Gavin's world was turned upside down the moment he stepped into nursing school. The rigorous training, demanding professors, and high stakes would be daunting enough, but it was the new faces that would truly test his limits. As he navigated this un...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Gavin
Ang lamig ng panahon lalo na't ramdam na ramdam ko rin ang lamig ng hangin na nagmumula sa aircon. Pakiramdam ko tuloy ay natatae ako ngayon. Inaantok pa nga ako dahil sa kakapractice ng retdem namin na magaganap sa isang araw.
Muntikan pa nga akong malate kanina at buti nalang ay sinaniban ako ni The Flash kaya mabilis akong nakatakbo papunta sa room.
"Ano kaya pa ba today beh?" Tanong sa'kin ni Rob habang pabalik siya sa upuan niya.
Napansin kong hindi niya inaalis ang tingin niya sa gilid ko kaya tinaasan ko siya ng kilay. Anong problema niya? May dumi ba?
"Nasaan nameplate mo?" Tanong niya na ikinataranta ko.
Fuck! Nawawala ang nameplate ko!
Agad akong naghanap sa bulsa ng uniform at pants ko, maging sa bag ko, at sa upuan ko kung naandoon lang ang nameplate ko pero wala.
Tumingin ako sa kanya at agad naman siyang nagsalita. "Hala ka bakla, walang nagtatago ng nameplate mo. Baka nahulog mo sa daan. Parang sira 'to!"
Naiiyak ako huhu. Ang mahal-mahal no'n eh!
Bigla akong napaisip, baka nga nahulog ko sa daan. Agad-agad akong tumakbo papalabas ng classroom at agad kong pinuntahan ang mga lugar na dinaanan ko kanina. Sana lang ay dito sa school nahulog yung nameplate ko kasi kung sa labas 'yun, 'matic bibili na talaga ako ng bagong nameplate dahil napaka-imposible nang maibalik 'yun.
Pumunta muna ako sa guard station para itanong kung may nakita ba silang nameplate pero wala raw. Tinanong ko naman sa mga naglilinis dito sa school kung may nakita rin silang nameplate pero wala raw. Sasabihin agad daw nila sa'kin if ever na mahanap nila ang nameplate ko.
Nilibot ko ang buong school pero wala talaga, kahit sa mga halamanan pati na rin sa building ng grade school, wala talaga ang nameplate ko. Kahit sa basurahan ay hinanap ko ang nameplate ko. Baka sakali lang naman 'di ba?
"Naghahanap ng pera sa basura?" Tanong ng taong nasa likuran ko.
Bigla akong natigilan dahil kilala ko kung kaninong boses 'yun, kay kupal na Javi. Badtrip na nga ako tapos may kupal pang dadating. Sira talaga ang araw ko.
"Wala kang pake!" Sigaw ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa basurahan.
Alam ko mukha akong tanga sa ginagawa ko pero ayoko siyang makita. Baka mas lalo lang masira ang araw ko sa kupal na 'yan.
"Ito ba hinahanap mo?" Tanong niya sa'kin dahilan para mapalingon ako sa kanya.
Wala naman akong choice 'no?!
Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang nameplate ko sa palad niya. Bakit nasa kanya 'yun?
Kukunin ko na sana sa palad niya pero bigla niyang sinarado ang kamao niya at itinaas ito.