chapter 2

422 9 1
                                    


CHAPTER 2

Lia's POV


kanina ko pa gustong kausapin si lolo, gusto ko syang kausapin tungkol sa mga bagay bagay, kaso natatakot ako, baka sigawan nanaman nya ako, nakakatakot pa naman ang itsura nya parang kaya akong lunukin ng buo ano mang oras..


"sige po senior bukas na bukas ay mag uumpisa na ako" sabi ng babae na lumabas sa opisina ni lolo, nginitian nya ako ng mapansin nyang nakatingin  ako sa kanya kaya ngumiti na din ako,


"sige makakaalis ka na" sabi ni lolo na lumabas din ng opisina


mabilis akong napabalik sa upuan na katabi ng kuna ni gail ng mapansin kong tumingin sa akin si lolo, hindi ko talaga maiwasang matakot sa kanya


"bukas ay may tutulong na sayong mag alaga kay gail, para narin matuto kang alagaan ang anak mo.." pagkasabi nya noon ay umalis na agad sya, pagkakataon ko na sana syang kausapin pero naduwag ako..


****


gabi na, napagdesisyunan kong dito na din sa kwarto ko patulugin si gail para naman hindi na mahirapan si aling rita kapag nagigising sya ng alanganing oras..


ng makatulog na sya ay agad akong bumaba para maghapunan, siguro kailangan ko na ding masanay na ako lang mag isa ang nasa hapagkainan dahil hindi naman sumasabay si lolo, palaging nagpapadala nalang ng pagkain dun sa opisina nya...


**********


kevin's POV


ang tagal naman ni lia,. kanina pa ako nangangawit dito sa taas ng puno  na nasa tapat ng bintana ng kwarto nya.. kung tinatanong nyo kung bakit nasa taas ako ng puno ay kasi po diba bawal pa syang kausapin,.. dito ako dumadaan tuwing gusto ko syang dalawin, dito din sya dumadaan kapag tumatakas sya, ang galing nga umakyat nung babaing yon eh may lahing unggoy yata,..


bukas ang ilaw sa kwarto nya.. tanaw ko din ang kuna ng baby.. haaay gusto ko na makita ang baby nya,.. nakaka excite naman.. ang dami ko na ding nakaing santol,.. puno kasi to ng santol eh, ang tamis pa naman ng bunga...


tinanaw ko si barney na nakatali sa puno ng mahogani na katabi ng puno ng santol.. hindi pa nga pala ako nakakauwi.. dumiretso kasi agad ako dito pagkagaling ko sa trabaho..


nakita kong bumukas yung pinto at pumasok si lia.. bakit may benda sya sa ulo? inaayos nya yung kama nya..


"pssst" hindi yata ako narinig


"psssst" bigla syang lumingon sa paligid ng parang may hinahanap


"lia" tawag ko sa pangalan nya.. lumakad sya palapit sa bintana at sumilip


"sino ka?" naaninag na nya siguro ako.. nakahawak sya sa glass door ng terrace ng bintana nya ..para syang natatakot na ewan,..


My Brother's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon