Some Things Change
Good Start for me. Kaka-transfer ko pa lang dito pero I got ranked 4 already. I think konting tiyaga pa,tataas din ako. Kaya naman yan ang naging motivation ko ngayong Grade 3 na ako. Unfortunately hindi ko naging kaklase si Leika. Pero magkatabi pa rin naman ang room namin. Kaya nga lang iba kasi talaga ang feeling kapag magkaklase kayo ng close friend mo di ba?
Pero kahit na ganun, may good news pa rin naman. Dahil kaklase ko pa rin sina Marco at Franco (Coco). Kaya alam kong kahit papano magiging komportable ako.
Kaya nga lang parang may nag-iba. Dahil ba naka-armchair na kami at hindi na table? or dahil tumabkad na kami? or dahil bago lahat ng teacher??? HAyyy ewan!!! Basta alam ko at ramdam ko na parang may nagbago.
"Tatayo ka na lang ba diyan sa tapat ng pintuan?" Napalingon ako sa lalaking biglang bumulong sa tenga ko.
That voice! Kilalang kilala ko yun.
"Hoy Marco! Hindi ako ganun kalaki para hindi tayo magkasya sa pintuan nuh! Sana nilampasam mo na lang sana ako. Hindi mo naman kailngan manggulat!"
"Hahahaha.. Talaga lang ha.. Di pala malaki..hahaha" ABA'T loko to ah!
"Anong sabi mo!!!"
Tumakbo siya paikot ng room at hinabol ko naman siya
"Wag lang talaga kitang aabutan Marco.NAKU!! ihahampas ko talaga tong bag ko sayo!!!" Patuloy pa rin siya sa pagtawa at pang aasar sa akin..
GRABE! kakaumpisa pa lang ng school year ko ganito na agad ang bungad sa akin.
NAKU ! Ikaw talaga Marco! Perwisyo ka sa buhay ko!
Yung strange feeling na naramdaman ko nung grade 2 ako, hindi ko na naramdaman pa. Ewan ko ba kung bakit. Dahil siguro nagbakasyon tapos matagal ko siyang hindi nakita at nakausap ng personal? Oo, nagcha-chat kami sa Fb pero alam niyo yung, iba kasi kapag personal. May gestures.. may feelings
.. kaya laking pasasalamat ko dahil natugil yung hindi ko maipaliwanag na feeling. Ang awkward kasi eh pag nagpatuloy pa.
Naging okay naman ang 2 quarters para sa akin. Nagsipag kasi talaga ako pag-aaral kaya naman naging Top 2 ako ng klase namin at si Coco naman ang top 1. Ang galing niya nuh! At ngayong magsisimula na naman ang panibagong quarter, it means bagong seating arrangement na naman. And Guess who kung sino ang katabi ko?
si
.
.
.
.
.
Coco
.
.
.
.
.
.
.
hahahaha joke lang! Si Marco talaga. Alam ko naman na siya ineexpect niyo eh.
So ayun nga naging magkatabi na naman kami ni Marco. And guess what happens next?
Naging malapit ulit kami..like nung grade 2...kakwentuhan at laging kakulitan at kaasaran.
At ngayon alam ko na kung ano ang nagbago...
Si Marco..
Ibang iba na kasi ang kilos at porma niya. Hindi na siya yung batang uhuging katabi ko though colored pencil pa rin ang gamit niyang pang-kulay dahil maarte pa ri siya! (AT mukhang hindi na magnbabago yun XD)
Maayos na siyang manamit. Palaging mabango, at lagi na siyang may baong panyo. Pati si Coco mukhang naging conscious na rin sa itsura niya..
Mukhang nagbibinata na ang mga kaibigan ko ah! hahaha
Ako na lang ang napag-iiwanan.
Wala pa rin kasi akong pakialam sa kung ano ang itsura ko. Basta ang mahalaga lang sa akin ay ang mag-aral ng mabuti ^________^
Magiging smooth sailing na sana ang taon ng biglang..
"Hoy ano ba! Akin na yan!" Tahimik kasi akong nagsusulat nang biglang hablutin ni Marco yung ballpen ko.
"Hahahaha Edi abutin mo" Pilit niyang tinataas ang kamay niya, at dahil sa mas matangkad siya sa akin, hindi ko yun maabot. Tumatalon na nga ako eh pero wala pa ring effect =______=
Ganun ba talaga ako kaliit? ;"(
"Akin na kasi yan!!!" Pinipi lit ko paring abutin habang walang humpay ang halakhak ni Marco nang biglang...
"Marco"
Napalingon kaming dalawa ni Marco kay Clarisse. Ang pinakamaganda sa Section namin.
Nakakapagtaka. Kilala pala niya kami? Kasi alam ko wala siyang ibang pinapansin kundi yung mga kaibigan niyang conyo at yung mga mukhang espasol na mahilig magpulbos ng mukha,
Nakatingin lang si Marco sa kanya at nag-antay ng susunod na sasabihin.... tulad ko
Matagal na kaming nagtitinginan pero wala pa rin siyang sinasabi.
"Kung wala ka naman palang sasabihin, makakaalis ka na, busy ako!"
O.O Loko 'to ah!!
"Ouch!" sinundot ko kasi siya sa tagiliran at tinitigan ng masama.
"Umayos ka!" bulong ko sa kanya..
"Tss"
"Bakit ba?" sabi ni Marco kay Clarisse
"Pwede ba tayong mag-usap? May sasabihin kasi ako sayo." nahihiyang sabi ni Clarisse habang nilalaro niya yung daliri niya..
"Nag-uusap na tayo. Sabihin mo na yung kailangan mo" ABA!! ang taray nitong lalaking 'to ah! Babatukan ko talaga to mamaya.
"Ahh--Kasi---Nakakahiya.."
"Edi wag mo ng sabihin. Tara na Jess" hihilain na sana ako ni MArco nang biglang nagsalita si Clarisse.
"CRUSH kita!"
O.O
Ano daw???!!!
Napahinto kami ni Marco tapos lumingon kay Clarisse.
"Anong sabi mo?" kahit si Marco mukhang hindi makapaniwala sa narinig niya..
"Crush kita, Marco" Pabulong lang ito pero sapat na para marining namin.
Shocksss!!! Some things DID CHANGED!!!
BINABASA MO ANG
Steal Your Heart !!! (KathNiel FF) [On-going]
Teen FictionAkala ko habang buhay na akong magpapanggap na maligaya sa isang relasyong matagal ng sira pero pinipilit ko pang mabuo. But then he came and he proves me wrong. He who brought back the anger in me He who let me cry my heart out He who made me smile...