Pagkababa ko sa tricycle, agad akong nagbayad. Tumambad sa'kin ang lumang building. Malinaw na malinaw pa rin ang pangalan nito.
"Viline company" Mahinang basa ko.
Napalingon ako sa driver na ngayon ay hindi pa rin naalis. Nginisian niya ako at saka biglang umalis.
Y-yung ganoong tingin at yung ngisi niyang mapang-asar. N-nakita ko na 'yon dati. Hindi ko matandaan kung kailan pero nakita ko na 'yon dati.
Binuksan ko ang bag ko. Hinahalungkat ko yung cellphone. Itetext ko sana si sir Kyle. Pero nakakaubos ng pasensya.
Dere-deretso akong pumasok sa loob. Tumakbo ako sa taas, doon kasi ang sabi ni sir Kyle. Pero walang tao ron.
Madumi na ang buong paligid. Pero wala kang maaamoy na kahit anong baho. Basta marumi siyang tignan. Nilibot ko pa ang paningin. Malaki rin kasi ang palapag. Hindi gaya sa bagong Viline company, bahagyang malaki itong luma.
Ang akala ko, sa bahay rin ni sir Kyle. Pero nagkamali ako. Sinubukan ko pang umakyat hanggang sa taas.
Nang maabot ang 15th floor, nagsisisigaw ako.
Baka sakaling matunugan niyang andito na ako. "
"Sir Kyle!"
"Here na me o!"
"Wo hoa"
Sigaw lang ako nang sigaw habang bumababa ulit. Baka nasa pangalawang palapag lang si sir Kyle.
Akala ko pa naman mabilis lang akong makakapagpaalam.
"Sir Kyle!"
Pero walang sir Kyle na sumulpot. Nanatili lang ako sa gitna ng palapag. Nakatayo at nakahawak sa dibdib. Pilit hinahabol ang bawag paghinga. Bakit ba kasi ako umakyag hanggang tuktok?
Napasilip pa ako sa bintana rito. Baka parating pa lang siya. Pero wala. Mga ilang minuto ako sa ganitong pwesto. Hanggang sa mapagdesisyunan kong umakyat ulit.
Habang naakyat, may
narinig akong may kung anong bumagsak. Rinig kong galing yon sa pinakataas. Dahil bakante ang lugar, mabilis ko na lang naririnig kung may ingay.Kahit medyo hinihingal pa, tumakbo ako paakyat. Pero wala akong naabutan. Hanggang sa narinig ko ulit ang pagbagsak.
"Sa rooftop?" Tanong ko sa sarili.
Agad kong hinanap ang daan papunta ron. Nilibot ko na ang buong palapag, pero wala akong nakita. Hanggang sa may napansin akong mga karton na nakaharang sa isang sulok. Isa-isa ko 'yong tinanggal. Bumungad sa'kin ang hagdan. Pero kailangan ko pang bumaba ulit.
May harang na salamin kaya hindi ako pwedeng basta tumawid na lang.
Hingal na hingal na ako, pero, pinilit kong madaliin ang pagbaba. Lumabas ako sa building at pumunta sa likod nito. Medyo malayo rin ang tinakbo ko dahil sa kalakihan nito.
Nasa baba pa lang ako, pero nalulula na ako. Ang haba ng hagdan. Baka hindi ko na makita kapatid ko niyan. Gagabayan ko na lang ata sya kung nagkataon.
Huminga ako nang malalim. "Para kay Tala!"
Bakit ba hinahanap ko pa si sir Kyle? Pwede namang pumunta na ako agad kila Kyle dahil sigurado naman akong maintindihan niya kumbakit hindi na ako nagpaalam. Atsaka, hindi ko rin siya mahanap.
<—————>
Mortala's POINT OF VIEW
Nagising ako nang maramdaman ko ang hapdi ng buong katawan ko.
Napatingin ako sa paligid. Isang maling galaw ko lang, mahuhulog ako sa napakataas na building na'to
Ang nakakapagtaka lang, ako lang mag-isa sa- "Hindi ka naman kasi nakikialam dito." Rinig kong wika ng isa.
BINABASA MO ANG
Lost but not Alone
RomanceThe story of a girl who's not in her own book. Naniniwala ka bang maaari kang maligaw sa isang panaginip? Paano kung mangyari din ito sa'yo? Maniniwala ka bang buhay 'yon ng ibang tao na dinagdagan mo lang ng kwento gamit ang sarili mong mga karanas...