Ikauna

44 1 0
                                    

Pinipilit ko nalang talaga maging masaya sa mga araw na lumipas.

Taas kamay sa classroom tuwing recitation. Nakikihalubilo sa mga tropa. Umiisip ng joke kahit 'di bumebenta, makasabay lang sa kanila at masabi nilang masaya ako. Oo, araw-araw akong ganon. Para akong nakatakip sa maskarang pumepeke sa nararamdaman ko. Mahirap mag-move on pero masarap sa feeling na marami ka pading nakakaramay kahit 'di nila lubos na alam ang tunay na istorya mo.

Palagi na kong tumatambay sa court namin. Ako lang lagi mag-isa, minsan lang may kasama. Nanunuod sa bawat galaw ng mga istudyanteng kagaya ko. At nakita ko nanaman yung ex girl friend kong si Kris. Natatawa nalang ako sa sarili ko dahil kinakabahan padin ako pag nakikita ko sya. Tumutungo nalang ako para di awkward. Naiinis nalang ako kasi sana di ko nalang sya nakikita para magpatuloy tuloy na 'tong pagmumove-on ko. Kaya naisipan ko nalang na tumambay sa publications office buti nalang at may wi-fi 'don kaya nakakapag facebook ako. Pinagdesisyunan ko nading burahin lahat ng conversations namin ni Kris. Aksidenteng napindot ko yung chat box ng friend ko sa facebook, Marah name nya. Dahil siguro sa kawalan ng ginagawa at pagscroll ko sa mga active users ay chinat ko sya. Wala lang. Kahit di ko naman sya masyadong kilala at nagkakasalisi lang din kami palagi sa university. Naisipan ko syang imessage.

"Hello."

'Di ko inaasahang nagmessage sya sakin bigla.

"Hello po."

Sa buong buhay ko 'di ako nagchat at nakipagkilala agad sa isang tao lalo na sa facebook. Nahiya ako bigla sa ginawa ko. Nagpalusot nalang ako at nakipagkaibigan nadin. Siguro'y wala namang mawawala kapag nakipagkaibigan ako.

Unang message namin sinundan ng iba pa. Hanggang sa dumami na yung kwento. Nalaman ko lahat sa kanya. Kaibigan nya din pala ang mga tropa ko. Ang saya pala magkaron ng acquaintance. Haha. Lagi ko na syang nakakasama. Kung anu-anong random na pinag-uusapan. Naikwento ko nadin yung tungkol samin ni Kris. Hindi din pala ganong kaganda ang paghihiwalay nila ng ex boyfriend nya mas matindi pa pala sa naranasan ko. So, tutal nadin na parehas kaming iniwan nakaclose ko sya agad. Nakahanap ako ng pagsasabihan ko ng lahat ng bagay in fact kahit sa pagkain at pagtulog ko alam nya.

Hindi ko alam kung bakit ang cool nya para sakin. Ang ganda lang ng kasimplehan nya, walang ka-arte arte, magaling kumanta, matalino. Parehas din kami lagi ng takbo ng utak. Ewan ko ba basta kapag kasama ko sya masaya ako. Magaang sa pakiramdam at puro lang masaya. Mahal ko padin si Kris pero masaya na ko ngayon. Ginanahan na ulit ako mag-aral at nakakasama na ulit sa mga raket ng tropa sa sayaw.

Habang naglalakad na ko papauwi galing practice ng sayaw nagtext si Marah sakin.

"Hoy Charlie! Puntahan mo ko sa Mcdo kain tayo ng lunch."

"Kaya ka tumataba. Pero sige hintayin mo na ko dyan."

Excited na kong makita sya. Ang galing nya kasi magbiro at ang saya nyang kasama. Hindi nya alam kasi hindi ko naman sinasabi sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero para sakin, gusto ko munang enjoyin kung anong meron kami ngayon at yun ay ang "friendship" na tine-treasure ko.

"Dalian mo naman."

"Nandito na nga ako. Nakakita na ko ng matabang piglet."

Kagaya ng sinabi ko. Ang saya nya talagang kasama. Napapagkamalaan na kaming mag on dahil sa sobrang close namin. Pero wala akong pakielam sa iniisip ng ibang tao at dahil sa alam naman namin na may natitipuhan nadin ako. Kung pagchismisan kami atleast alam naman namin ang totoo. Ng bigla syang nagtanong habang kumakain kami..

"Charlie pwede magtanong?"

"Hala baliw to. Haha. Ano naman 'yon?"

"Pano kung may dumating ulit na babae sa buhay mo iiwan mo na ko. 'Di ba may kinuwento ka sakin about don sa crush mo? Pag naging kayo for sure hindi na tayo magkasama. Hindi na ako yung tatawagin mo lagi para lumabas at kumain. Male-lessen na yung pag uusap natin. Wala ng tatawag saking piglet, tabachoy at kung anu-ano pang kacheapan na gusto mo saking itawag. Ganyan ka naman eh! Mang iiwan kadin bestfriends na tayo diba? Pano kung.."

"Tumigil ka nga! Sobrang drama mo nakakainis ka. Oo lalayuan kita. Natural lang 'yon. "

"Ahh ganon ba? Sige kain na ulit tayo."

