. Naka seven-hundred comments na at seventy-three shares.
Puros greetings ang nasa comment section kaya naisipan kong mag DM na lang.