AlMERA'S POV
“How's the life of being married?” my aunt asked me, tinapunan ko naman siya ng tingin at ngumiti ng plastic.
“Great” wala ganang sagot ko at ibinalik ang mga mata sa phone ko.
Dahan dahan kong pinagdikit ang picture ko at stolen picture ni clark na nakaside view. Wala naman kasi akong matinong litrato ng lalaking yun, ayaw n'ya naman kinukuhaan s'ya ng picture especially kung ako ang kukuha.
Choosey naman kasi!
And also he doesn't have any social media accounts kaya wala akong mapagkukuhaan ng matinong litrato n'ya.
“What are you doing?” lumapit s'ya at sinilip kong ano ang pinagkakaabalahan ko “What is that?” nandidiring tanong n'ya.
Hindi naman ako makapaniwalang tinitigan s'ya.
“My gosh! Hindi mo alam 'to?” iniharap ko sa kan'ya ang phone ko kung saan nakadisplay ang mukha naman ni Clark na tadtad ng bulaklak “They called this collage, tinuroan ako ng anak mo” inirapan ko s'ya
“What?! Vesper never told me about this!” napahalukipkip ito “Edi sana nakapag edit rin ako kasama yung daddy n'ya”
May lahi talaga kaming mga baliw.
Hindi na ako nag salita at nagpatuloy nalang, vesper is her son. Lagi ko itong nakikitang nag e-edit ng mukha niya at mukha ng isang batang lalake, that's why I asked him kung paano n'ya iyon ginagawa.
Gusto ko rin gawin.
And I found out na crush n'ya pala yung lalaking nasa picture, yes. Vesper is a gay, and her parents. My auntie never know about his real gender.
Basta ako I'll support him, hindi ko naman s'ya anak kaya wala akong karapatan pagsabihan s'ya.
Sandali pa kaming nag usap bago ko na isipang umalis na, wala naman kasi akong magawa sa mansion.
yung mga maid naman namin ay pumunta lang sa mansion ng madaling araw para maglinis tapos pagkatapos ay uuwi rin sila agad.
Ayuko rin kasi ng may ibang tao sa bahay, I'm not comfortable.
And I know naman how to cook kaya hindi na problema sa'kin yun.
Nang makarating ako ay hindi ko nakita ang sasakyan ni xio sa garage kaya alam kung hindi pa ito umuuwi from his work.
Maligo muna ako at nagbihis bago nagluto ng dinner namin. Minsan hindi ko talaga maiwasang hindi kiligin sa ginagawa ko.
Ang swerte talaga ng asawa ko sa'kin, perfect package, maganda na magaling pang magluto!
Nakarinig ako ng ingay sa may sala kaya dal9 dali akong pumaroon kahit na bitbit ko pa ang kutsilyo na ginagamit ko kanina panghiwa ng mga sangkap.
Then I saw him, the man I'm obsessed with.
“Good evening hubby!!” I greeted him. “Handa na ang dinner kaya, kain na tayo”
He looked at me with his as usual bored looks.
“Eat alone” his respond.
Natameme naman ako sa sinabi n'ya, hindi ko maiwasang hindi mainis.
Kaya sa inis ko ay mabilis kong inihagis ang dala dala kong kutsilyo sa kan'ya.
Pero naiwasan rin n'ya naman ito ng walang kahirap hirap gaya ng dati.
This is not new to us, ganito ang love language naming dalawa.
“Your going to eat or I'm going to file an annulment paper—” mabilis s'yang lumapit sa'kin pero nilagpasan ako at nauna ng pumunta sa dining area.
Sumunod naman ako habang may malaking ngiti sa aking labi, tumabi ako sa pag upo sa kan'ya.
“Sabi na e, mahal mo talaga ako at ayaw mong makipag hiwalay sa'kin” pinagsandok ko s'ya ng kanin at ulam pero natigil ang aking kamay sa ere ng malamig itong magsalita.
“Dream on, you know the real reason why I'm doing this sh*t.”
