It all started with our perfect deal

224 1 0
                                    

Minsan malakas din ang trip ko :)

vote, comment or follow :)

Please po kailangan ko po ng opinion niyo para sa story na ito. :) Thank you

-monsterinc-

___________________________________________________________________________

Normal naman siguro na magkaroon ng crush ang isang tao.

Normal na gumawa ng paraan para mapansin ka nito.

Normal na gagawin mo ang lahat para malaman ung name niya.

Normal na gusto mo siya maging close.

Miski nga FLAMES, HOPE at MASH ginagawa mo para malaman mo kung compatible kayo.

Ang swerte mo pa nga kung ung crush mo ay kilala ka.

Ang swerte mo kung ung crush mo kinakausap ka at nginingitian ka.

Pero ang malas mo kung ung crush mo kaibigan lang pala ang turing sayo o kaya may ibang gusto.

Syempre masasaktan ka kung may ibang gusto ung crush mo.

Pero konting kausap niya lang sayo o pansin niya sayo umaasa ka na ulit.

Gumagawa ka na ulit ng paraan para mapansin ka niya o makausap mo siya.

Pero paano kung may isang asungot na laging sinisira ung plano mo para maging close ka kay crush at magustuhan ka nito.

Matutuwa ka ba o maiinis?

Malamang maiinis ka kasi except na mapalapit ka sa crush mo lalo lang siya nalalayo.

Kung pwede lang sipain papuntang outer space ung asungot na yon matagal ko ng ginawa.

Pero isang araw inoffer niya ako ng isang deal na mahirap tanggihan. Kailangan ko lang magpanggap na girlfriend niya for one week at kapag nagawa ko na yon hindi na siya hahadlang sa pagpapacute ko sa crush ko plus may bonus pa yon. Tutulungan na daw niya talaga ako na mapansin nung crush ko. So pumayag naman ako kasi wala namang mawawala.

Pero akala ko lang pala yon dahil sa loob ng isang linggo na yon ay nabago niya ang tibok ng puso ko.

________________________________________________________________________

ayoko na atang ituloy hahahahaha joke :)

It all started with our perfect dealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon