Charlie POV.
"Pst." Nanetong babaeng 'to, kung hindi lang niya alam na crush ko 'yung ate niya, kanina ko pa'to nasapak. Kitang nag q-quiz yung tao eh.
It's already 10am in the morning, and it's our second period. We're currently having a long quiz.
I hate Pol-Sci! Kung hindi ko lang pangarap maging lawyer, hindi ito ang kukunin kong course
"Pst. huy!"
Bwiset, gusto kong mag Architect kaso mahina ako sa math. hehe yun lang.
"Charlie, kapag hindi mo pa'ko pinansin sisigaw ako." Tangina, tumingin naman ako sa harap para tignan kung anong ginagawa ng professor namin.
Nakita ko naman itong busy sa kakakulikot sa Iphone nito. Galit naman na binalingan ko ng tingin yung katabi ko.
"Ano!?" Nakakunot kong tanong. Humaba naman ang labi nito, puta kadiri.
"Anong sagot mo sa number 34? Ang hirap kasi eh." Tanong nito with matching pa-cute pa.
Inirapan ko naman ito at tinignan ang sagot sa papel. "Article 8, section 8." Sagot ko dito.
"Thank you! You're so bait talaga, bagay talaga kayo ni ate!" Pang-uuti nito. Mag th-thank you nalang nga, may kasama pang pang-u-uto. Binalik ko naman ang tingin sa question paper at nagsagot.
Identification ang quiz namin, my favorite one. 15 more questions and I'm done with my paper.
Sinilip ko naman ang oras sa mamahalin kong relo na binigay ng daddy ni Angel. Ang bait noh? Tapos yung anak— hyst ayaw ko nalang mag talk.
I still have 1 hour and 20 minutes to answer.
Binalik ko naman ang focus sa pagsagot hanggang sa marinig ko ang boses ng professor namin.
"Finish or not finish, past your paper in front without making a noise or else all of you will have a -10 on your quiz." Anunsyo nito.
Tahimik naman naming inabot ang mga papel sa harap at nagsikap talaga kaming hindi gumawa ng ingay.
Nang makalabas na si Prof Lorenzo ay saka lang kami nakahinga ng maluwag. Sa lahat kasi ng professor siya itong pinaka-nakakatakot.
Ni minsan hindi pa namin siya nakitang tumawa o ngumiti manlang. Nonchalant ang fafa niyo.
"Ahhh! For sure maze-zero ako sa quiz natin!" Naluluhang sumbong sa'kin ni Angel.
Tinignan ko naman ito ng nagtataka. "Bakit?" tanong ko.
Inangkas naman nito ang braso niya sa braso ko saka isinandal ang ulo sa balikat ko.
"Eh pano ba naman kasi, halos lahat ng sagot ko walang tama. Yung number 34 lang siguro tama ko ron Huhuhu" at tuluyan na nga itong umiyak na parang bata.
Agad ko naman itong inalo dahil nakakahiya na sa mga classmate ko.
Pinagtitinginan na naman kasi kami, abnormal kasi itong kasama ko. Kung umakto parang hindi laki sa mayamang pamilya.
"Huy, tumahan ka nga, nakakahiya." Suway ko rito. Bahagya naman itong huminto sa pag-iyak at naluluhang tumingin sa akin.
"Nakakahiya? It means kinakahiya mo na ako ngayon?" napatampal nalang ako sa noo ko. "Bwiset." bulong ko.
"Minumura mo na ako, huwahhhhh." Agad ko namang nilagay ang kamay ko sa bibig nito. Napaka-ingay talaga.
Hinayaan ko lang itong mag breakdown tungkol sa mga sagot niya sa mga quiz kanina.
Imposible namang isa lang magiging tama niya ron eh kilala siya dito sa campus bilang halimaw sa education.
ulol, kung tutuusin nga kaming dalawa ang magkalaban pagdating sa academic.
YOU ARE READING
† Veins of Starlight † [R🔞GxG Ongoing]
Fantasy__________________ No part of this book may be reproduced, stored, or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, scanning, or otherwise without written permission from the publisher. It is illegal to co...