Mabilis rin akong nakabawi at pinagpatuloy ang paglalagay ng ulam sa plato n'ya nahinayaan n'ya nalang, alam n'ya kasing magagalit lang ako kapag pinigilan n'ya ako.
I tried my best to hide the pain by smiling, so plastic almera.
Tahimik lamang kaming kumain, pero minsan ay nagsasalita ako o minsan ay tinatanong ko s'ya pero hindi n'ya naman ako sinasagot.
“Why aren't you answering?” tinitigan n'ya lang ako at nag patuloy rin agad ito sa pagkain “Pipi kaba? gusto mo bang pakanin kita ng pepe ko?” seryoso kong tanong “Nang makapag salita ka naman d'yan” pahabol ko pa
Nagulat ako ng bigla nitong naidura lahat ng pagkaing nasa bibig n'ya.
“F*ck” he murmured.
Pinigilan ko ang sariling humagalpak ng tawa ng taponan n'ya ako ng masamang tingin at iniwan ako.
“Hindi kapa tapos kumain!” sigaw ko pero hindi n'ya ako sinagot.
Nang masiguro kong wala na ito ay malakas akong natawa, gosh I love to tease him.
Kapag sinasabihan n'ya ako ng masasakit na salita ay imbes na gumanti ako ay mas pinipili kong asarin s'ya.
Natatawa ako sa nagiging reaksyon ng mukha niya.
Hindi ko na tinapos ang pagkain at niligpit nalang ang pinagkainan namin pagkatapos nun ay umakyat na ako sa itaas.
Tumigil ang mga paa ko ng madaanan ko ang kwarto ni clark, kung gapangin ko kaya s'ya? Wala namang masama dun because we're married.
Bakit kasi magkahiwalay kami ng kwarto!!?
Inis akong pumasok sa kwarto ko, next time ko nalang itutuloy ang paggapang ko sa kan'ya may kailangan pa akong ayusin sa company namin.
“𝘋𝘳𝘦𝘢𝘮 𝘰𝘯, 𝘺𝘰𝘶 𝘬𝘯𝘰𝘸 𝘵𝘩𝘦 𝘳𝘦𝘢𝘭 𝘳𝘦𝘢𝘴𝘰𝘯 𝘸𝘩𝘺 𝘐'𝘮 𝘥𝘰𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘴𝘩*𝘵.”
Nalala ko na naman ang sinabi nito kanina, right! Kaya ayaw n'yang mag file ng annulment kasi alam n'yang ipapatigil ni uncle ang connection namin sa kanila, malaki kasi ang tulong ng company namin sa company nila.
Natigilan ako sa pagpipindot ng laptop ko ng makita ang dugo sa may keyboard, hanggang sa sunod sunod ang pagtulo ng dugo mula sa ilong ko.
Kinuha ko ang tissue mo la study table ko at pinunasan ang dugo sa ilong ko at tumingala.
Kinuha ko ang phone ko tinawagan ang personal doctor ko.
“I'm having a nosebleed again” Bungad ko sa kan'ya ng sagutin n'ya ang tawag, narinig ko naman ang pagbuntong hininga inito sa kabilang linya.
“I told maslala ang kundisyon mo kapag hindi kapa mag pa-chemo, we have a team of experts here who will work with you to develop the best possible treatment plan and you know that”
Tumikhim ako.
“I know but I can't just to an chemotherapy, marami pa akong dapat taposin sa kumpanya”
“Mas mahalaga pa ba ang kumpanya n'yo kisa sa buhay mo?” mababakas ang galit sa boses n'ya.
“Just give me any medicine, I'll go there tomorrow.” mabilis kong tinapos ang tawag.
Tulala akong napatingin sa wedding picture namin ni Clark kung saan makikita sa mukha nito na hindi ito masaya.
Hindi ako papayag na madeads nalang ako bigla, hindi pa nga ako minamahal ng lalaking 'to e.
I'm ‘Almerinda de Valois’ and 𝘓𝘦𝘶𝘬𝘦𝘮𝘪𝘢 is nothing, love can make even the most difficult challenges seem surmountable.
END OF PROLOGUE