Chapter: 16

2 0 0
                                    

Kasalukuyan akong bumibili ng mga gamot
na kailangan ni Tala.

Wala pa rin siyang malay. Sabi ng doktor, baka bukas pa siya magising. Andaming namuong dugo sa kaniya dahil sa mahigpit na pagkakatali. Nagkaroon din siya ng bali sa ibang parte ng katawan. Hindi ko alam kung paano, nangyaring may bali siya.

"1,230 po lahat" Wika ng nasa cashier. Agad kong kinuha ang wallet ko at nagbigay ng pera. Binigay niya rin naman agad ang binili ko.

Hindi pa muna ako bumalik sa loob. Bibili muna ako ng makakain ko. Bibili na rin ako ng mga prutas ni Tala. Panigurado, gutom 'yon.

Ako ngang isang beses pa lang umakyat sa building, nagutom na agad, ano pa kaya siyang nasa ganoong kalagayan?

Binilihan ko siya ng mga paborito niya. Katulad ng: apple, mangga, at melon. Bumili na rin ako ng anim na bote ng tubig. Ayun daw talaga ang pinaka kailangan ni Tala, sa ngayon.

Kung hindi lang ako sinabihan ng doktor na kailangan na niya ng gamot, hindi ako hihiwalay kay Tala. Natatakot ako na baka, pagbalik ko, wala na ulit siya. Baka kung ano nanamang mangyari sa kaniya. Ayaw ko na. Ilang araw akong halos mabaliw, pero pilit na nagpapanggap na okay lang ang lahat dahil wala siya.

Ayaw ko nang maulit yung gabi-gabi akong naiyak; nag-aalala sa kung anong nangyari sa kaniya. Kung okay lang ba siya.

Habang naglalakad, nakatingin lang ako sa baba. Hindi ko namalayang may mga nakakasalubong ako.

"Sorry" Wika ko. Tinignan ko kung sino 'yon. Siya... "Siya nga" Bulong ko sa sarili nang lagpasan niya ako. Anong meron sa kaniya? Anong meron sa'min ni Mortala at tila lagi niya kaming sinusundan? Sino siya? Anong kailangan niya?

Sa dami ng tanong ko sa isipan, hindi ko
namalayang nasa tapat na ako ng kwarto ni Mortala. May kung anong bigat sa dibdib ang naramdaman ko nang bubuksan ko na sana ang pinto.

Parang may sariling buhay ang mga paa ko. Lumakad ako palayo. Papunta sa hindi ko alam. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Namalayan ko na lang na nandito na ako sa likod ng hospital? Anong ginagawa ko rito?

Nilibot-libot ko ang paningin. Tahimik ang paligid. Madaming matatayog na puno at puno ng halaman ang paligid.

Hahakbang na sana ako pabalik nang biglang may kung sinong humablot sa'kin.

"Shh" ani niya. Sisigaw na sana ako pero agad niyang tinakpan ang bibig ko. Hindi ko siya nakikita. Nasa likod ko siya. At hindi ako hinahayang humarap sa kaniya.

Mas lumapit pa ang labi niya sa kaliwang tainga ko. "Mag-iingat kayo sa kanila." Bulong niya ng may pagbabanta.

Hindi ko maintindihan.

Bigla na lang siyang nawala. Nawala na parang bula. Sumasakit na ang ulo ko. Hindi ko alam kung anong gagawin. Bakit... bakit niya kami sinusundan? Ano bang kailangan niya? "SINO KA BA?!" sigaw ko.

Napatakip ako sa bibig ko
nang may narinig akong mga kaluskos. Mabilis ding nawala 'yon. Sa takot at pangamba kong kung may nangyari kay Mortala, patakbo akong bumalik sa loob.

Hingal na hingal ako.

Napawi lang 'yon nang maabutan kong mahimbing na natutulog si Mortala sa kama. Nilapitan ko siya at niyakap.

Tinignan kong maigi ang kaniyang itsura. Napaluha ako. Hindi siya ang karapat-dapat na nagdudusa ngayon. "Isa kang Anghel... ana-"

"Miss, time for check-up na po." Wika ng isang nurse na kakapasok lang. Pinunasan ko ng palihim ang mga luha ko. Tinanguan ko siya at nagpaalam na lalabas na muna.

Nasa tapat lang ako ng kwarto niya. Nang makitang lumabas ang nurse, nilapitan ko ito. "Miss, ano na ang kalagayan niya?" Tanong ko.

Nginitian niya ako. "Maaaring bukas, gising na nga siya. Pero huwag mo siyang biniglain. Maaring nagkaroon siya ng brain fracture. Baka naapektuhan ang memorya niya. Nakita kasi kaninang malakas siyang nauntog." 

Lost but not AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon