Strange
"So anong arte yun?" tanong ni Leika sa akin.
"Huh? Ang alin?"
"Duh! Yung kay Marco?! Akala ko ba hate mo siya. Eh bakit ngayon may pa invite invite ka pang nalalaman ngayon?"
"Ha? A--Wala yun!"
"Psh Lokohin mo na lahat Jess wag lang ako!" Ha? Ano Daw? Di ko Maintindihan 'tong pinagsasabi ni Leika.
"Naku, Jess! Wag mo ng ingtindihin 'tong si Leika. Likas lang talaga na Chismosa yan kaya inuusisa ka ngayon sa lablayp mo .. haha" HALA!!!
Pinalo ko yung braso ni Coco. Asarin ba ako kay Marco?TSSS Mga walang magawa sa buhay.
"Alam niyo ang dumi ng isip niyo, niyaya ko ang na sumabay sa atin mag lunch binigyan niyo na agad ng isyu."
Then patuloy pa rin sila sa pang-aasar sa akin. Ako naman. Dedma lang! Focus muna sa studies! Bata pa ako eh. Hanggang sa mag-2nd Quarter na. Unfortunately, nag-iba ng seating arrangement. At tama kayo, hindi na nga kami naging magkatabi ni Marco.
At kung mamalasin pa nga, magkabilang dulo pa kami. Tuwing break na lang kami nakakapag usap tapos saglit pa. Naging malapit kaming apat sa isa't isa. Pero si Leika na lang ang madalas kong nakakausap. Kasi naman magkatabi kami s bandang likod, left side. Si Franco naman nasa may gitna. at si Marco ay nasa kabilang dulo.
*sigh
"Namimiss mo?"
"HA??! O.O.. si-sino?" lakas talaga manggulat nito si Leika. bigla-bigla na lang magsasalita tapos ang lakas pa ng boses.
"Tss .. sino pa nga ba. Edi si .." sabay turo niya gamit ang nguso papunta sa direksyon ni MArco
"Ano? Hi-hindi ah!" Napayuko ako. Shocks!!! hindi ako makatingin sa kanya ng diretso!
"Sus!! Di daw.. eh namumula ka na nga hahahaha" Grabe lakas ng tawa ah! Naka megaphone?
"Leika!" Hindi pa rin siya tumitigil sa pang-aasar sa akin kahit na dinidedma ko na siya.
Hindi ko naman magawang magalit sa kanya.. kasi ramdam ko eh.. I have this strange feeling na parang ...parang tama si Leika..
*English Class
Nagkaroon kami ng grouping for the roleplay sa english subject namin. At tulad ng dati, bilangan. Kung sino ang kapareho mog number siya ang kagrupo mo.
Habang nabibilangan, i was crossing my fingers under the table.. praying na sana man lang.. kahit sa grouping... makasama ko siya..
Pero mailap sa akin yung tadhana. Group 3 ako at siya naman ay 2..
Grabe di ba?! Yung feeling na..ayana malapit na sana... makakagrupo ko na siya, tapos biglang..susubra?! Ughh Nakakaasar. Si Leika tuloy ka-group niya.. habang nakasama ko naman sa group si Coco
"Oh bakit nakabusangot yang mukha mo?" tanong sa akin ni Coco
"Hindi ah!" siyempre ito naman si ako todo deny. Kapag sinabi ko kasi oo,hahaba pa ang usapan.
"Pero yung mukha mo abot na sa sahig!Hahaha"
Loko to ah! Pinalo ko siya sa braso tapos siya naman tawa lang ng tawa.
"Tumigil ka nga, makinig ka na lang sa leader, hindi yung ako tong pinapansin mo."
crossed arms and tingin sa gilid.. ughh pareho talaga sila ni Leika. hilig akong asarin.. Parang si..hayyys!! Nevermind!
"uuuyyyy may napipikon na. hahah" pang aasar pa rin sa akin ni Coco at ngayon may kasama pang pagsundot-sundot sa braso.
"Ano b---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang may kumalabit sa akin..
Pagalit pa akong lumingon..
At hindi ko inaasahan kung sino ang makikita ko..
"Ma--Marco!"
Then he smiled at me..
"Ilista niyo raw dito yung pangalan ng members ng group niyo then ipasa sa susunod na grupo." sabay abot niya sa akin ng isang notebook.
I was stunned! For a moment i seemed to froze. Alam kong dapat kinukuha ko na sa kanya yung notebook pero bigla kasing.. parang hindi ako makagalaw.. i just stared at him tapos bigla na lang bumilis yung heartbeat ko.
*dugdug *dugdug
Shocks!! What's happening to me! I don't know what to do!!!
Kukuhanin ko na sana yung notebook kay MArco ng biglang..
"Thanks Bro!" sabay kuha ni Coco ng papel
So Dahil naunahan ako ni Coco, yung kamay ni Marco ang nahawakan ko.
*dugdug *dugdug
Kung kanina mabilis na ang heartbeat ko, ngayon naman feeling ko lalabas na yung puso ko sa dibdib ko.
Shock!! This feeling..it's.. it's strange.
BINABASA MO ANG
Steal Your Heart !!! (KathNiel FF) [On-going]
Teen FictionAkala ko habang buhay na akong magpapanggap na maligaya sa isang relasyong matagal ng sira pero pinipilit ko pang mabuo. But then he came and he proves me wrong. He who brought back the anger in me He who let me cry my heart out He who made me smile...