#Sulat

15 0 0
                                    

Sabi nga sa kantang tadhana, "Ipauubaya nalang ba 'to sa hangin?"

Eto nanaman ako't nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Kaya ako napapaisip kung anong gagawin ko.

Kumuha ako ng papel at nagsulat.

Sinulat ko lahat ng gusto kong sabihin para kay Charlie. Umaasang sana sa paraang 'to mabawasan lahat ng gumugulo sa kin. Baka din sa tamang panahon masabi ko na din sa kanya. Na mahal ko sya higit pa sa pagiging matalik na magkaibigan.

Ayy mali! Ayy masyadong assuming. Ayoko na nga!! Hayy. Andaming papel na nasayang. Katulad din ba to ng pagsasayang ng feelings ko? Kasi alam ko namang wala ding papatunguhan.

Kuha ulit ng papel at nasimulan ko na..

*txt.
Charlie:  " Bes salamat kanina ha? Ang saya ko ngayon. May itatanong nga pala ako."

"Ano yon?"

"May gagawin ka ba bukas?"

"Wala naman bakit?"

"Pasyal tayo. Sige na."

"Okay?"

"Sige! Sa park tayo magkita around 5 pm. See you! Goodnight."

Pupunta ba ko? Parang nakakatamad. 'Wag nalang. Makatulog na nga.

------------------------------

"Marahhhh!! Anong oras na gumising ka na!"

"Eto na ma!! Ang ingay gigising na nga."

Gising na gising ako sa mala-armalite na boses ng nanay ko.

"Ano ba pumunta ka na sa palengke at mamili ng lulutuin ko. Tumingin ka sa orasan. Anong oras na??!"

"Eleven po. Sorry ma."

Habang naglalakad may nakita akong isang babaeng hirap na hirap sa dami ng dala nya habang naghihintay ng sasakyan.

"Ate ako na po magbubuhat nyan. Mukha po kasing hirap na hirap kayo. Nakakaawa naman po kayo."

"Ay neng wag na. Kaya ko na."

"Hindi po okay lang."

"Sige salamat ha? Ang bait mo naman."

"Bakit po mag-isa lang kayo? Wala po kayong mga anak?"

"Napakamatanong mo pala. Meron."

"Ayy pasensya na po. Ayan na po yung tricycle."

"Sige neng salamat ha?"

*txt.
Charlie: " Mamaya wag mong kalimutan!"

Oo nga pala! May lakad pa kami nitong mokong na to.

Pag-uwi ng bahay diretso na kong kwarto. Namili ng mga susuotin mamaya.

After a several hours na pag aayos at di mapakalaking paghahanap ng susuotin ay eto na nga.

"Marahh! May bisita ka. Lumabas ka dyan."

Di kaya si...

Pagbukas ko ng pinto..

"Hello!!! Nagulat ka ba??"

"Abay grabe ka talaga no? Pumunta ka pa sa bahay!"

"Ang tagal mo. Nagpaganda ka pa yatang maigi ehh mamamasyal lang naman tayo. Magpapakitang gilas ka lang yata sa mga lalaki sa labas kaya ka ganyan."

"Bastos! Kahit kelan talaga napaka ano mo. Bahala ka di na ko sasana nakakawalan na din ng gana."

"Bababa na nga muna ako at may kukunin lang ako. Wala kang gagalawin dyan ha? Wala ni isa kundi sapok ka."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tadhana na ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon