NAKARATING na kami sa manila, maaga kaming umalis kaninang 5 am.habang papasok kami sa pinto rinig ko ang mga naguusap mula sa kusina kaya pumunta ako doon nakasunod naman si kuya elijah sa likod ko.
pagkarating ko sa hapagkainan nadatnan ko sila dad at mom nandoon din sila kuya theodore at kuya yehuda.Stepmother ko lang mommy audrey ang gusto niyang itawag namin sakanya ay mom, mabait si mom kaya gusto ko siya para kay dad, wala namang problema saaming magkakapatid na magasawa ulit si dad, support lang kami sa mga gusto ni dad pero dapat pipiliin niya ang nakakabuti sakanya at saaming magkakapatid.
Namatay si mom dahil bumanga ang sinasakyan niyang kotse gabi yung mga araw na yun, umalis si mom para bumili ng gamot ko kasi sobrang taas ng lagnat ko nun bawal din naman akong dalhin sa hospital kasi umuulan, kaya ako ang sinisisi nila kuya yehuda at kuya theo sa pagkawala ni mom.
Kahit sarili ko sinisisi ko sa nangyari, bata pa ako nung mga araw na yun kung sana may isip na'ko nun at kaya ko na pigilan si mom na 'wag siyang umalis pipigilan ko siya. hindi galit sa'kin si dad dahil kahit siya gagawin niya din ang ginawa ni mom kaso nasa ibang bansa si dad yung mga araw na yun, naiintindihan naman nila kuya elijah at dad ako pero sila kuya yehuda at kuya theo mga sarado yung isip nila, tanggap ko naman na ako yung sinisisi nila sa pagkamatay ni mom pero hindi ko lang tanggap na ako yung pinagdarasal na sana ako nalang yung namatay.
Bakit 'di nila ako tanongin kung anong nararamdaman ko o kung okay lang ba ako. nang dahil jan nagpakalayo-layo kaming dalawa ni kuya at kinaya ko natuto akong maging malakas para sakanila. nagluksa ako at mamuhay ng mahabang panahon sa pangasinan ngayon babalik nanaman ako sa dati kong pinangalingan."Mom, dad, nandito na po ako!"sigaw mo habang tumatakbo sakanila nagulat pa sila pero napangiti naman din, sinugod ko sila ng yakap.
"Namiss ko po kayo"paglalambing sabi ko habang yakap sila mom at dad, namiss ko sila dahil kada month lang nila ako dinadalaw.
tumingin naman ako kila kuya dahil nakatayo sila sa gilid si kuya elijah naman umupo naman sa upuan para kumain at yung dalawa inirapan ko sila inirapan din nila ako at lumapit silang dalawa sa'kin tapos hinalikan nila ako sa noo at umupo na sila para kumain ganon din ang ginawa ko, habang kumakain kami nagsalita si kuya elijah."Dito na mag-aaral si delaine at kayo naman theodore at yehuda bantayin niyo siya dahil laging napapaaway yan, na transfer na siya sa school niyo"sabi ni kuya habang tinitignan kami ng mariin. Kaming tatlo takot kami sakanya, nakakatakot kaya siya pero mas natatakot daw sila saakin, bakit naman?wala naman akong ginagawa sakanila.
"Bakit doon?sasakit lang ulo namin sakanya at malingat lang kami saglit nawawala na agad sa tabi namin tapos bigla biglang susulpot na parang kabute"mahabang salaysay ni kuya yehuda, wow ha?ako pa talaga pero totoo naman hehe.
"Grabe kayo saakin"nakasimangot na sabi ko napailing nalang si kuya elijah saakin.
"Magpahinga kana delaine papasok ka pa bukas"sabi ni kuya elijan
"Huh!?bakit ang bilis naman? pwedeng naman next week nalang ah" pasigaw na reklamo ko.bakit naman kasi ang bilis.
Ata na atat huh, kuya?parang di kapatid, yan ang gusto kung sabihin sakanya pero 'wag na hagisan pa ako ng plato eh.
"Shit, ang ingay ng bunganga mo"naiinis na sabi ni kuya theo
"Sorry bro, nabigla lang"maangas na sabi ko napairap nalang saakin si kuya theo syempre inirapan ko din
"Maraming bang babae doon?"tanong ko
"Babae mo mukha mo daig mo pa kaming mangbabae eh"sabi ni kuya yehuda
"Edi lalaki nalang para magkajowa na din ako"sabi ko
"Hindi, bawal ka magkaboyfriend"sabay nilang sabing tatlo
"Dad!tignan niyo ang tatlong lalaking anak niyo ayaw nila ako magkaboyfriend"reklamo ko kay dad
"Bawal pa baby kapa"sabi din ni dad
Tumango naman sila kuya, tumingin naman ako kay mom napailing nalang siya.
"Wag mo ng subukan, 17 ka palang pag 30 kana pwedeng magkaboyfriend tapos 40 kana magpakasal"sabi pa ni kuya elijah
"Ang bad niyo sa'kin"nakasimangot saad
Tinawanan nalang nila ako.Kahit magkagalit kami nila kuya theo at kuya yehuda ganito pa rin ako nila asarin pero di na tulad ng dati na subrang sweet nila saakin, halik lang sa noo pero walang yakap o lambingan, kasalan ko ba talaga?yan ang lagi kung tanong ko sa sarili ko, kung kaya kong ibalik yung dati ibabalik ko at pipigilan ko si mom na 'wag umalis, yung mga panahon nagpakalayo-layo kami ni kuya elijah binago ko yung sarili ko naging basagulera ako at yung dating kikay kung manamit ngayon tomboyin na.
Nabalik ako sa ulirat ng tawagin ako ni kuya elijah
"Tulala ka nanaman, magpahinga kana alam kong pagod ka"sabi ni kuya elijah at humalik sa noo ko, tumayo din sila kuya yehuda at kuya theo para humalik sa noo, lumapit naman ako kila dad at mom humalik ako sa pisngi nila bago tumaas para maligo at magpahinga dahil may pasok pa ako bukas, kumpleto na rin yung school supplies ko, na-enroll na'ko ni dad habang nasa byahe kami ni kuya kaya wala ng problema.~~~~~~~~~~~~~~~~~
Enjoy reading and I hope you like it😊❤
YOU ARE READING
The only girl in the room
Teen FictionBabaeng basagulera, makulit, pilosopo, palamura, at iba pang katangian ng dalaga ito. Paano kung napunta siya sa section na puro lalalaki at puno din ng basagulero, babaero, mayayaman at iba pang katangian meron sila. Anong kaya mangyayari sakanya?m...