PROLOGUE

36 14 0
                                    

PROLOGUE

Sa madilim at malawak na kagubatan, takbo ako nang takbo, hindi alam kung saan ako pupunta. Ang isip ko, makatakas lamang sa humahabol sa'kin.

Napatingin ako sa likuran ko, at doon ko nakita ang isang itim na rebulto. Nakatingin sa'kin, tila humihintay ng pagkakataon.

Nanginginig ang mga tuhod ko sa takot. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Ngunit, biglang lumiwanag ang lahat. Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko.

Panaginip lang pala.

Haysst! Tiningin ko ang oras sa side table ko - 3:25 A.M.

Bumaba ako para mahimasmasan ang napaniginipan ko, ngunit may nakita ako sa bintana.

Isang rebulto, nakatingin sa'kin. Nakakasilaw ang mga mata niya.

Kinusot ko ang mga mata ko, baka sakaling namamalikmata lang ako.

Pero, wala na siya.

Baka nga namamalikmata lang tlga ata ako.

Ngunit, bakit ang puso ko ay hindi pa rin tumitigil sa pagtakbo?

Kapit na kapit ako sa hagdan habang tinutunghayan ang takbo ng aking puso. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin tumitigil.

May naisip ako, baka may kinalaman ito sa panaginip ko kanina. Pero, hindi ko alam kung paano.

Tumungo ako sa kusina para maghanda ng kape. Pero, may nakita ako sa mesa.

Isang sulat, na hindi ko alam sino ang sumulat.

"Mahal, mag-ingat ka" ang nakasulat.

Sino ang sumulat nito?

CHASINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon