Magkakilala na sina Carlo at Jelaine magmula pa nang sila ay nasa Elementarya dahil sa pagkakaibigan ng kanilang mga pamilya.
Si Jelaine ay anak ng isang drayber na namamasukan sa isang General Manager ng isang Bangko. Ang General Manager ay ang lola ni Carlo. Naging malapit si Carlo sa tatay ni Jelaine dahil ay noon, parating sumasama si Carlo sa mga biyahe ng kanyang lola. Nang mga grade 3 si Carlo, nagbiyahe ang kaniyang pamilya papuntang Maynila. Siyempre, kasama ang tatay ni Jelaine. Inantok ang tatay ni Lai (Jelaine) at nabangga niya ang isang barrier sa NLEX. Alam naming lahat na hindi nito sinasadya na maibangga ang sasakyan. Ang akala ni Carlo noon ay okay lang iyon, ngunit nabigla ito nang biglang tinanggal ng pamilya si Tito Rohel. Nagkikita parin naman sina Carlo at Lai sa school (elementary).
Dumating ang NAT (National Achievement Test).
Ang school nila non, may review sessions. Ang arrangement ng students, by surname. Parehong nasa second column sina Carlo at Lai, 2nd row nga lang si Carlo, 4th row si Jelaine. Tuso pa sila non. Lipatan ng upuan. Magpapaharap sina Lai at ang kanyang kaibigan para makipag-daldalan kina Carlo. Naging magkaibigan sila.
Isang araw, nang ma-bore na yung teacher nila na mag-turo, nagpa-volunteer si Sir Jezreel. Dapat daw may mag-perform sa harap. Tumayo si Lai. Kumanta. Ang lamig ng boses niya! Nang matapos kumanta ni Lai, Hiyawan ang buong klase sabay kantyaw kay Raymod-ang boyfriend ni Lai. mag-2 months palang sila non. Naging magkakaibigan sila hanggang sa matapos ang review classes.
Natapos na ang NAT.
Graduation na ang kasunod.
Tapos summer.
Tapos Enrollment.
High School na! :D
BINABASA MO ANG
LAST DANCE
RomanceAng kwento pong LAST DANCE ay isang istoryang hango po sa isang 'love story' na hindi matuloy-tuloy ang HAPPY ENDING :) Ang mga pangalan pong gagamitin para sa mga karakter ay hindi ang tunay na pangalan ng mga tao sa totoong buhay. Ito po ang una k...