Si Kuya Ranny ay isang sophomore student. Kilala sa campus dahil sa grupo nila. Isang Mathematician.
----
Halos isang linggong di nag-iimikan sina Carlo at Lai. Napansin ito ng mga magkakaibigan. Napag-pasyahan ng grupo na ipagtapat na kay Carlo ang mga nangyayari. Walang may gustong magsabi ng totoo.
Tinawag ng grupo si Carlo. SI Annie ang naglakas-loob.
"Carlo. Alam mo ba kung bakit di ka pinapansin ni Lai?"
"Di ee. Bakit nga ba?"
"Mmmm."
"Baka naman daihil dun sa text."
"Yung 143? hindi yun."
"Eeee ano?"
"Kilala mo naman si Kuya Ranny diba?"
"Oo. Anong meron kay Kuya Ranny?"
"Uhhh."
Nagkaroon ng katahimikan. Sinira ito ni Anton nang sinabing
"Dalawa sila. Si Lai at Kuya Ranny. Dalawang buwan na siguro. Di mo alam?"
Hindi naka-imik si Carlo. Nag-isip siya. Dalawang buwan. Wala siyang alam. Ang nasabi lang niya,
"Ano ngayon? Di pa naman sila kasal aa." sabay ngiti.
Masakit iyon para kay Carlo. Ang naisip lang niya, 'Di pa naman sila kasal aa!' Text lang siya ng text., pero walang nagrereply. Hindi parang noong malapit sila, reply agad.
Nagbago ang lahat. Wala nang imikan. Awkward na.
Minsan, maririnig nalang ni Carlo pag nag-uusap sina Kuya Ranny at Lai,
"Pahiram ng notebook mo Boo Ko :)" sabi ni Kuya Ranny.
"Oo. Meron pala kayong subjects dito Coconut? :)"
Ganun sila. Sweet nga ee. Todo selos naman si Carlo nun. Masakit. Sinusubukang makahanap ng iba, pero hindi niya kaya.
October 6. Birthday ni Lai.
Eksaktong alas dose, nagising si Carlo para batiin si Lai. Effort to kahit alam ni Carlo na meron nang Kuya Ranny si Lai. Sabi sa text,
"Happy birthday! :) Mahal parin kita:)"
Di nag-reply si Lai. Binati uli ni Carlo si Lai sa school. Ang tanging sagot ni Lai ay ang kanyang ngiti.
Okay na kay Carlo yun.
Matagal ulit na panahon na hindi sila nag-uusap.
Dumating ang Christmas program ng school.
Kilala si Carlo na magaling mag-bake. Inaasahan ng lahat na cake ang ireregalo niya. Ngunit hindi. Panyo lang.
Napansin nila, merong isang natirang box sa kanyang bag.
Sabi ni Nida,
"Hoy seatmate? ano 'tong box na 'to?"
"Wala yan. Akin yan:P" sagot ni Carlo.
Nagtinginan ang mga kabarkada nina Carlo at Lai. Sari-sarili silang opinyon.
"Baka naman pagpapalitan niya yun!"
"Baka naman naglagyan ng share niya yun!"
"Maybe, regalo niya sa ibang rooms."
Si Annie naman, tahimik lang. Makiki-kausap kay Lai at palihim na titignan ang lalagyan ng mga regalo nito.
"Sabi na nga ba!" sabay malaking ngiti.
Natapos ang party.
Pauwi na ang buong klase. Natira ang barkada dahil nag-magandang loob sila na mag-linis ng room. Nagbasura ang iba, Naglinis sa labas ang iba. Ang natira, sina Annie, Carlo, at Lai. Lumabas si Annie. Awkward ulit. Walang nag-imikan. Walis at lampaso lang ang maririnig mo.
"Uyyy!" sigaw nilang lahat. Dumating na sila.
Umuwi na ang barkada. Malinis na ang silid-aralan. Nagpahuli si Lai dahil may pupuntahan daw sila ng kanyang barkada si higher years. Si Carlo naman, pinatawag ng adviser at may ipapadala raw.
Umuwi na si Carlo. Nagulat na lang siya nang makasalubong niya si Lai. Mag-isa. Sabi ni Carlo,
"Bat ka mag-isa? Si Kuya Ranny?"
"Wala. Umuwi na. sinundo ng papa niya. May pupuntahan raw sila."
Naalala ni Carlo na di pa niya naibigay ang regalo niya kay Lai. Inilabas ang kahong natira sa bag. Binigay kay Lai. Sabi,
"Sa bahay niyo mo na yan buksan. Umuwi ka na." sabay ngiti.
Naghiwalay na sila. Di na naihatid ni Carlo si Lai dahil hinahabol ni Carlo ang biyahe nila patungong Maynila.
Nasa NLEX na sina Carlo nun. Naalala niya yung nangyari sakanila nung bata pa siya. Tumunog uli phone niya. Si Lai.
"Salamat. Salamat sa lahat Carlo. Salamat sa ear rings:) Di ko ta makakalimutan. Ang sarap pa nung binigay mo. Ngayon, ikaw na ang cupcake ko! :) ingat ka sa biyahe."
Nagulat si Carlo sa kanyang nabasa. Di na siya nag-reply at baka ma-iba ang mood ni Lai. Alam na kasi nito ang style ni Lai. Kung ibabaling mo yung lovelife sa usapan, wag ka nang mag-antay ng reply.
Masaya na si Carlo dito.
Natapos ang Christmas Break. Nagbalik sila sa school. Ganun parin. Walang pansinan. Pero Casual.
Natapos ang events ng school. Programs. Maging ang Foundation Day.
Recognition na. Top 10 si Carlo.
Natapos ang program. Uwian na. Wala nang papasok ng school. Tapos na ang school year.
Wala paring conversation na nagaganap kina Carlo at Lai.
May 5. Birthday ni Carlo.
Maraming nag-text kay Carlo. Isa na rito si Lai. Isang madamdaming message ang sinabi ni Lai.
"Happy Kaarawan Carlo! Salamat sa pag-iintindi sakin. Salamat at alam kong ajan ka lang sa tabi ko. Salamat sa Lahat. Mahal Kita:)"
Nagulat si Carlo dahil ito ang unang beses na nakita ni Carlo ang ganitong mensahe mula kay Lai. Nag-over-react si Carlo.
Nagtext naman si Annie,
"Alam ko na-recieve mo na yung text ni Lai. Wag ka masyado. Lahat ng may birthday, ganyan ang greetings ni Lai. Haha"
Okay lang kay Carlo yun. Basta raw ba nag-text si Lai. Nagpatuloy ang pagiging malamig ng magkabilang panig. Walang text. Kahit man lang mga Group Messages (GM's).
Natapos na ang Summer Break.
BINABASA MO ANG
LAST DANCE
RomanceAng kwento pong LAST DANCE ay isang istoryang hango po sa isang 'love story' na hindi matuloy-tuloy ang HAPPY ENDING :) Ang mga pangalan pong gagamitin para sa mga karakter ay hindi ang tunay na pangalan ng mga tao sa totoong buhay. Ito po ang una k...