Freshman. Bata-bata. Di inakala ni Lai na papasok si Carlo sa paaralang iyon.
"Akala ko ba sa Manila ka na?"nasambit ni Lai kay Carlo
"Eee. Wala ee. Ayoko dun. Wala akong mga friends,"sabay smile.
Hinanap nilang dalawa ang section nila. Nagulat sila:
ST. FRANCIS
---
---
Martija, Carlo A.
---
---
---
Malabis, Jelaine S.
---
---
"Lai! Classmate uli tayo! Lahat tayo nung NAT sa CCS(pangalan ng elementary school)!
"Oo nga! Nadagdagan nga lang tayo. Pero okay na yan!"
Pumasok sila sa classroom. Nakita ang mga dating schoolmate. Nakita ang mga bagong schoolmate. Masaya sila non. 3 weeks siguro yun. Sa tatlong linggong magkasama (di kasali yung sa elem), may naramdaman si Carlo na iba.
Ibang pagtingin kay Lai.
Nag-iba ang pakiramdam ni Carlo sa mga pagtingin ni Lai sa kanya.
Sa mga akbay.
Sa mga tawa.
Lahat, nagbago. Paminsan minsan nga, napapatitig nalang si Carlo kay Lai ng walang dahilan.
Sinabi ni Carlo sa sarili (habang nakatitig kay Lai),
"Ganito pala yun. Haha. Ambilis naman. Ganito pala ang LOVE."
Narinig ito ng seatmate ni Carlo, si Nida.
"Huli ka! Korny mo seatmate! Kaya pala tanong ka ng tanong kung ano ang salitang 'LOVE'. Ni metlang gayam Je---"(si Je--- lang naman pala, in Iloco), ang sabi ni Nida kay Carlo.
"Han ka man agtagtagari!(wag ka ngang ma-ingay jan!)Baka marinig ka ng iba!"(Nahihiya si Carlo dahil pag may makaalam nito, kantyaw ang mararating nito)
"Di mo ba alam na sila pa ni Raymond?"sabi ni Nida.
"Alam ko! Schoolmate ko nga siya diba?"sagot ni Carlo.
"Uyyy! Crush mo na si Lai nun no? haha!"kantyaw ni Nida.
"Di yan. Ngayon lang. haha"
Narinig ng mga groupmates nina Carlo nun. Sabay kalat.
Narating na nga ng 'balita' si Lai.
Uwian na.
Gumabi.
Nagtext si Carlo kay Lai. Mga 7 na nun.
"Narinig mo mga pinagsasabi nila?"
"Oo. Haha. OA ka Carlo haa. Wag ka nga!"ang sabot ni Lai.
"Wag ka rin! Crush PALANG kita :P Baka mamaya manligaw ako, kung ano pa masabi mo :)"
"Ay."
Natakot si Carlo.
"Wag ka nga ganyan! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA :D"
"Hindi. Okay lang. Haha."
Napahaba ang pagte-text nina Carlo at Jelaine. Late na. Matutulog na sila. Text ni Lai:
"Ansaya mo pala no? :) Sana araw-araw ganyan ka:P"
"Ayaw kong mang-badtrip ha :D Pero, pwedeng manligaw? :)"
"Pag-iisipan ko pa yan. Gatot(excited)ka! :D goodnight :)"
"Goodnight rin. Tulog ng mahiming. :D"
Ganyan ang nangyari halos araw-araw. Usap sila ng usap pag nasa school, text ng text pag nasa bahay. Nagka-lapit ang kanilang mga loob. Mas lumalim ang pagkakaibigan. Nalaman nila ang mga 'favorites' ng isa't-isa. Ginamit ang facebook para maipakilala sa iba-ibang family members.
Pero. . .
they stayed that way. Close Friends.
Dumating yung time na mas may time si Lai kay Carlo kesa kay Raymond. Biglang nagalit si Raymond kay Lai na naging sanhi ng kanilang break-up. Mas naging malapit si Lai kay Carlo sa mga panahong iyon.
Akala ni Carlo, isang malaking chance na to. Baka dahil dito, libreng-libre na siya kay Lai. Naging masaya si Carlo nun, kaya lang di-maitapat-tapat ni Carlo at di-masabi-sabi kay Lai ang nasa isip at puso niya. Di man lang niya masabi ang
'I Love You Lai!'
Torpe nga raw ee sabi ng mga kaklase.
September 18. Gabi. Nag-isip-isip si Carlo ng gabing iyon. Inisip niya lahat ng nangyari. Nag-ipon ng lakas ng loob. Bago matulog, nagtext si Carlo kay Lai.
"Nag-isip-isip ako kanina. Maybe it's time. Sa tingin ko kaya ko nang sabihin ang tatlong salitang ito. Good Night Lai! haha. mali. :P matutulog na ako. pero bago ako humiga, I LOVE YOU! :)"
Di na inaasahan ni Carlo ang sagot ni Lai. Humiga na. Pinikit ang mata. Nang biglang,
TWEET TWEET! TWEET TWEET!
Tumunog ang cellphone ni Carlo. Laking gulat nalang niya na sa pag-aakala niyang tulog na, ay nag-reply si Lai. Ang laman ng text:
" :) "
Di maipaliwanag ang mukha ni Carlo. Naiiyak na may malaking ngiti na hindi alam. Parang ewan ba.
Di-nakatulog si Carlo nun.
Kinaumagahan, nang nasa paaralan na si Carlo, tahimik.
Nilapitan ni Nida, sabay sabe,
"Anyan?(ano na? excited)Kumusta kayon seatmate?(kamusta na kayo?)"
"Wala. Nag 143 na ako sakanya." sabay ngiti
"Wee? haha. Uyyyy! Anyat inreply na?(Anong reply nya?)"
"Smiley."sabay drawing sa papel ng :)
Nagpatuloy ang kanilang pag-uusap. Time na pala! Recess na! Nagulat nalang sina Nida at ang kanilang grupo nang di magkasama sina Carlo at Lai. Sambit nina Nida,
"Torpe detoy. Haha.(torpe to)"
Sama-sama na ulit ang mga magkakabarkada. Tawanan ang lahat, maliban kay Carlo. Nakapagtataka nga at di sila nagpapansinan ni Lai. Alam ng grupo na nagtapat na si Carlo kay Lai. Alam din ng grupo kung bakit. . .
BINABASA MO ANG
LAST DANCE
RomanceAng kwento pong LAST DANCE ay isang istoryang hango po sa isang 'love story' na hindi matuloy-tuloy ang HAPPY ENDING :) Ang mga pangalan pong gagamitin para sa mga karakter ay hindi ang tunay na pangalan ng mga tao sa totoong buhay. Ito po ang una k...