Pagtalikod

30 1 0
                                    

Minsan naisip mo 'ba na umiwas at sumuko nalang?

Dahil sa mga maling taong nabibigyan mo ng atensyon at pagmamahal?

Hindi ka ba napapagod?

*kring *kring

Umaga nanaman..

Walang kasawaang araw na bibigyan ko nanaman ng kulay dahil sa walang kagana-ganang pagpasok ko sa skwelahang punong puno ng memories namin ng ex girl friend ko. Makikita ko nanaman sya mamayang tumatalikod sakin na tila ba iniiwasan na talaga ako.

Ano bang iba sa ganong senrayo?

Halos lahat naman ng minahal ko iniiwan din ako.

Ako nga pala si Charlie. Magaling mag-sayaw at isang cartoonist sa aming school publications. Sabi daw nila marami akong talent pero para sa 'kin isa lang akong normal na estudyante. Pero sa 'di alam ng nakararami pagdating sa pag-ibig lubhang di ako magaling. Tingin ko napaka weak ko sa pakikipag relasyon. Lahat ginagawa ko. Pero 'dun yata ako may mali. Hindi ko maiwasan na umibig na hindi nasasaktan o mas magandang sabihing sasaktan.. Lagi nalang ganon. Palagi nalang. Hindi ko alam kung sadyang malas lang talaga ako sa pag-ibig, napatunayan ko lahat ng 'yan dahil sa ex girl friend ko.. Si Kris. Isa syang english major education student. Simple, maputi, medyo katangkaran, singkit at boyish. Magaling sya pagdating sa pakikipag talastasan sa mga tao dahil nadin yata sa kurso nya.

Taon? Buwan? Hindi ko alam kung gano kahaba ko siyang niligawan basta ang alam ko kapag kasama ko sya para kaming nasa isang movie na kaming dalawa lang ang gagawa ng istorya, kami ang tauhan at wala ng iba pa.

"Sige bilangin natin lahat ng bituing dadaan."

Isa.. Dalawa.. Tatlo..

"Uuwi na ko at marami pa akong gagawin para bukas masyado na akong nagpapagabi."

"Sige. Pasensya na. Ginabi nanaman tayo. Hahatid na kita."

Hindi ako nawalan ng oras sa kanya. Lahat siguro ginawa ko. Tingin ko full time na ko sa pangliligaw sa kanya.

Hanggang sa dumating ang araw na pinakahihintay ko dahil alam kong pupunta sya don at baka makasayaw ko pa sya kung papalarin. Hindi sya masyadong pumupunta sa mga ganitong okasyon ngunit, bukod sa isa sya sa mga inatasan sa pagmamanipula ng event ay napilitan syang pumunta.

Kinagabihan ng araw na 'yon. Eto at nakaabang nanaman ako sa tapat ng bahay nila. Nasa isip ko na lahat ng plano ko. Gagawin ko talagang masaya ang gabing 'yon para samin. Wala na kong sasayanging oras. Kaya sa sobrang kaba ko ay naisip ko nalang na magpatugtog habang hinihintay kong magbukas ang pintuan nila't makita ko sya pero sa totoo lang iniimagine ko na kung anong itsura nya. Hanggang sa eto na't binuksan nya na ang pintuan..

Hindi ko akalaing mas lalo syang gumanda sa suot nyang pulang dress. Lalo tuloy akong ginanahan ng gabing 'yon.

Nakahanap talaga ako ng tyempo sa mga oras na kasama ko sya sa event. Maaga syang natapos sa lahat ng gagawin nya at iuutos sa kanya. Kalagitnaan ng kasiyahan ay sayawan na. Niyaya ko sya at ng biglang hinawakan nya yung kamay ko ay 'tila bang may koneksyon na di ko malaman. Sobrang saya lang nung feeling. Nakatitig lang ako sa kanya lalo na sa mata nya. Aaminin ko para akong natutunaw ng mga oras na 'yon na gusto ko ng itigil yung oras. Pero hindi. Kaya naisip ko nalang na gumawa pa ulit ng isang pagkakataon. Di na ko umalis sa tabi nya kahit saan sya pumunta hanggang sa ihatid ko sya sa kanila.

"Ang saya kanina. Nag enjoy ka ba?"

"Oo. Enjoy naman. Sa uulitin."

"Sige uwi na ko."

"Ingat ka. Ayy teka may gusto nga pala akong sabihin sayo."

"Ano yon?"

"Sinasagot na kita."

"Ha?"

"Oo. Sige na umuwi ka na at hating gabi nadin baka kung mapano ka pa."

Sinagot nya na ako! Hindi ko maipinta ang mga ngiti sa labi ko. Para akong nakalutang habang papauwi. Medyo matagal nadin naman siguro ang hinintay ko para marinig ko sa kanya yung sagot sa mga katanungan ko simula ng payagan nya kong manligaw sa kanya. Tingin ko napaka swerte ko ng malaman na mahal nya nadin ako. Na nabigyang silbi lahat ng efforts ko sa kanya. Gawa ng project nya, assignments tulong sa reports. Pero hindi ako nagbibilang ng efforts. Lahat gagawin ko para sa kanya. Liligawan ko sya araw araw.

Ang sarap balikan ng nakaraan.

Masarap lang isipin at ibalik pero wala na talaga.

Minsan sasampalin ka nalang talaga ng realidad na hindi talaga kayo ang nakatadhana. Wala ka ng magagawa kundi magmukmok at umisip nalang ng paraan para ibaon nalang 'yon lahat sa limot.

Ilang linggo din ang lumipas halos nawalan na ng tamis ang relasyon namin. Ngunit hinihintay ko padin sya na baka sakaling may pag-asa pang ibalik yung dati. Wala naman akong naging pagkukulang. Gabi gabi naghihintay ako sa mga text or chat nya. Inaabangan ko post nya umaasa padin na baka sakaling mapunan tong nararamdaman ko at baka may mabigat lang na rason kaya nawawalan na sya ng oras sakin, pero wala. Hanggang sa isang araw nagtext sya.

"Sorry pero hindi ko na kaya pang patagalin pa 'tong relasyon natin. Ayoko ng father-liked na katulad mo. Babantayan ako palagi sa kung anong gagawin ko. Mas mabuti pang itigil na natin 'to at baka lalo pang humaba."

Sinong nagsabing may forever?

Oo. Sobrang sakit. Tinanggap ko nalang lahat ng sinabi nya. Umiiyak ako lagi pero patago. Tingin ko napaka wasted ko. Gusto ko pumunta kung saan saan baka sakaling makalimot. Madaling araw na minsan ako nakakauwi dahil sa nililibang ko nalang ang sarili ko sa pagsasayaw.

Parang gusto ko na munang mapag-isa.

Ayoko na munang may kausap.

Yung dating hawak hawak mo na. Ngayon, tinititigan mo nalang sa malayo.

Yung dating nakakasama mo kahit saan at hatid sundo mo minsan. Iniiwasan ka na at tinatalikuran.

Yung cellphone mong halos araw araw segu-segundong may message. Wala na ngayon.

Nagkamali ako. Palagay ko sumobra na ko sa pagbibigay ng pagmamahal sa ibang tao. Nakakalimutan ko ng pahalagahan at bigyang pagmamahal ang sarili ko. Wala na kong magagawa kundi umiwas na lang. Magpapakatatag na lang ako. Yun lang yung way para maka usad sa araw araw na bibigyan ko nanaman ng kulay kahit ako'y pagod na pagod na.

Siguro iiwas na lang ako. Tatalikod nalang ako sa mundong unang ginalawan ko at ginalawan naming dalawa..

Tadhana na ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon