Chapter 1

587 4 0
                                    

**********

chapter1

Lia's POV


"a-anak ko ang batang yan?" hindi makapaniwalang tanong ko kay aling rita, kalalabas ko palang ng ospital at sabi ng doktor may amnesia daw ako


"oo sya si gail anak mo sya" 


napatingin ako sa baby na natutulog sa kuna


"p-pero bakit wala akong maalala? sino ba ako? bakit may sugat ako sa ulo?bakit nyo sinasabi sa akin na may anak na ako eh ang bata ko pa! bakit hindi ko maala-"


"NATHALIA! tama na ang madaming tanong! rita dalhin mo na sya sa kwarto nya!" sigaw sa akin ng matandang lalaki na nagpakilala sa akin kanina na lolo ko daw, nakakatakot sya


"halika na," inakay ako ni aling rita paakyat ng hagdan, habang naglalakad hindi ko mapigilang mapaiyak,bakit ganito wala akong maalala, pati pangalan ko hindi ko alam


"lia tahan na,matulog ka na,pag maayos na ang pakiramdam mo ako ang tanungin mo ng mga gusto mong malaman" umupo agad ako sa kama pagkapasok sa kwarto


"yung baby sa baba anak ko ba talaga yon?" hindi kasi talaga ako makapaniwla na may anak na ako


"ssshhh tama na magpahinga ka na" sabi ni aling rita at lumabas na sya ng kwarto ko,


isang buwan daw akong na comatose sabi ni aling rita,pagkagising ko wala na akong maalala, ang hirap ng ganito, kung may anak na ako sino ang asawa ko? 


*****************



naalimpungatan ako ng makarinig ako ng iyak ng baby, pagtingin ko sa wallclock ala-una na ng madaling araw.


bumangon ako at pumunta sa kwarto kung saan may umiiyak na baby


"oh lia bakit gising kana? madaling araw palang ah" sabi ni aling rita habang sinasayaw ang baby


"nagising po kasi ako sa iyak nya" sabi ko sabay tingin sa baby


"ganyan talaga ang bata, pabago bago ng oras ang tulog"


"pwede ko po ba syang kargahin?"


"oo naman kaya na ba ng katawan mo?" tanong ni aling rita


"opo" inabot nya ng dahan dahan sa akin ang baby, medyo nakakatakot syang kargahin dahil malambot pa ang mga buto nya


"kamukha mo sya hindi ba?" sabi ni aling rita ng nakangiti


oo nga kamukha ko sya, gising sya ngayon kaya kita ko ang maganda nyang mata, magkamukha nga kami, dahan dahan ko syang isinayaw para makatulog sya ulit

My Brother's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon