1

28 2 0
                                    

BAIs HOUSE
Bacoor, Cavite

Ala sais na ng gabi nang dumating si Anna sa kanilang tahanan, kasama ang bunsong kapatid na si Natasha Yue. Agad silang dumiretso sa kusina kung saan nandoon ang pamilya ni Anna. Mga mukhang nagtataka ang mga hitsura ang meron sa magkapatid na Angel at Justin.

"Sino siya, Ma?" tanong ng bunsong anak ni Anna.

"Siya ang bunso naming kapatid, si Tita Natasha niyo. Simula ngayon, dito na siya satin titira," ani Anna sa kanyang mga anak.

Ngumiti nalang ang dalagitang si Natasha sa mga pamingkin, dahil na rin siya nahihiya ito 'pagkat ngayon lamang sila nagkita. Buhat ng sa mga magulang ito nanirahan sa probinsiya. Doon na siya maninirahan sa kanyang Ate Anna at Kuya Eric dahil sa may katandaan na ang kanilang mga magulang.

"Hello, Tita Natasha!" bati ng magkapatid na Angel at Justin.

"Hi," nahihiya pa rin ang dalagita.

"Natatandaan mo pa ako?" magiliw na tanong ni Eric.

"Hindi na po," sagot naman ni Natasha.

"Talagang hindi ka na matatandaan ng bata, halos sanggol pa lang siya nung huli natin siyang nakita," sagot naman ni Anna sa asawa niya.

"Tita, play tayo," pag-aaya ni Angel.

"Ay, naku, Angel! Hindi na, alam mong pagod ang tita mo, maghain ka nalang at nang makakain na," utos naman ni Anna sa panganay na agad namang sinunod ni Angel.

"Ay, oo nga pala, Natasha, ilagay mo sa kwarto ni Angel ang mga gamit mo, doon ka na matutulog. Dahil maliit ang kama ng pamangkin mo, may banig doon sa cabinet, kunin mo yun, doon ka. Next week, pag extra pang pera ibibili kita ng folding bed," utos ni Anna at umakyat na sa kwarto para magpahinga saglit.

Habang naghahain ang dalagitang si Angel ay nanonood naman si Natasha, ngumiti ito, "Dito ka na rin mag-aaral, Tita?"

Tumango naman ang isa, "Sana maging classmates tayo."

"Anong grade ka na ba?" tanong ni Angel.

"6"

"Ayy, di tayo magiging classmates, grade 7 na ako, eh," dismayadong ani Angel.

"Ilang taon ka na ba?" tanong ni Natasha.

"12"

"Ako naman, 11 pa lang. Mas nauna palang nanganak si Ate kaysa kay Mama," ani Natasha. Nagkatawanan nalang ang mag-tiyahin at di na nila namalayan na nakahain na ang pagkain.

"Ma, Pa, Jus! Handa na po ang pagkain," sigaw ni Angel kaya naman bumaba ang mga magulang niya at natigil sa paglalaro ang bunsong si Justin para maupo at kumain.

Matapos magdasal ay kumain na ang mag-anak. Hindi na maiwasan ni Anna magbilin sa kapatid, "Natasha, bukas ng umaga pupunta tayo kay Kuya Bong mo, magpakita ka dun at magpakilala ka sa mga pamangkin mo."

"Opo, Ate," sagot na lang ni Natasha.

2 weeks later...

Naging maayos naman ang paninirahan ni Natasha Yue sa bahay ng kanyang kapatid na si Anna. Pinapakain naman ito nang maayos at wala namang problema. Siya ang madalas na inuutusan ng kanyang Ate Anna sa gawaing bahay. Hindi naman nagrereklamo ang dalagita pagkat iniisip niya na lang na ito ay paraan niya ng pagtanaw ng utang na loob.

Ngunit, isang gabi, nagluluto ng ulam si Natasha habang si Angel ay nanonood ng tv.

"Gel, patulong naman, oh. Magsandok ka na ng kanin," pakiusap ni Natasha sa pamangkin ngunit tila wala itong narinig.

Hanggang sa dumating na si Anna, agad na sinalubong ni Angel ang ina at nagmano, "Ano pong dala niyo?"

"Bestida yan, para sayo, isukat mo na," sagot ng ina sa anak.

Nang mapansin niyang nagluluto pa lang si Natasha at hindi pa nakahanda ang hapag ay tila nakaramdam ito ng inis, "Oh, Natasha, gabi na ah. Bakit ngayon lang yan? Nasaan si Justin?" lumapit ito sa dalagita.

"Nasa bahay po ng kaibigan niya at malapit na po itong maluto," magalang na sagot naman ni Natasha.

Dahil sa pagod ay hindi na maiwasang magalit ni Anna, "Natasha, diba sinabi ko sayo pagdating mo galing school dapat nakaluto ka na? Eh, bakit ngayon ka lang? Naglaro ka pa siguro, ano?"

"Hindi po," tanggi ni Natasha. Ang totoo niyan ay tinapos niya muna ang school project niya.

"Hindi po? Eh, ginabi ka na," sarkastikong ani Anna.

Pinatay muna ni Natasha ang apoy at nilagay pinritong isda sa plato at padabog na nilagay sa mesa.

"Pinagdadabugan mo ako, ha?" nakataas kilay na tanong ni Anna.

Agad na umiling si Natasha.

"Natasha, pagod ako, ah. Wag mo akong ginaganyan, baka samain ka. At saka, wala tayong katulong ah," mataray na ani Anna.

Agad na tumalikod at naglakad pabalik sa lababo si Natasha, at bumulong, "Kaya pala ako ang katulong."

Mahina man, ay naging sapat iyon sa pandinig ni Anna, "Anong sinabi mo ha?"

Lumapit ito sa kapatid, "Parang may sinasabi ka ah. Ano yun, ha? Hindi ka ba pinakakain dito ng tatlong beses sa isang araw? Hindi ka ba pinaaaral? Ito na lang ang gagawin mo para makabawi ka naman, pero masama pa ang loob mo? Ha? Ayusin mo lang, Natasha Yue."

Nakaramdam naman ng awa si Angel at konsensya kaya, lumapit ito sa ina, "Ma, wag niyo na pong pagalitan si Tita Natasha."

"Matigas ang ulo ng batang yan, eh," sagot naman ni Anna at naupo sa dinning table.

"Ako nang magsasandok ng kanin, Tita," prisinta ni Angel.

"Oh, kita mo na, Natasha? Pamangkin mo lang yan, pero may kusa. Try mo kayang tularan," mainit pa rin ang ulo ni Anna.

Habang nagsasandok, nagkatinginan ang mag-tiyahin. Kita sa mga mata ni Natasha ang sama ng loob at masama ang tingin sa pamangkin sa hindi nito pagtulong kanina. At masama ang loob sa kanyang ate dahil sa uri ng pag-trato nito.

Matapos kumain ang mag-anak ay natulog na sila sa kanilang mga silid. Sa kwarto ni Angel, patulog na ang mag-tiyahin. Si Angel ay hindi makatulog habang nasa kama dahil alam niyang masama ang loob ng tiyahin niya.

"Gising ka pa, Tita?" tanong ni Angel kay Natasha na nakahiga sa folding bed na binili ng kanyang ate at kuya.

"Tita, gising ka pa? Sorry na, magbati na tayo please?" pakiusap ni Angel sa tiyahin niyang nagtutulog-tulugan.

"Matulog ka na, Gel," sagot ni Natasha.

"Pahihiramin kita ng bago kong dress, basta bati na tayo, Tita," ani Angel.

Humarap naman si Natasha, "Ang dami mo nang dress, Angel. Sakin nga, aanim lang, yung dalawa nga eh pinaglumaan mo pa," naiiritang aniya.

"Kasalanan ko ba?" tanong ni Angel.

"Hindi nga, pero— ah, basta, matulog ka na," aniya bago tumalikod.

Pero nagpumilit si Angel na makipag-bati kahit naiinis na ang tita niya at sinasabihan siyang matulog na.

Hanggang sa napilit nga ni Angel ang tita nyang makipag-bati, "Bati na tayo, Tita. Ipapahiram ko sayo ang bago kong dress, ano?"

"Okay, sige."

"Bati na tayo ah,"

"Oo. Tulog ka na,"

"Goodnight, Tita."

altxxxyeahyuh

Illicit Affair (SPG story)Where stories live. Discover now