~*~No matter how you pray to God, no matter how you ask him to save someone you love. But when its already your time, there's nothing you can do. Everyone around you can't do anything to save you.
"But she's gone."
We're here sa morgue. Natatakpan ng malaking puting tela si mama. I am crying silently, the pain is killing me. Parang sinasaksak ng ilang kutsilyo ang puso ko.
Hindi ko matanggap. We already lost dada, and now. Pati si mama ay wala na sa amin ni kuya.
"Iha, kumalma ka na." Pag-alo sa akin ni mama Nena. Kanina niya pa ako pilit na pinapakalma. Pero mas lalo lang nadadagdagan ang sakit na nararamdaman ko. Bakit ganun? Kung sino pa ang mabait, siya pang unang kinukuha. Lumaki kami na dala ang pagmamahal ni mama at dada, kaya masakit para sa amin ang kanilang pagkawala.
"M-mama," I whispered while crying.
When the doctor said that mama is already gone. Hinimatay ako, and that's not normal. I've noticed na parati na lang akong hinihimatay.
Wala rito si kuya. He can't afford seeing mama lifeless. Nasa labas lamang siya, umiiyak.
"Iha, walang magagawa ang pag-iyak mo. Ang pag-iyak niyo ng kuya mo. Kahit anong iyak niyo, hindi na maibabalik ang buhay ng mama niyo. Kaya ang mas mabuti niyo pang gawin ay mag-move on."
Napalingon ako kay mama Nena.
"Sabi niyo gagaling siya. Sabi niyo manalig kami sa Kaniya. Pero ano? Anong ginawa Niya?! Akala ko ba totoo Siya? Pero bakit Niya hinayaan na mawala sa amin si mama? Si mama na lang ang natitira sa amin ni kuya! Pero kinuha Niya pa! Anong klaseng Diyos Siya kung hahayaan Niya lang na mawala ang mga mabubuting tao ay pinapatay Niya? Anong klaseng Diyos siya kung hahayaan Niya rin naman ang mga anak Niyang mag-suffer?!"
Hingal na hingal ako matapos kong sabihin ang lahat ng iyon. And I was crying hard, parang nailabas ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Jusko iha, wag mong sabihin iyan! Masama iyan,"
Napayuko ako at napahagulgol. "Kung mahal Niya ang mga anak Niya mama Nena, hindi Niya dapat ito ginagawa. Hindi Niya dapat kami sinasaktan ng ganito."
"Anak, may rason ang Diyos kung bakit ito nangyayari. May mas maganda Siyang plano para sa inyong dalawa ng kuya mo. Huwag mo naman sanang pangunahan ang plano Niya sa'yo. Anak naman, huwag mong pagsasalitaan ng ganiyan ang Diyos."
I am scared.
Ayokong dumating ang panahon na isa sa amin ni kuya ang mawawala. Dalawa na silang nawala sa buhay namin, isn't that enough? It should be enough.
"Kumalma ka na ha, hindi iyan mabuti para sa'yo." Kumuha ng tubig si mama Nena at binigay sa akin.
Its a bottled water.
"Ma, gusto ko lang namang maging kompleto kami. Pero kinuha niya sa amin si dada, akala ko, magiging maayos kami after ilang months. Pero naging tulala naman si mama. At ngayon, wala na siya. Wala ng natira sa amin ma. Wala na, wala na sila." Pag-iyak ko. Ilang oras na akong umiiyak, pero parang walang balak tumigil sa pagtulo ang mga luha ko.
Niyakap ako ni mama Nena. "Sh, ayos lang yan anak. Makakabangon rin kayo, tiwala lang." Ilang minuto lang ay nakaramdaman ako ng pagbigat ng talukap ng aking mga mata.
YOU ARE READING
The Art of Arts (On-hold)
RomanceWe write because that's what we want, but sometimes we write to express our feelings through words. And as for me, I paint because that's not only what I want, I paint because its my way to express my feelings. The feelings that I kept to myself for...