Bigla nalang ganon yung pumasok sa isip ko na isagot sa tanong nya. Hindi dapat 'yon yung sinabi ko baka nasaktan sya. Teka babawi ako..

"Syempre joke lang. (sabay haplos sa ulo nya) Napakadrama mo kamo. Kahit ang taba ng pisngi mo namimiss din kita dahil "bes" na tayo. Nag level up na friendship natin eh. Tutal nagsasabihan na tayo ng mga hinanakit sa buhay. Kilalang kilala mo na ko. At kapag ako nagkagusto ulit liligawan ko agad tapos maputi, sexy, maganda at pang miss universe sa ganda. Malayong malayo sayo! Katulad nung crush ko. Ang ganda nya talaga diba?"

"Anong maganda don? Kulang lang ako ng paligo at kojic don. At 'pag ako nagkaron who you ka sakin. Malayong malayo din sa katulad mo. Gwapo, macho, at mala adonis ang katawan di kagaya mong patpatin!"

"Orayt. Ikaw nagsabi nyan, who you ako."

"Oo."

Masyado nya yatang seneryoso yung mga sinabi ko sa kanya. Hanggang pag uwi namin at pagsakay nya pauwi ng bus malungkot sya. Dahil siguro sa pagsabi ko sa kanya ng mataba sya. Nasborahan na yata ako. Naging panatag na ko sa mga sasabihin ko pagdating sa kanya. Haha. Pero bakit nya pinasok sa usapan namin 'yon? Bigla nalang syang magtatanong ng ganon. Bahala na nga bukas makikita ko nanaman ulit sya sa university.

Ng makauwi na galing sa pagkikita namin ng bago kong bestfriend na si Marah the Piglet. Inisip ko padin kung bakit sya nagkaganon kaya para malibang nagpatugtog nalang ako at nagsulat habang nasa kwarto bago ako magpahinga at matulog. Mga ilang minuto ang nakalipas tumunog ang cellphone ko..
"Pasensya na kanina ha?"
Nagtext si Marah.

"Moody lang talaga ako pagpasensyahan mo na. Nandito lang ako palagi para sayo. 'Wag kang masyadong umasa sa crush mo. Masasaktan ka lang."

"Hahahaha! Oo naman. Hindi ako aasa."
-----------------

Kinabukasan hinanap ko agad si Marah para balitaan sya tungkol kay crush na lagi na ulit akong pinapansin.

Kasalukuyan lang din kaming nagkita sa lobby ng university habang kasamang naglalakad ang kanyang mga classmates.

"Hoy piglet!"

"Hoy tabachoy!"

Bakit ayaw nyang tumingin? Lapitan ko nga.

"Ano bang problema mo? Dali kain na tayo ng ice cream."

"Tigilan mo ko ngayon."

"Nagdadrama ka nanaman. Alam mo di na maganda yan."

"Di na nga maganda. Kaya gagawa muna ako ng mga assignments ko at aalis na muna ako. Tigilan mo muna ako Charlie."

Hindi ako mapakali tinatawagan ko sya at minemessage. Ang sinasabi nya lang busy sya sa mga extra curricular activities sa school. Everytime na tatanungin ko din sya at mangungulit ang tanging sagot nya lang ay marami pa syang ginagawa kaya hindi nya muna ako maeentertain. Hindi ko alam kung anong problema.

Kaya eto..

Mag-isa nanaman akong nakatambay sa publications office habang nagdo-drawing dahil 'yon naman ang malimit kong gawin kapag walang makausap at kapag naboboring. Dinodrawing ko yung crush ko sa likod ng notebook ng may kumalabit sakin..

"Uyy sino yan?"

Nagulat ako ng makita kong si crush pala yung nasa likod ko. Dali-dali kong sinara yung notebook ko. Ang bilis ng kuro-kuro sa utak ko na kung anong gagawin ko basta maraming what if's. Kung nakita nya ba yung ginagawa ko o hindi. Napakaswerte ko kung hindi. Sana hindi. Sana hindi..

"Oyy kamusta na? Wala. Wala yun. Nagdodrawing lang ako para sa next na ipapublished ng org."

"Ahh ganun ba? Sige tatambay na muna ako dito."

Buti nalang at di na sya masyadong nagtanong kung anong ginagawa ko. Sagip na sagip ako ngayon.

Grabe akong kinabahan ng mga oras na 'yon umupo sya sa tabi ko at naglabas ng papel at ballpen siguro gagawa sya ng assignments o kung ano man.
Tinitigan ko lang sya. Sobrang ganda nya talaga. Kasama ko sya sa publications actually isa sya sa mga writter sa org. Fan nya ko dahil sa mga sinusulat nyang articles dahil sobra nya lang talagang galing lalo na sa literary works. Nagkagusto na ko sa kanya bago palang ako nagkaroon ng interes kay Kris at maging kami. May iba syang gusto at alam ko yun dahil sa mga balitang naririnig ko tungkol sa kanya  na naririnig ko lang sa mga kapub mates namin.

Siguro kukuhanan ko na ng tyempo kahit medyo tahimik sya at 'di masyadong palakibo.


Tadhana na ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon