Kumunot ang noo ko at dumilat. Mula sa mahimbing na tulog ay na alimpungatan ako. Agaw pansin ang umilaw kong cellphone na nakapatong sa lamesa.
Uno, tara samin
Sabi nang pumunta ka samin
Birthday ko nakalimutan mo?
Tara may inom dito!
Sunod-sunod na mensahe nabasa ko. Kanina ko pa iniwasan ang mga tawag at mensahe ni Roy. Noong isang linggo pa niya paulit-ulit na pina-alala sa akin na birthday niya, imposible kong makalimutan.
Nilapag ko ang cellphone pabalik sa lamesa. Wala akong balak umalis at gusto ko lang humilata sa kama.
“Uno! Alam kong gising ka pa, lumabas-labas ka lang dyan kung ayaw mong sirain ko ‘tong pinto mo!”
Tinakpan ko ang aking ulo gamit ang unan. Pilit na bumalik sa pagtulog. Mali talagang binigay ko sa kanya ang spare key ng apartment ko.
“Wala si Eya, ‘di naman daw makapupunta, nasa Singapore at bukas pa balik no’n,” patuloy ang paghampas niya sa pinto ng kwarto ko.
That name ring my bell. Walang preno ang bibig ng kaibigan kong ito.
Si Eya…
Iyong ex ko. Ex ko na nakipaghiwalay sa akin sa hindi ko alam na dahilan. She left me without an explanation. Sakto pa sa panahon na mas kailangan ko siya.
We were perfect together like a couple from your favorite kdrama series. We were inseparable. We were born for each other, they said.
Sa likod ng magulo at madayang mundo siya ang nag-iisang banayad, kalmado at nagpa-alala sa akin na manatiling patas sa bawat laban. Siya ang kinuhanan ko ng lakas para magpatuloy. Hanggang sa nag-iba ang ihip ng hangin.
May sakit ang Mama ko noon at kailangan magpa-dialysis dahil pumapalya na ang isa sa kanyang kidney. Si Eleven ang aking nakababatang kapatid na lalaki, hindi nakapasa sa entrance exams sa mga state universities para sana libre na ang kolehiyo. Ako naman ay guro na nagtuturo pa noon sa private school at kumikita ng twelve thousand kada buwan.
Wala na akong tatay mula bata pa dahil mayroon na siyang ibang pamilya. Ako ang tumayong padre de pamilya pero hindi sapat ang kinikita ko noon. Ang kinikita kong twelve thousand ay sakto lang sa mga bayarin at pagkain naming tatlo. Pagkatapos ay dagdag pa ang gamot at pang-dialysis ni mama. Nangangambang tumigil si El noon dahil wala akong pagkukunan ng pang matrikula kung hindi siya mabibigyan ng pagkakataon sa mga state universities. Sinabay ko sa lahat ng ito ang self review para sa pagkuha ko ng board exam para maging isang licensed professional teacher.
Sa lahat ng isipin, pagod at problema. Isa lang naman ang hiniling ko kay Eya. Sana ay nabigyan niya ako ng kaunting suporta, pero imbis na iyon ang natanggap ko, iba ang binigay niya.
“Umupo kana dyan, tayo-tayo lang naman dito,” sabi ni Roy at pilit akong pinaupo.
Sa malaking bilog na lamesa magkakaharap kaming mga barkada ni Roy. Ako, si Tupe at Roy nagkakilala noong college. Nandito rin yung mga na mukhaan kong ilang kaibigan ni Roy noong high school. Nandito rin si Brie iyong bestfriend ni Eya.
Lumingon-lingon pa ako at naniguradong totoo ang sinabi ng mokong na ‘to. Mukhang totoo naman at wala na akong nakitang iba.
“Nag-aaral ka ng doctoral Uno?” Tanong ng isa sa high school friend ni Roy. Hindi ko siya masyadong ka-close.
“Ah oo,” sagot ko.
“Ilang taon ka ng nag-aaral buti di ka nagsasawa,” dagdag kumento niya.
“Hindi naman,” sagot ko ulit.
BINABASA MO ANG
State of Sonder
RomanceLuther One "Uno" Narvarte ang educational instructor na patuloy inaabot ang kanyang pangarap para sa hinaharap pero hindi pa rin nakalilimot sa kanyang nakaraan. Patuloy pa rin hinahanap ang tanong kung bakit bigla na lang siya iniwan. Rafeya "Eya"...