3

10 2 0
                                    

Years later...

Pareho nang graduate ng college ang mag-tiyahing Natasha at Angel, may kanya-kanya na rin silang mga trabaho. Ngayon ay bente dos na si Natasha habang ang pamangkin naman ay si bente tres. Magkakasama pa rin sila sa iisang bubong.

Samantalang nanatiling magkasintahan sina Angel at Dylan Josh. Pinilit naman ni Natasha na kalimutan ang pagtingin kay Dylan Josh kahit masakit, pero hindi niya magawa. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang umiibig sa binata nang palihim. Sa tuwing nakikita niya ito na dumalaw sa kanilang tahanan ay hindi niya maiwasang pagmasdaman ang angking kagwapuhan ng binitang si Dylan Josh. Dumarating din minsan sa puntong napapanaginipan niya ito.

Isang araw, umuwi si Natasha mula sa kanyang trabaho. Bukas ang pintuan, tahimik sa bahay, una niyang nakita ang magkasintahang magkatabi sa upuan, umiiyak ang pamangkin si Angel at tahimik si Dylan. Tumingin din siya sa kanyang kapatid at bayaw na hindi makatingin sa dalawa.

Nagtataka siya, "Ate, anong nangyayari?"

Imbis na sagutin siya ng kanyang Ate Anna ay binaling nito ang atensyon sa anak na may halong pagkadismaya, "Angel, nangako ka, eh."

Hindi na mapigilan ni Anna na tumaas ang boses, "Nangako ka samin! Ang sabi mo isang taon ka lang magpapahinga sa trabaho kaya nag-resign! Pero nagpabuntis ka! Paanong kinabukasan mo?!"

Nagulantang si Natasha sa narinig at napako sa kinatatayuan. Si Eric naman, ang ama ni Angel ay tinumba nag upuan at nilapitan si Dylan Josh at hinawakan ang kwelyohan ng binata, aambahan ng suntok. "Tarantado ka! Hindi ka na talaga nahiya—"

"Kuya, tama na!"

"Pa, wag please!"

Pinipigilan nina Angel at Natasha ang padre de pamilyang si Eric na suntukin ang binata. Napapayakap na lang si Natasha para pigilan ang Kuya Eric niya.

"Sorry po, Pa. Hindi ko naman po papabayaan ang anak niyo. Pakakasalan ko ho siya," natatakot man ay magalang pa rin nagsalita si DJ. Sigurado rin siya sa desisyon niyang panagutan ang dalagang si Angel.

Nang dahil sa sinabi ni DJ ay agad na nag-react si Natasha, "DJ, hindi porket nabuntis kailangan nang magpakasal agad."

Ayaw niyang makasal ang binata sa kanyang pamangkin. Dahil bukod sa may gusto siya kay DJ ay concerned siya sa maaaring mangyari. Tumingin ito kay Angel, "Gel, pag-isipan mo muna ito nang mabuti. Baka pagsisihan mo ito."

Dahil sa ayaw ni Anna na nakikisali si Natasha sa usapan ay nagsalita ito, "Pwede ba, Natasha! Wag kang makikisali dito! Hindi ka kasali!"

Umatras na lang ang dalagang si Natasha at napayuko. Ramdam niya talaga ang pag-ayaw ni Anna sa presensya niya. Noon pa man ay ganyan na ang trato sa kanya.

Nagsalita si Angel, "Ma, desidido na po kami ni DJ. Pag-iipunan na lang po namin muna ang mga gastusin. Haharapin po namin ito nang magkasama."

Naiiyak na lang si Anna sa naging sitwasyon ng kanyang anak. Niyakap ni DJ ang kasintahang si Angel, habang pinapanood sila ni Natasha na naluluha dahil sa may gusto siya kay DJ. Si Eric naman ay napasuntok nalang sa pader dahil prustrasyon.

Nang dahil sa nangyari ay napilitan sina Anna at Eric na pagsamahin sina Angel at DJ kahit hindi pa kasal. Ang kasal kasi maraming gastusin, kaya napili nilang pagsamahin nalang muna sila. Sa paraang iyon, alam nilang maalagaan ni DJ ang pagbubuntis ni Angel.

Hindi na nakaiwas si Natasha sa binata lalo na't nagpapang-abot sila sa bahay pag-uwi nila galing trabaho. Si Angel naman ay patuloy sa pagtatrabaho bilang cashier sa isang grocery store, at gabi itong umuuwi.

Isang gabi, umuwi si Dylan Josh galing trabaho, agad itong naupo sa sofa at nagtanggal ng sapatos.

"Angel? Gel! Angel! Nandito na ako!" tinatawag ni DJ ang kanyang partner. Hindi pa alam ni DJ gabi umuuwi si Angel.

Bagamat, nasa itaas at nasa kwarto si Natasha ay dinig niya ang boses ng binata dahil sa silang dalawa lang ang nasa bahay. "Wala pa si Angel!" aniya.

Umakyat si DJ at sumilip mula sa pintuan ng kwarto nina Angel, "Oh, hi, Tash! Sina Mama Anna, bakit wala pa?"

Nagtutupi ng mga damit si Natasha, "May gawa pa sila ni Kuya Eric sa Las Piñas, baka di sila agad makauwi."

Pinanood ni DJ ang ginagawa ni Natasha, ngumiti naman si Natasha nang mapansin, "Oo nga pala, itong mga damit niyo ni Angel, nilabhan ko na."

Napangiti na lang ang binata habang nasa labas pa rin ng pinto, "Naku, Tash! Nakakahiya naman, nilabhan mo pa yan."

"Sus! Okay lang yun. Alangan naman kasing puro damit ko lang labhan ko, diba? Kumain ka na ba?" tanong naman ni Natasha.

Tapos nang magtupi ang dalaga kaya, "May paksiw ako diyan. Halika, kain tayo. Halika na, malungkot kumaing mag-isa," hinila ni Natasha ang kamay ng binata pababa hanggang dinning table.

Habang kumakain ang dalawa ay nagkukwentuhan sila. Nang matapos ay nailigpit na nila ang pinagkainan.

"Ang takaw-takaw mo palang kumain pag gutom na gutom," pang-aasar ni Natasha at tinusok ang tagiliran ng binata.

"Uyy! Makapagsalita! Ikaw nga parang hindi babae kumain, mas malakas kang kumain," pang-aasar pabalik ni DJ. Nagtawanan naman sila kung sino ang mas matakaw.

Maya-maya, dumating na si Angel mula sa trabaho. Napansin niya ang kulitan ng dalawa kaya tumikhim siya, "Eherm."

Lumingon ang dalawa.

"Gutom na gutom na ako," ani Angel at umupo sa dinning table.

"Oh, ito may paksiw pang natira. Ako rin, kanina, gutom na gutom, hindi na nga kita nahintay," ani Dylan Josh at naupo sa tabi ng girlfriend. Si Natasha ay pumunta sa lababo para maghugas ng pinagkainan.

"Paksiw, my favorite," nakangiting komento ni Angel nang buksan ang platong may paksiw.

Pinagsandok siya ni DJ ng kanin, "Alam mo? Buti na lang nandito si Natasha. Ang sarap niyang magluto."

Napangiti si Natasha at lumingon sa magkasintahan. First time niyang purihin ng binata kaya kahit di niya gusto ang nakikita niya ay masaya pa rin siya.

"Ay, totoong masarap magluto yang si Tita Natasha. Sa kanya nga ako natutong magluto ng sinigang eh. Kahit mas bata yan sakin parang mas mature pa siya. Diba, Tita?"

"Oo," sagot ni Natasha habang patuloy sa paghuhugas ng pinggan.

"Talaga, masarap yang sinigang mo?" tanong ni DJ sa girlfriend niya.

"Oo, special yun, parang ako," nakangiting sagot ni Angel habang nakatingin sa boyfriend niya, "Pag natikman mo yun, baka malimutan mo ang pangalan mo."

Napangiti si Dylan, "Talaga lang ah?" Nilalapit ni DJ ang katawan ng kasintahan sa kanya at patuloy na tinatanong at oo naman nang oo ang dalaga.

"Ano ba, Di! Ang kulit mo ah, pakainin mo muna ako."

Dahil naririnig at nakikita ng dalagang si Natasha ay agad siyang umakyat sa kwarto nila, "Matutulog na ako. Maaga pa ako sa work bukas," pagpapaalam niya sa dalawa at napairap sa hangin.

"Goodnight, Tita!"

Kinuhaan ni DJ ng tubig ang kasintahan na kumakain na din.

"Mabait pala si Natasha, ano? Maasikaso pa," ani DJ. Mula kasi nang magsama sila ni Angel ay madalas niya itong makitang umiirap sa kaniya o di kaya parang wala sa mood.

"Oo, mabait talaga si Tita. May topak lang talaga minsan, sanay na ako," sagot naman ni Angel.

Hinalikan ni DJ ang balikat ng dalaga, "Alam mo bang miss na kita?"

"Oo, alam ko. Alam mo naman sigurong kailangan kong mag-work para mas lalo tayong makaipon— para kay baby," ani Angel, hinihilot ang kamay ni DJ, "Gets mo naman ako diba? Ginagawa ko to for us."

"Oo, gets kita, mahal," sagot ni Dylan at hinahalik-halikan ang balikat ni Angel.

Umiwas naman si Angel. Alam niya naman ang gustong mangyari ng binata, "Wag muna ngayon, Didi. Pagod ako."

Gusto sanang humalik sana ni DJ pero ayaw talaga ni Angel.

"Kumain ka na ba?" tanong ni Angel.

"Oo... kasabay ko si Natasha," sagot ni DJ.

altxxxyeahyuh

Illicit Affair (SPG story)Where stories live. Discover now