#Unburden

19 1 0
                                    

Marah's POV:

Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako ngayon. Tama na ngang sinabi ko yun sa kanya. Nakita ko lang naman silang magkasama kanina, halatang masaya bestfriend ko ngayon. 'Di na nya ko kailangan.

Ilang oras din ang nakakalipas hanggang sa magkita kami nitong uwian sa labas ng university. Naging magkasama na sila ng crush nyang si Mae. Pinapakiramdaman ko lang sila habang bumibili sila sa tindahan at nakatayo ako sa waiting shed namin. Hawak pa ni Charlie yung bag nya. Ganon talaga yung bestfriend ko may pag ka gentleman. Hanggang sa napansin nila ako..

"Hello Marah!" sabi ni Mae.

"Oyy bes! Uuwi ka na? Hintayin mo nalang kaya kami para may kasabay ka? Uuwi nadin kami."

*ngiting ngiti pa sya sakin na nginunguso pang kasama nya yung crush nya.

"Uuwi na ko. Mauuna na ko sa inyo. May kasabay ka na naman."

Buti nalang may nakita akong bus na ruta papunta samin at umalis na ko sa kinatatayuan ko.

"Oyy bes ingat!"

Umalis na kong di ko nalang sya pinansin. Nakakainis lang kasi. Sabi ko na nga ba, malilimutan nya nadin ako, makakalimutan nya nading may bestfriend sya. Puro nalang Mae! Lagi nalang sya.

Ng nakauwi na ko sa bahay diretso na agad ako sa kwarto para gumawa ng documentation ng tinawagan ako ni Charlie..

"Ohh? Bakit ka napatawag?"

"Ang saya ko bes! Nakakausap ko na ulit sya. Ako pa nagdadala ng bag nya. Nililigpit ko yung mga gamit nya. Lagi din siyang tumatambay sa publications office kaya may nakakausap na ko lagi. Kasabay ko sya lagi kumain twing lunch. Basta ang saya saya ko ngayon. Anong masasabi mo? Suportahan mo ko bes."

"Yan lang pala sasabihin mo. Hays."

"Ano masasabi mo bes? Para naman 'tong timang ehh."

"Wala naman akong iba pang sasabihin kundi pakasaya ka lang. Okay nga yan kasi nakakausap mo na sya. Sige ibaba mo na 'to at madami pa kong gagawin."

Nawalan na tuloy ako ng ganang gumawa ng dapat kong gawin! Bakit ba ko naiinis? Ano ba lang sya sakin? Hindi kaya??

Jusko Marah hindi pwede! Siguro naiinis lang ako kasi hindi na ko masyadong napapansin ng bestfriend ko. Ganon lang wala ng iba! Masama sakin kung anu anong tumatakbo sa utak ko. Binibigyan ko lagi ng double meaning! Nakakainis. Susuportahan ko nalang si Charlie sa kahit anong gusto nyang gawin. Makatulog na nga!

Kinabukasan, habang nagbabasa ng libro sa may lounge ng school hinihintay ko talagang may tumawag sa pangalan ko at mangulit nanaman sakin.

Ng makita ko nalang na magkasama si Charlie at si Mae. As usual bestfriend ko nanaman nagdadala ng mga gamit nya. Excuse me di chimay ang bestfriend ko para ganunin nya lang. Pero hayaan na nga! Ginusto nya naman 'yon.

Kalagitnaan ng binabasa ko. Nakatambay padin ako sa lounge dahil dun lang medyo tahimik ng may umistorbo sakin.

"Marah?"

"Bakit Mae!? Bakit ka pumunta dito? Si Charlie magkasama kayo diba?"

"Wala. Pumasok na sya. Gusto ko lang ng may kausap. Pwede ka ba?

"Ahh oo. Sige."

"Matagal nadin siguro kayong magkaibigan ni Charlie. Kilala ko nadin sya since nagkasama kami sa publications."

"Oh? So bakit mo sinasabi sakin yan. Oo magbestfriends kami."

"Kasi nahahalata ko na medyo napapalayo na sayo si Charlie at baka may tampo ka sakin kasi ako yata ang nagiging dahilan kung bakit di na kayo nagkakasama."

"Hindi okay lang atsaka madami din akong ginagawa. Nakikita ko namang masaya ang bestfriend ko twing kasama ka nya."

"May gusto lang akong aminin."

"Ano yon?"

Kinabahan akong bigla. Ang dami nanamang pumasok sa isip ko.

"Marah kasi.. Satin lang 'tong dalawa. Kasi.."

"Ano yon Mae? Sige sabihin mo lang."

"Kasi matagal na kong may gusto kay Charlie. Simula palang ng nakasama ko sya sa publications. Nilihim ko lahat sa kanya kasi alam ko namang may mahal sya. Wala sanang makakaalam. Please."

Para akong sasabog ng mga oras na 'yon. Pero naisip ko pading mag walang bahala.

"Ahh ganon ba. Oo naman itatago ko yan. Sana maging masaya kayo. May gusto din naman sayo bestfriend ko."

"Ha?? Totoo ba yan?"

"Sige alis na ko."

Pinigilan nya kong umalis.

"Marah salamat talaga ha? Please wag mong sasabihin sa kanya."

"Oo. Oo."

Habang naglalakad ako.. Pakiramdaman ko'y parang binagsakan ako ng langit. Buong araw akong tulala at 'di maipinta. Ilang linggo din siguro ng 'di ko na nakikita si Charlie. Patay lagi cellphone ko. Nababalitaan ko nalang na nagkakamabutihan na sila.

Mag isa nalang ako laging kumakain, wala ng nagyayayang lumabas twing sabado't linggo. Nagbago ng lahat.

Nagtataka ako kung bakit ako nagkakaganito. 'Di kaya.. Siguro?

Tadhana na ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon