Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Agad kong kinala ang cellphone ko. Alas-sais pa lang pala.
Wala na si Syenan nang lingunin ko ang pwesto niya. Pero isinawalang bahala ko na muna. Baka babalik na sa trabaho 'yon. Bumangon na rin ako at naghilamos. Nag toothbrush na rin—ayaw ni Mortala ng bad breath si ate.
Pagtapos non ay tinignan ko ang mga supot na dala ni Syenan kagabi. May nakapatong na rin na letter don.
Kailangan niyo ng umuwi. Huwag na kayong magtagal pa rito. Mas maalagaan siya sa bahay...natin.
-Ginger'nNabitawan ko ang letter nang wala sa oras. Hindi ko maintindihan. Biglang may pumasok sa loob.
"O, matulog ka pa. Ako na mag-aasikaso rito." Sabi niya.
"A-akala ko pumasok ka?"
Tawa lang ang naging sagot niya. Ewan ko ba rito sa babaeng to. Hindi ko rin maintindihan kung minsan.
Lumapit siya sa'kin at may binaba nanamang supot.
"Pumunta rito si Nurse Jurelin ba 'yon?"
"oh?" sagot ko.
"Wala, may kung ano lang siyang dinikit diyan. Ewan ko, nakuha mo ba? Letter ata."
Tumango-tango lang ako at agad na bumalik sa pwesto ko. "Napakahimbing naman ng tulog ni Mortala ko." Sabi ko pa habang sinusuklay ang buhok niya.
Ito ang paborito kong gawin sa kaniya kapag naaabutan ko siyang tulog. Ang suklayin ang buhok niya at lambing-lambingin siya.
"Kumain ka muna" Tawag sa'kin ni Syenan. Tinanguan ko siya at sinenyasan na mamaya na lang. Gusto kong kasabay kumain si Mortala.
Naintindihan naman siguro niya ako.
Kaya tumalikod siya at mag-isang kumain. Napatingin ako sa ilalim ng lamesa. Doon napunta yung letter. Hindi naman niya yata yon makikita. Tsaka, kilala ko si Syenan, kahit makita pa niya yan, hinding-hindi niya yan gagalawin.Ginger'n
Napatulala na lang ako sa kawalan.
"Ate" rinig kong boses. Hindi ko 'yon pinansin; hindi naman ako ang tinutukoy niya. Nakatingin lang ako sa bintana. Ayoko, ayokong tumulo ang mga luhang kanina pang nagbabadyang bumagsak.
Sinubukan kong kumuha ng maraming hangin upang pamigilan ang mga ito.
"Ate"
Pero hindi ganon ang nangyari. Ang mga luha. Tuluyan itong bumagsak at binaha ang kwarto. Pinipilit ko silang itakwil ngunit sila'y nag-uunahang kumawala sa mga mata ko.
"Ate Nik-" Hindi! hindi pwede yon!
Teka, tama ba? Tama ba ang narinig ko? N-nik? A-ate?
Napalingon ako sa kaniya. Nakatingin siya sa'kin at nakahawak sa paa. Tumakbo ako palapit sa kaniya.
"Anong nangyari dyan?" Tanong ko habang nakaturo sa paa niya. Namimilipit siya sa sakit.
Napatakbo ako palabas para tumawag ng doktor.
oa.
Nang matapos syang icheck-up ng doktor, sinabing pinulikat lang sya. Napakalma naman ako dahil sa sinabi ng doktor.
Pinakain ko na rin muna si Mortala at sinabi kong uuwi na kami. Hindi naman siya sumagot o nagreklamo.
I"ll take it as a yes.
Ramdam ko ang mga tingin ni Syenan. Pinapanood niya lang ako habang pinapakain si Mortala. Kaunti lang ang binigay ko sakaniyang pagkain, paniguradong hindi niya rin naman uubusin.
Kinuha ko ang cellphone ko.
SIR KYLE:
Hanggang kailan kayo riyan?? i need you, here.Napatingin naman ako kay Syenan na nagbabasa rin pala ng chat sa'kin ni sir Kyle. "H-hindi alam ni sir na andito ka?"
Takang tanong ko. Tumango lang siya. Matalim ko siyang tinignan. Bigla naman siyang tumawa, dahilan nang pagkainis ko.
Ako kasi ang hinahanap ni sir Kyle. Ang alam ko, umalis din daw yon e. Nakabalik na siguro kanina o kahapon. Hinampas ko
ng malakas sa braso si Syenan. Malakas lang siyang tumawa, muli. Hindi talaga siya pumapalpak sa pamimikon sa'kin.Tinapunan ko ng tingin si Mortala. Nakahiga lang siya habang nakatingin sa kisame.
Nakatitig sa kisame~~
"Tala!" Tawag ko.
Tumingin siyang agad na kinangiti ko. Bumangon siya at tinignan ako. Lumapit ako sa kaniya. "Miss na kita" sabi ko.
Wala siyang reaksyon. Ganon naman palagi. Ilang araw pa lang, pero nasasanay na ako. Ayokong tuluyan akong masanay.
Masakit 'yon sa part ko at sa part ni Mortala. Paano na lang kung okay na ang alaala niya tapos ako nasanay na sa ganitong sitwasyon? Ano na lang ang magiging itsura namin non??Ano na lang ang mararamdaman niya?? Kung ako nasasaktan sa ganitong sitwasyon, paano pa kaya siya kapag nabaliktad sitwasyon namin??
Bumalik ang isip ko sa nabasang sulat kanina. Bakit kailangan naming umalis agad?? Oo, aalis kami, pero bakit parang minamadali niya? Bakit si nurse Jurelin ang naglagay? Anong koneksyon niya sa kaniya? Bakit kilala niya "siya" ?
Ah basta! Tumayo ako at pumunta sa mga gamit namin. "Mortala, uwi na tayo?" Tanong ko. Kahit anong oras naman daw pwede na kaming umuwi. Nasa amin na kung anong oras namin nanainising umuwi.
Tumango lang sya. Tinignan ko naman si Syenan na nakain. "Uuwi na kami, sasama ka ba sa bahay?"
Umiling lang sya. Di ko na tinanong kumbakit o kung saan siya pupunt, basta uuwi na kami. Hindi ako makakatanggap. ng ganong sulat kung walang malalim
na dahilan. Malakas ang kutob ko na may masamang mangyayari kapag nanatili pa kami hanggang mamaya.Pinagsama-sama ko ang lahat ng dadalhin namin. Unti lang naman, mga tatlong bag. Karamihan don prutas.
Nang maayos ang lahat at nakapagpalit na si Mortala ng damit, inaya ko na silang lumabas. Mayroon pa ngang laman na tinapay ang bibig ni Syenan. Hila-hila ko siya ngayon dahil ayaw pa raw niyang umuwi. Gusto pa raw ng aircon.
"Edi magpakidnap ka din don sa gwapo tapos hayaan mong mabugbog yung gwapo ng tatlong lalaki hanggang sa ihulog ka mula sa tuktok ng building. Malay mo, may aircon din magiging kwarto mo rito sa hospital." Wika ni Mortala.
sabay kaming natahimik at napalingon ni Syenan. May kung ano siyang tinitignan sa pader. Napapatawa na lang ako sa isip ko. Tama nga naman ang sinabi ni Mortala.
Pero habang pinagmamasdan ko siya, parang ang lalim laliml ng iniisip niya. Naging ganyan siya, simula nung magising sya.
Ewan ko ba. Hindi ako sanay. At gaya ng sabi ko, ayokong masanay.
Madaming hindi pwedeng ipaliwanag
Magiging masama, kung malalaman agad
Kaalama'y hindi pwedeng isagad
Mayroon itong sariling oras ng pagliwanag
BINABASA MO ANG
Lost but not Alone
RomanceThe story of a girl who's not in her own book. Naniniwala ka bang maaari kang maligaw sa isang panaginip? Paano kung mangyari din ito sa'yo? Maniniwala ka bang buhay 'yon ng ibang tao na dinagdagan mo lang ng kwento gamit ang sarili mong mga karanas...