Leigh's P. O. V
"Leigh anong oras na tara na!" malakas na sigaw ni ate mula sa baba at agad akong kumaripas ng takbo
"Ito na!" sagot ko naman pabalik habang mabilis na bumababa ng hagdan
It's already 6:50 AM and first day of class ko ngayon.
Agad na kaming umalis ni ate sakto ay may dumaan na jeep kaya nakasakay agad kami. Ilang minuto na lang yung meron kami at magsisimula na yung class namin. 20 minutes away kasi yung school ko mula dito sa bahay, kaso syempre. Masyado yata akong na overwhelm dahil ngayon, Grade 7 na ako. New school. New classmates. New surroundings.
After 20 minutes, nakarating din kami ni ate sa school. Sobrang bilis ng heartbeat ko. Sobrang nangangatog ako.
"Good Morning Ma'am, I'm sorry I'm late po" nakangiting bati ko sa isang guro na nakatayo sa may pintuan ngayon. Siya yata yung adviser ko.
"Good Morning nak, pasok" nakangiting sagot niya at pumasok na ako sa loob. Mabuti na lang may nakita agad akong vacant seat sa harap, at dun na rin ako umupo.
"Good Morning class, so we will be having our of course ang favorite ng lahat! Introduce yourself!" tumatawang saad ng teacher namin at nagsitawanan naman lahat ng kaklase ko.
"BTW, Let me introduce my self first. My name is Ma'am Coleen Quizon, you can call me Ma'am Coleen, Mama Coleen, Ma'am Col or whatever you want" nakangiting sabi ni Ma'am Coleen habang tumatango naman kami ng mga kaklase ko.
After magpakilala ni Ma'am Coleen, nagsimula nang magpakilala isa isa yung mga kaklase ko.
"HI everyone, my name is Heyleigh Ann Feliciano. You can call me Leigh for short" matipid na sabi ko habang nililibot ang paningin sa kanila.
Habang tinitignan ko yung mga kaklase ko, may isang lalaking nakaagaw ng pansin ko. Nakatitig siya sakin. Agad naman akong umiwas ng tingin at umupo na rin matapos kong magpakilala
"Hello everyone, my name is Brentmark Diaz." agad akong napalingon sa likod nang marinig ko ang boses ng isang lalaki.
At siya yung lalaking nakatitig sa'kin kanina habang nagsasalita ako.
--------
Ilang oras na rin yung lumipas at uwian na. So far, masaya ako sa school ko ngayon. Sobrang bait ng adviser namin at ang babait din ng mga kaklase ko.
Nasa labas na ako ng school ngayon, at naghihintay ng jeep na sasakyan pauwi. Mabuti na lang, may dumaan na isang jeep na maluwag, at napuno 'yon ng puro estudyante. Pero, nagulat ako nang biglang bumilis na naman yung tibok ng puso ko nang may makatabi akong lalaki na naka hawk na bag na color orange and blue.
Brent's P.O.V
Ang ganda niya.
Tanging salitang lumilipad sa isip ko habang tinititigan yung babaeng katabi ko sa jeep ngayon.
Ilang minuto rin yung byahe namin pero hindi pa rin siya bumababa. Inaabangan ko talaga kung saan siya baba kasi baka kabaranggay ko siya. Ngunit hindi pala, bumaba siya sa isang baranggay na katabi lang din ng baranggay namin. Malapit lang kami sa isa't isa.
"Ma dito na po ako" sigaw ko nang makapasok ako sa bahay namin at nag bless kay mama
Agad akong nag bihis at kinuha yung cellphone ko dahil pakiramdam ko may misyon akong dapat gawin
Binuksan ko yung cellphone ko sa blue app at sinearch agad yung pangalan niya.
"Julie Ann?" bulong ko sa sarili ko habang masinsinang hinahanap yung account niya.
Sa totoo lang hindi ko alam buong pangalan niya dahil nasa likod ako at nasa harap siya nakaupo. Masyadong mahina yung boses niya kaya ang narinig ko lang na pangalan niya ay
"Ann" lang."Heyleigh Ann Feliciano" natigilan ako nang may mascroll akong isang account. Pinindot ko yung profile niya at hindi ako nagkakamali. Siya nga.
-------
Leigh's P.O.V
Nagbihis agad ako ng damit at humiga sa sofa pagdating ko sa bahay. Matutulog na sana ako nang biglang tumunog yung cellphone ko. Agad kong binuksan 'yon at nagulat ako nang may mag add saking lalaki
Brentmark Diaz sent you a friend request.
"Hala!" gulat kong sigaw nang bigla kong mapindot at ma accept yung friend request dahil nabangga ako ni ate sa braso
Siya yung lalaki kanina. Siya yung kaklase ko. Yung nakatabi ko sa jeep. Siya 'yon!
"OA nasanggi lang" tumatawang sambit ni ate habang tuloy sa pag lakad papuntang kusina
Brentmark : Hello
Napabalikwas ako nang biglang may nagchat sakin at sa taranta ko, pinatay ko yung cellphone ko. Ilang minuto ang lumipas, binuksan ko ulit at nireplyan siya.
Heyleigh : Hello rin
nakangiti ako habang sinesend sa kaniya yung reply ko. Tumagal din yung usapan namin at naging mag kaibigan din kaming dalawa
------
Lumipas ang ilang araw, naging close kaming close kaming dalawa. Nagkaroon din kami ng bagong kaibigan. Si Charles at Merese.
Masasabi ko ngayon, masaya ako. May mga kaibigan na agad ako. May mga nakakasama na agad ako
Ngayon, kaibigan ko yung crush ko
YOU ARE READING
Fated Love : Love in the Shadow of Time
Dla nastolatkówSa kabila ng lahat, tila may mga bagay na dinadala tayo ng tadhana sa maling oras-o baka naman, masyado lang tayong maaga dumating sa tamang lugar. Ang mga mata mo, sa unang pagkakataon kong nasilayan, parang abot-kamay ang lahat ng hinahanap ko. Pe...