“Class, past you papers forward. Do not make any noise while doing that.” my teacher said after we heard the long bell indicating that our exam finally ended.
Midterms, hell week ng mga estudyante. I heard the sign of relief from my classmates, buti naman at tapos na. Sawang-sawa na kasi akong mag-aral.
Hinintay lang naming makalabas ang adviser namin bago kami nagsipuntahan sa mga kaibigan namin at magusap-usap sa mga sagot namin sa exam na sigurado naman ay napakalayo sa tamang sagot.
“Diyos ko, buti nalang tapos na! Hindi ako humihinga while answering the exam ha!” sabi ng kaibigan kong si Ishy habang nagpupunas ng pawis nya.
“Hindi rin ako humihinga, wala na kasi akong masagot.” natatawang sabi ko naman.
Naalala ko na naman ang mga sagot ko kanina, kung ano ang pinaka-mahaba ay yon nalang ang pinili ko. Basta may dala akong pitong dasal, pwede na 'yon.
“Wag ka, nakikinig ako ng worship song while answering. Mabuti na ang sure.” singit naman ng isa kong kaklase.
Sino 'to? Parang hindi naman to part of the group.
“Who you?” tanong ng kaibigan kong si Red habang nakataas ang kilay nito.
“Dun, sa kabilang section.” natatawang sagot ng lalaki na animoy baliw na naliligaw.
“Oh, erps! Ikaw pala 'yan!” masiglang sabi ni Raquim sabay inakbayan ang lalaki.
Tropa sila, parehong baliw.
“Nakiki-chismis lang erps. By the way, single ka ba?” pasingit na harot ng lalaki habang nakatingin kay Ishy.
Natawa ako sa ekspresyong nakaimprinta sa mukga ni Ishy, parang hindi halos maipinta. Akala mo'y diring-diri sa nakikita nya.
Pigil na pigil kami sa pagtawa nina Raquim habang si Red naman ay hagalpak na ang pagtawa. Nakikita ko nga ngala-ngala nya mula rito sa inuupuan ko.
“Kadiri ka uy! Go away!” Maarteng sabi ni Anxi bago tumabi sa akin habang suot pa rin ang ekspresyon nyang nakakatawa.
“Oh, go away na raw erps!” sabi ni Raquim habang tawa-tawa pa rin at pabirong itinulak ang kaibigan nya mula sa kabilang section.
Ang gulo talaga ng lalaking yon, since Junior High School ay sinusundan-sundan na si Ishy. Sa pagkakaalam ko ay Max ang pangalan non.
“So yucky uy! Hindi ba nagsasawa tropa mo?!” pabalag na tanong ni Ishy kay Raquim na tawang-tawa naman sa the moves ng kaibigan nya.
“Bakit hindi mo kasi bigyan ng chance?!” pang-aasar ko naman.
“Mama mo chance.” sagot ni Ishy sabay irap sa akin. “Mall nalang, tara.” aya nito habang nakakunot pa rin ang noo.
“Tara, pambawi sa lakas kong inubos ng exam na 'yan. Bawiin ko lang hininga ko.” sabi ko at dali-daling kinuha yung bag ko at ang nakapatong kong wallet at cellphone sa table.
“Tangina, 'to na naman tayo. Wala nga akong pera!” padabog naman na angal ni Red.
“Libre ni Raquim!” sabi ko atsaka hinila silang dalawa.
Kita ko naman ang pagtaas ng kilay sa akin ni Raquim. Damang-dama ko ang pagmumura nya sa akin sa isip nya.
Don't worry best friend, masasabi mo rin yan ng harapan sa akin pero nakahiga na ako sa kabaong.
Paglabas ng campus ay nag-abang lamang kami ng bus. Pagsakay ay nagkukulitan pa rin kami at nag-aasaran kung sino ba talagang dapat manlibre pero sa huli ay si Raquim pa rin ang napili.
YOU ARE READING
From Heaven to You
Teen Fiction"Why me, Ajax?" I calmly asked while fidgeting with my fingers. "Why not?" he answered with his softest voice. - A light story about teenage love.