CHAPTER 3

380 9 9
                                    



CHAPTER 3


Lia's POV



"oh ganito ha pagkatapos mo sya padedehin kailangan mo sya padighayin,itatapat mo lang ang tyan nya sa may balikat mo tapos antayin mo lang na madighay sya,parang ganito" pinapanood ko ng mabuti ang ginagawa ni aling adora,sya yung kausap ni lolo kahapon na makakyulong ko sa pag aalaga kay gail


"oh ikaw nga" iniabot nya sa akin si gail ng dahan dahan, madali lang naman pala..


"oh ayan nadighay na sya,ihiga mo na sa kama at bibihisan ko na sya" maingat ko syang inihiga sa kama,. hindi ko pa kasi sya kayang bihisan,natatakot kasi baka mabalian


pumunta ako sa terrace ng bintana ko, dito dumaan kagabi si kevin. hay ang tagal naman mag gabi, sabi nya sa akin sasabihin nya lahat ng alam nya tungkol sa akin, gustong gusto ko na kasi talagang makaalala,baka makatulong sya sa akin para mabalik ang ala ala ko,,.


pumitas ako ng isang santol sa punong inakyat ni kevin kagabi, nakakatakam kasi yung mga bunga ang didilaw na, parang matamis..


'ang tamis" 


"magtanghalian ka muna bago ka kumain nyan lia, mainam din yang pang himagas" tanghali na pala,kakain nanaman ako mag isa, iinum nanaman ako ng gamot na sobrang dami na hindi ko naman alam kung para saan, basta sabi ni aling rita gamot ko daw yon,siguro gamot para mabalik ang ala ala ko,.


tuloy lang ako sa pagkain ng santol,.. baka mapadami ako nito..ang tamis kasi talaga.


"naalala ko nung mga bata pa kayo muntik na kayong mahulog ni kevin sa punong yan,naku galit na galit ang senior" napatangin ako kay aling adora


"kilala nyo po si kevin?" 


"naaalala mo na sya ha iha?" tanong agad ni aling rita


"hindi po, nagpunta kasi sya dito kagabi"


"naku ang batang iyon talaga ang tigas ng ulo, mapapagalitan sya ng senior kapag nalaman nya yon" bakit naman? sobrang higpit naman nya sa akin, pati mga kaibigan ko hindi din pwede?


"may iba pa po ba akong kaibigan dito bukod kay kevin?" nagbabakasakali lang na may iba pang magsabi sa akin ng mga nakalimutan ko..


"aba oo naman, sina Arvin Jana at Fey mga kababata mo din sila" parang nabuhayan ako ng dugo sa sinabing iyon ni aling Rita,, 


"talaga po? pwede nyo po ba silang papuntahin dito?" natutuwa kong tanong,baka kasi pwede din silang dumalaw dito tuwing gabi katulad ng ginawa ni Kevin diba..


"mahigpit na ipinagbawal ng senior na bawal ka pang dalawin ng kahit na sino Lia"ano ba talagang nagawa ko na ikinagalit ng husto ni lolo? parang kulang nalang ikulong nya ako sa bodega at wag ng palabasin pa..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Brother's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon