𝗛𝗨𝗚
ALMERA'S POV
I am de Valois and I fear nothing. My family or friends-No scratch that. I don't have friends!
Sabihin nalang nating mga taong kilala ako ay alam nila kung gaano ako ka 'manizer', alam nilang mabilis rin akong mag sawa sa lalake.
Every week iba iba ang kasama kong lalake but girl, iba iba ang kasama kung lalake pero I'm still a virgin! Masikip parin ito!
Mabilis akong magkagusto kung gwapo at hot ang isang lalake, kaya nga nagustohan ko si knight yuiji's husband. Hindi ko naman alam na may mas hot pa pala kay quantum and that is my husband.
"Good morning hubby" nakangiting bati ko sa wedding picture namin ng asawa ko.
Hinalikan ko muna ang picture frame bago napag isipang tumayo na at maligo pagkatapos nun ay pinuntahan ko na si Dr. Arya my personal doctor.
"I understand your decision Ms. De Valois-" pinatigil ko s'ya sa pagsasalita at tinaasan ng kilay.
"It's Mrs. Devis" ipinakita ko sa kan'ya kamay kong may weeding ring "I'm married"
Napabuntong hininga s'ya na parang nauubosan na ito ng pasensya.
"Okay I'm sorry, now i understand your decision MRS. DEVIS and I respect your choice." kanina pa kasi ako nitong kinukulit na mag undergo ng chemo pero hindi ako pumapayag "However, I want to be clear, declining treatment could have significant consequences for your health."
I can't, not now.. marami pa akong gustong taposin sa kumpanya.
"Thanks for your concern doc but worry not, I candle myself but for now just give me my medications" kinindatan ko ito.
"I'm warning you almera, darating ang araw na hindi na madadala ng gamot ang sakit mo" I know she's worried.
Sa isang taon na naming magkakilala naging kaibigan narin ang turing ko sa kan'ya, she's kind but at the same time she's brave that's why I like her.
Kasalukoyan akong naglalakad papuntang sasakyan ko ng makatanggap ako ng tawag mabilis ko namang sinagot ang tawag ng makita kung sino ang caller.
"Ma'am, nandito po ako ngayon sa mall sinusundan si sir devis" bungad sa'kin ni arven.
Arven is one of my uncle's men.
"Mall?" nangunot ang noo ko "Anong ginagawa n'ya d'yan? Dapat ay nasa company s'ya ngayon" naiinis kong usal.
Mall? Ha!
Tinanong ko s'ya kung nasaang mall s'ya ngayon at mabilis na pumunta doon. Pagbaba ko ng sasakyan ay sinalubong agad ako ni arven.
"So where is he?" tanong ko
Sininyasan n'ya naman akong sumunod sa kan'ya kaya sinundan ko naman agad ito.
"Nakita mo bang may kasama ito?" tanong ko ulit.
Umiling s'ya sa'kin. "Wala ma'am mag isa lang s'ya at parang may hinihintay"
Hinihintay? Mabuti nalang talaga at naisipan ko pasundan s'ya ng isa sa mga taohan ni kuya, gusto ko kasing malaman o mamonitor ang bawat galaw nito.
"Ayon po s'ya ma'am" itinuro n'ya ang isang lalaking nakatayo sa may gilid at may kausap sa phone.
Tumango naman ako at sininyasan s'yang umalis na, yumuko naman s'ya sa'kin bago ako iniwan.
Isinuot ko ang sunglasses ko at dahan dahang lumapit sa kan'ya ng hindi n'ya napapansin. Kinuha ko rin ang re scarf na nasa shoulder bag ko at ginamit pang takip sa mukha ko.
Lumapit ako sa mga nakahilirang mga damit at nagkunwaring namimili.
"Where are you?" narinig kong tanong nito at nag simulang maglakad.
Mabilis ko naman s'yang sinundan at kapag nakita ko itong napapalingon sa banda ko ay mabilis akong nagtatago sa likod ng manikin o hindi kaya ay kunwaring bibili ng paninda.
Pero minsan ay napapabili ako dahil nakakahiya naman kung tatayo lang ako duon, baka akalain nilan mahirap ako.
I'm not poor duh!
Mag iisang oras ko na itong sinusundan at ang dami ko ring bitbit na shopping bags. Pinagtitinginan na rin ako ng mga tao dahil sa mga dala ko.
Nakakaramdam na rin ako ng pagod, kailan kaba titigil hubby?!
Oh God, I'm so tired na!
Nanlaki ang mga mata ko ng may bumangga sa'kin nagkalat tuloy ang mga dala kong shopping bags sa sahig.
"Look what you've done!" naiiritang sabi ko sa taong bumangga sa'kin.
Iniangat ko ang aking ulo para pagsabihan pa ito pero parang umatras ang tapang ko ng makita ko ang isang lalaking may maraming tattoo sa katawan.
Pero ang nakaagaw sa'king pansin ay ang tatto nitong ahas na nakapulupot sa may kutsilyo, nasa may leeg ito at maliit lamang pero dahil hindi naman malabo ang mga mata ko ay napansin ko agad ito.
N-no-that tattoo..
Pinakatitigan ako nito kaya agad akong nag iwas ng tingin mabilis akong naglakad at nilagpasan ito.
Hindi na ako nag abalang pulutin lahat ng mga pinamili ko, I can afford naman to buy another clothes, bags, shoes, and perfume next time.
Nilingon ko ito ay nakitang titig na titig parin ito sa'kin kaya agad akong nag iwas ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.
Mula bata pa ay sinabihan na ako ni uncle na iwasan ang mga taong may ganong tattoo.
Ang tanging sinabi lang nitong rason sa'kin ay they're criminals pero dahil bata ako nun ng pinagsabihan ay natakot agad ako kaya hanggang sa pagtanda ay nadala ko iyon.
High school student palang ako nung may nakita akong taong may ganong tattoo at ngayon ang pangalawa beses na may nakita na naman ako.
Ang swerte ko naman!
Nilingon ko ito at ganon nalamang ang panlalaki ng mata ko ng makita nakasunod na ito sa'kin ngayon, kaya mas binilisan ko ang paglalakad.
Bakit n'ya ako sinusundan? Kilala n'ya ba ako?!
Nanginginig na ang buong katawan ko ng kunin ko ang phone ko sa shoulder bag at tinawagan ang taong unang pumasok sa utak ko.
"Kahit ngayon lang sumagot ka naman" nanghihinag bulong ko, ilang beses ko na kasi s'yang sinubukang tawagan kaso ay hindi n'ya sinasagot.
Pero nag riring ang phone n'ya.
But then I saw him, his standing not too far from me. He's talking with someone, a man.
Seryoso silang nag uusap at bumilis ang tibok ng puso ko ng mapalingon ito sa kung nasaan ako ngayon.
He looked at me with confusion, probably wondering kung bakit ako tumatakbo papalapit sa kan'ya. Pero hindi parin mawawala ang pagiging malamig ng mga mata nito.
As he caught sight of something behind me, his gaze turned cold and dark.
Iniwan n'ya ang lalaking kausap n'ya kahit nag sasalita pa ito at naglakad papalapit sa'kin, mas binilisan ko ang pagtakbo at ng makalapit ako sa kan'ya ay agad ko s'yang niyakap.
"Calm down, your shaking" he whispered.
People will call me crazy kapag nalaman nilang kinilig ako kahit na malamig ang pagkakasabi n'ya nun.
END OF CHAPTER ONE