Chapter 2

7 1 0
                                    

Chapter 2

Aaliyah's POV

Dito kami ngayon sa clinic, bigla kasing hinimatay si Mizuki kanina. Mabuti lang nasalo ko siya bago siyang tuluyang bumagsak. Pero ramdam ko ang lamig nang mahawakan ko siya. She was cold as ice.

Mabuti na lang tinulungan ako ni Max para buhatin si Mizuki papunta dito sa clinic.

Nakahiga siya ngayon, parang napahimbing ang tulog niya.

Pinagmasdan ko siya. Nakaramdam ako nang pagkaawa.

I was about to leave... nang biglang umungol siya.

"Tulong! Tulungan niyo ako!" she screamed. I rushed to her.

"Mizuki, Mizuki. Okay ka lang?" tanong ko. I was worried. She looked very scared.

"Anong nangyayari?" kabadong tanong ni Max.

"Ewan ko. Hindi ko alam," tarantang sagot ko.

Patuloy sa pagiyak si Mizuki. Sinubukan namin siyang gisingin. Pero wala paring nangyayari. Sumisigaw siya ng tulong. Biglang may dumating na babae. Hinihingal, maybe nagmadali talaga siya papunta dito.

"Mizuki, Mizuki," tawag ng isang hinihingal na babae.

Lumakad siya papalapit sa ikinahihigaan ni Mizuki.

"Sshhh... tahan na Mizuki, nandito na si ate..." sabi niya sabay haplos sa ulo ni Mizuki. By just looking at her ramdam ko ang kaba niya. She's trembling as she holds Mizuki's hand.

"Rhea Lyn!!!" sigaw ng lalaking hingal na hingal nang pumasok dito sa clinic.

"Ano ka ba Rhea Lyn? Di ba sabi ko hintayin mo ako," his voice was filled with worries.

"Alam ko namang alalang-alala ka kay Mizuki, but please for pete's sake making ka naman sa akin," sabi niya as he grasp for air.

"Pasensya na Jared, nagaalala lang talaga ako kay Mizuki," sagot ni ate Rhea Lyn.

"Alam ko, alam ko," he replied as he puts his hands on Miss Rhea Lyn's shoulders.

Dahil sa mga nakita ko, tears started to flow.

After an hour... nagdesisyon na si ate Rhea Lyn na iuwi na lang si Mizuki.

Nagtataka talaga ako kung bakit nagkaganoon si Mizuki. Bakit bigla na lang siyang umiyak? Nakita ko sa kanyang mukha ang pagkatakot. Sa mga oras na 'yun wala akong nagawa kundi magalala. Kung anu man 'yun, sana magiging okay din ang lahat.

And to make it happen, kailangan ni Mizuki ng isang kaibigan. I'm willing to be her friend. I want to be her friend.

Mizuki's POV

Nang imulat ko aking mga mata bumungad sa akin ang puting kisame. Bumangon ako. Okay? Mukhang nandito ako ngayon sa sarili kong kwarto. But how did I get here? Tiningnan ko ang sarili ko. Nakabihis pambahay ako. How the heck did I ge-.

Someone knocked at the door.

"Pasok," sabi ko.

"Hey, I brought you dinner." Bungad ni ate.

"Dinner? Anong oras na ba?" nagtatakang tanong ko.

Before I took a glance on the clock sumagot na kaagad si ate. "Nine."

What?! Gabi na pala.

"Kumain ka na. You still have classes tomorrow. You need to gain energy para hindi ka na himatayin. First day mo sa school you already made a scene," she said with her irritating laugh.

"Tsk. School."

"Hey, Mizuki," she called me as she sits right beside me.

"Mizuki, ilang taon na ang nakalipas since that accident?" bigla akong nagulat sa tanong niya kaya hindi ako nakasagot.

"It's almost been six years. Six years is already long enough for you to heal. Pero bakit hindi ka pa humihilom? Maybe because you keep on blaming yourself. Hindi mo kasalanan na kinidnap ka, at hinding hindi mo kasalanan na namatay sila mama at papa. They did that because they loved you. Mahal na mahal ka nila kaya tinanggap nila ang kamatayan ng maluwag sa kanilang kalooban. Alam kong masakit dahil hindi lang ikaw ang nasasaktan. Nasaktan din ako. Pero I accepted the fact that they're gone at hindi na sila babalik pa. I didn't blame you for what had happened, nangyari na ang nangyari. You should let go already and stop blaming yourself. Dahil habang tumatagal ang pagsisisi mo sa sarili mo, tumatagal din ang sakit na nararamdaman mo," she said as she held my hand.

Hindi ako umimik.

"Mizuki, are you okay?" she asked.

"Y-yeah, ," I uttered.

"Mukhang nabigla ka ata sa mga sinabi ko. I'm sorry," she said.

Hindi na ako nagsalita. And there was silence.

"Sige, pagkatapos mong kumain, matulog ka na ulit. You still have classes tomorrow," sabi niya as she kissed me on the forehead.

Lumakad siya palabas ng kwarto at before closing the door she bid goodnight.

As she shut the door, I started crying.

Lahat ng sinabi ni ate tama. I've been suffering for too long. Pero hindi niyo ako masisisi, kasi kung hindi dahil sa akin nandito pa sana sila mama at papa. At hindi ko kayang tanggapin na hindi sila nabigyan ng hustisya. Kaya I keep on blaming myself. Sa ganoong paraan parang nabigyan ko din sila ng hustisya.

They died because of me.

There's no one else to blame but me.

Humahagulgol ako sa kakaiyak. I lied down and looked up to ceiling. I was trying to go to sleep but my eyes won't stop pouring tears.

Bwisit naman kasing 'tong mga mata ko eh, ayaw tumigil sa kakaiyak.

Suddenly, I remembered my mom singing lullaby to me kung hindi ako makatulog.

She had a beautiful voice.

♪♫♫♪

Remembering those moments, I fell asleep.

Dare to Love the Ice QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon