2

22 2 0
                                    

Years later...

Pareho nang ganap na dalaga ang mag-tiyahing sina Natasha at Angel. Si Angel ay 15 years old na, 4th year high school, at si Natasha ay 14 years old, 3rd year naman ito. Bagamat magkaiba sila ng year level sa high school ay sabay silang umuwi. Gaya ngayon, naglalakad sila pauwi dahil walking distance lang naman ang kanilang school.

"Wala pa akong date sa prom, pero pumayag na si Mama sa gusto nating gown diba?" masayang ani Angel.

"Oo, matchy-matchy tayo," sagot naman ni Natasha.

Pinag-uusapan nila ang tungkol sa prom nila na gaganapin sa Sabado at ang tungkol sa mga lalaking pinag-uusapan sila sa school... mga lalaking nanliligaw kay Angel.

Maya-maya naglabas ng chocolate mula sa bulsa si Natasha at napansin iyon ni Angel kaya nanghingi ito.

"Wag na," ani Natasha at kumagat.

"Bakit?"

"Galing ito sa classmate kong si André, ayaw mo naman sa kanya bilang manliligaw mo, kaya akin nalang," aniya at patuloy na kumagat at kumain ng tsokolate.

"Pakagat kahit maliit,"

"Wag na, tataba ka niyan. Malulungkot boys na bet ka," mapang-asar na ani Natasha.

Napairap naman si Angel at walang nagawa, maya-maya, ay may kumalabit sa kanyang binata. Sabay nila itong nilingon. Matangkad ito, matipuno at higit sa lahat ay napaka-gwapo.

"Saan ka galing?" tanong ni Angel sa binata.

"Diyan lang, sa tindahan kasama ko si Darren," sagot ng binata.

"Nga pala, si Dylan Josh, classmate ko. DJ, si Tita Natasha ko," pakilala ni Angel sa dalawa.

Nilahad ni Dylan Josh ang kaniyang palad para makipagkilala, "Hi, Tita."

Hinawakan ni Natasha ang kamay ng binata at ngumiti, "Wag nang "Tita". Mas bata pa ako sayo ng isang taon. Natasha Yue Shen pala," sagot ni Natasha.

Nagkangitian naman ang dalawa. Habang naglalakad silang tatlo, tinatanong ni Angel kung nagawa na ba ng binata ang projects at assignments nila. Si Natasha naman ay hindi maalis ang tingin sa binata. Nabibighani siya sa angking kagwapuhan nito at tindig na sobrang manly. Kilala niya na si Dylan Josh dahil nakikita niya ito sa classroom nila ni Angel tuwing pupunta ito doon. Sobrang crush niya ang binata dahil sa kanyang aking karisma.

Hanggang sa dumating ang araw ng Sabado, ang prom night nila. Nasa loob ng kwarto ang mag-tiyahin, nagsusuot ng kanilang gowns at nag-aayos.

"Gel, nakita ko si DJ ah, kasama niya yung girl na palaging nakanguso. Pa-cute masyado, ah," tanong ni Natasha habang nasa malaking salamin lang ang tingin at nagme-makeup.

"Si Myra? Hindi, ganun lang talaga yun," sagot naman ni Angel.

"Sila bang magka-date?"

Agad na pumunta sa pintuan ang pamangking si Angel at sinara ito bago bumulong na sapat lang sa pandinig ni Natasha, "Siya nang ka-date ko mamaya."

Nagkunot-noo si Natasha, "Ha? Eh, akala ko ba si Michael ang date mo?"

"Kinausap na siya ni DJ, friends naman sila eh," sagot ni Angel.

Tila ba nakaramdam ng inis si Natasha sa narinig ay, "Bakit biglaan?"

"Sinagot ko na kasi siya, Tita, kahapon lang," sagot naman ni Angel.

Hindi naman sumagot si Natasha at patuloy lang sa pagme-makeup. Naiinis siya at nagagalit dahil gusto niya rin si Dylan Josh.

"Sorry, Tita, hindi ko agad nasabi sayo. Alam mo namang matagal nang nagpaparamdam si DJ, diba?" tanong ni Angel.

Hindi pa rin umimik si Natasha.

"Tita, galit ka ba?" tanong Angel.

"Ako? Galit? Hindi kaya," sagot ni Natasha na tila defensive pero hindi yun pinansin ni Angel.

"Talaga, Tita? Akala ko kasi galit ka. Alam mo ba, Tita, sobrang bait niya. Sobrang sweet din niya, Tita. Every morning, tini-text niya ako. Sobrang saya ko talaga, Tita," masayang kwento ni Angel sa kanyang tiyahin.

Habang ang kanyang tiyahin ay nakakaramdam ng galit at selos, ayaw niya nang makarinig ng kahit ano sa kanyang pamangkin, "Ah, teka lang, ah. May pinapagawa pala sakin si Mama mo, mamaya nalang tayo nagkwentuhan ah."

Ngumiti ng peke si Natasha bago lumabas ng kwarto at bumaba.

PROM NIGHT...

Nagsasayawan ang mga babae at lalaki sa event, mapa-kaibigan man o magkaibigan. Kabilang na ang magkasintahang sina Angel at DJ. Masaya silang dalawa ngayong gabi dahil sila ang magkasama at magkasayaw. Tila buong gabi silang nakangiti, masayang-masaya sila sa isa't isa.

Wish that I could walk you down the road
Share each moment, have my hand to hold
My imagination's beginning to unfold
Every wish is granted, every dream and hope

Wish I may, wish I might
Find a way to your heart
Wish that I'll be the sun to warm you all through your life
Wish you may feel my love that is hidden in the stars
Wish I may, wish I might
Be the one

Si Natasha naman, nakaupo lang sa mesa nila. Paminsan-minsan ang tingin sa kanyang pamangkin at taong gusto. Naiinis siya dahil sa nalaman niyang magkasintahan na ang dalawa. Sa loob-loob niya, nais niyang siya ang kasayaw ni Dylan Josh at nais niyang maging girlfriend nito. Napapikit siya nang mariin bago pa siya lumuha. Napansin niyang nasa tapat niya pala ang kaibigang laging kasama ni DJ, si Darren.

"Darren," tawag niya rito habang ang isa naman ay naglalaro sa cellphone.

"Hmm?"

"Sayaw tayo?"

"Sige,"

Tumayo ang dalawa ang nagsayaw sa tabihan lang nina DJ at Angel. Pero kahit habang sumasayaw sila, patuloy pa rin ang pagtingin-tingin ni Natasha sa magkasintahan.

Maybe now I'm ready to be found
Then I'll be a part of who you are
Promise of forever, never break your heart
Always there to listen, always by your side

Wish I may, wish I might
Find a way to your heart
Wish that I'll be the sun to warm you all through your life
Wish you may feel my love that is hidden in the stars
Wish I may, wish I might
Be the one

Napakasakit ng tagpong iyon para kay Natasha. Ang makita ang taong kanyang nais sa piling ng iba... sa pamangkin niya pa talaga.

altxxxyeahyuh

Illicit Affair (SPG story)Where stories live. Discover now