STORY 5: Paano Umayos ng Isang Magulong Groupings?

0 0 0
                                    

[Habang ginagawa ko itong book na ito ay bigla akong nagkaroon ng nostalgia nang makita ko ito sa notes ko. Ito yung ginawa kong script para sa paggawa namin ng Advertisement para sa subject namin na Reading and Writing Skills or RAWS. Ang nakakatawa at nakakainis sa sinulat ko na 'to ay yung hindi naman ito pinansin ng leader namin at that time😅😅😅. Pero ok lang naman, medyo mahirap din kasi sa tingin ko kung eto yung ginawa namin. Syempre magaling akong magsulat ng mga komplikadong script eh hahaha. Naks!]

[Ipapakita ang mga muka ng mga tao sa lamesa na tila ba di mawari. Sila ang grupo ng mga studyante na naging magkakagrupo sa isang group activity. Obviously, they needed "Team Work", but that's the last thing they'll have in this group. Hindi kasi nila trip ang isa't isa, hindi nila trip ang activity nila, at mainit pa.]

{This is what they're currently doing. A 1 by 1 shot(maybe?)}
(🟣: Stressed)
(🔵: Fidgeting his pen)
(🟢: Nakatingin sa malayo)
(🔴: May sinusulat sa notebook)
(⚪: Nagpapaganda)
(⚫: Nagsecellphone)

[Leader🟣 shouted to 🔵]
🟣: Umayos ka nga 🔵!
🔵: O! Ako na naman napagdiskitahan mo!
🟣: Eh paano wala ka naman ambag sa groupings natin!
🔵: Ah talaga ba🟣? Eh paano naman yang si 🟢? Tignan mo nakatulala lang siya oh!
🟢: Oh bat ako? Nananahimik ako dito ah! Saka di ako pabigat katulad mo🔵! At saka ikaw rin🔴, di ka naman nakikinig sa instructions kanina!
🔴: Ows! Ako pa?! Eh ako nga halos lahat nagbibigay ng mga ideas sa shemay na group activity na ito! Di tulad mo na nasa outer space ang utak!
⚪: Guys tumigil na nga kayo! Hindi na nga tayo nagkakaisa sa ginagawa natin eh, tapos nag-aaway pa kayo?
⚫: Tss, sabi ng babaeng kanina pa nagm-make up sa gilid. Kung di ka pa pinilit, di ka naman sasama dito.
⚪: Excuse me? INGGIT–KA LANG. Saka ikaw nga itong walang ambag sa materials natin!

[Biglang dumating ang dalawa pa nilang mga ka-groupmates na sina🟡&🟠. May dala silang snacks. They're happy chitchatting habang papunta sa table. Napansin agad nila ang conflict.]

🟠: Oh, nag-aaway na naman ba kayo guys?
🟡: Oh c'mon, di na ba kayo nasanay sa muka ng isa't isa? It's been a month since naigrupo tayo ni Maam.
🟠:Haysst, oh eto may binili kaming snacks para sa inyo, para ganahan naman kayo sa groupings natin.

[Pakita ng product, advertising edits and instrumentals.]

[Natuwa sila at napangiti. Finally, nagkasundo na rin sila sa isang bagay. Isang snack lang pala ang magpapalamig ng mga ulo nila!]

🟣: Uyy salamat ah! Kanina pa ako nagugutom eh.

⚪: Ako din, and si ⚫, di yan kumain kanina.
⚫: Oh...napansin mo yon?... That's nice.

(Inabutan ni 🟣 si 🔵 ng snack)
🟣: Narinig ko kayo ng mga kaibigan mo, favorite mo daw yan.
🔵: (Smiled) Ayos ka din pala...leader.

(Narealize nila na si 🔴 na ang nakakuha ng last snack.)
🔴: Hati na tayo dito oh🟢.
🟢: Aww, thanks.

🟡: Paano ba yan, guys?—Let's do this activity! (🟡 shouted enthusiastically.)

[Final shot: Malayong shot na pinapakita na happy na sila, habang kumakain ng snack.]

~THE END~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Filipino and English Short Stories of Shotgun BautistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon