Note

14 7 3
                                    



~*~

Sorry for the long update. We've been suffering from Typhoon Kristine. Muntik pa kaming mamatay. And I am saving my battery, kaya wala akong time magsulat ng draft.

~*~

Tuesday Night — Wednesday Morning:

—(7:00pm)
Nasa loob kami ng boarding house, yung tubig hindi pa umaangat. Patuloy pa rin sa pag-ulan. Akala namin wala lang, kasi nung bagyong Enteng, hindi naman bumaha. Nag-dinner na kami kasi walang kuryente simula 12:00.

—(8:00pm)
Nag-start ng umangat ang tubig, pero hindi pa naman ganoon kalalim. Yung tipong mababasa lang tsinelas mo.

—(9:00pm)
Eto na yung time na nag-panic na kami kasi mas lalong tumataas ang tubig. Pumapasok na sa loob ng kwarto namin. Sinimulan na naming ilagay sa taas ng double deck ang mga gamit namin. Kasi baka abutin.

—(9:30pm)
Nasa hagdan na kaming lahat na mga boarders, kasi hanggang tuhod na yung baha.

—(9:45pm)
Ilang hotline numbers na ang tinawagan namin. Pero busy lahat, kung tutuusin pwede kaming mag-stay sa second floor ng boarding house. Bale dalawang kwarto lang sa itaas, pero parehos lock. Kaso ang iniisip namin, baka mas tumaas pa at abutin kami kaya inalis na namin iyong plano na yun

—(10:00pm)
Nung time na'to, hanggang bewang na yung baha. Nag-plano kaming lahat na umalis na ng boarding house. Tapos yung mga kapitbahay naming lalaki nasa labas na pala ng gate. Kasi nga ilalabas na nila kami, wala mang rescuers atleast may kapitbahay kaming ready tumulong sa amin.

—(10:30pm)
Hindi pa rin kami nakalabas kasi yung agos ng tubig malakas. Pinilit nilang buksan yung screen door pero ayaw mabukas. Kaya naisip nilang sirain na lang, nagsi-iyakan na rin yung iba naming mga kasama kasi takot na takot na baka ma-stuck kami sa loob. Naging successful yung pagsira sa door. Akala namin hanggan bewang lang pati sa labas, pero paglabas namin ng gate. Hanggang leeg na pala, sobrang takot ang naramdaman namin that time. Buti na lang naka-alalay samin yung mga kapitbahay namin na mga lalaki.

—(11:00pm)
Finally, lahat kami nakalabas na. Pinaakyat kami sa rooftop ng bahay ng kapitbahay namin. We are so wet, tapos nilalamig na. Akala namin ay bibigyan kami ng kahit kape lang. Pero ang binigay sa amin ay isang basong mainit na tubig lamang. Then nalaman namin na lagpas tao na pala ang baha. Its so dangerous na.

—(12:30am)
Nilalamig na kaming lahat, gising na gising pa rin. Kasi nga rooftop. Walang dingding, tanging bubong lang ang meron. Binigyan lang kami ng iilang upuan.

—(4:00am)
Gising pa rin kaming lahat, giniginaw na. Basa pa rin dahil di man lang nabigyan ng chance na magpalit ng damit.

—(6:30am)
Akala namin bibigyan ulit kami ng maiinom na kape o kahit tubig lang. Pero wala pa rin, kaya kahit hanggang bewang pa rin ang baha ay pinilit naming makabalik ng boarding house para lang makakain. Kasi that time, gutom na gutom na kami. Pagpasok namin sa boarding house, hanggang bewang pa rin yung tubig. Pero pinilit namin kasi nasa loob yung mga pagkain namin.

—(11:00am)
Saka pa lang kami nakakain kasi naubusan na pala ng ulam. Tatlo sa kasama namin ang lumabas at naglakas-loob humanap ng makakain. After an hour, nakabalik din sila kaagad.

We stayed there for a day, at ngayong October 24, 2024, nakaalis na kami ng boarding house kasi wala na kaming foods at lowbat na talaga mga cellphone namin.

Sa mga taong ginagawang joke yung bagyo, especially this typhoon. Please be sensitive enough, hindi po biro ang napagdaanan namin. Lalo na sa amin na mga first time naka-experience ng baha. Please don't be insensitive sa mga post niyo.

Thank you!

Thank you!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Art of Arts (On-hold)Where stories live. Discover now