[3] PATINTERO

27 8 0
                                    

                                                                           ****

Nagmistulang tambayan ni Leslie ang silid na may nakadisplay na Authorized Personnel Only. Mahigit tatlong linggo na subalit wala pa rin siyang napipigang impormasyon tungkol sa katiwalian sa unibersidad. Kung may oras siya ay dito siya dumediretso. Sinusubukan niyang pagtagpi-tagpiin ang isang palaisipan.

Biglang nawala ang antok ni Leslie sa pagbagsak ng patong-patong na files sa kinauupuan niyang desk. Nakangising tumingin sa kanya si Flynn na noon ay nanghila ng upuan at tumabi sa kanya. 

“Ito ang files ng mga estudyante, who committed solicitation crimes. Given to you today because the process took time to retrieve the deleted files.” 

Takang tinapunan ito ng mga tingin ni Leslie. “Ano?”

“Reviewhin mo ang mga to,” muwestra ni Flynn ng kamay niya sa files. “Pangalan, crime records, the crimes themself committed inside the university. I suggest you report this directly to the school head, to your Grandpa, not with any other staff of the university. Siya lang ang pwede mong pagkatiwalaan pagdating sa ganitong mga bagay.”

Inusisa ni Leslie ang mga files. Hindi pa rin ito nagsasalita.

“Meron ding mga estudyanteng kailangang mag-undergo sa disciplinary and honor committee to scrutinize their actions and impose disciplinary sanctions. Because they were paid for enabling cheating in exams.”

“Bakit sinagad ba hanggang lalamunan mo at ngayon ay hindi ka makapagsalita?” Dugtong ni Flynn nang mapansin ang katahimikan ng babae.

“Ang alin?” Inosenteng tanong ni Leslie. Humarap siya kay Flynn. “Uy, lamok!” Sabay sampal niya sa noo nito. 

Pinitik ni Flynn ang noo ng babae bilang ganti. Di niya sinasadyang ito ay mapalakas. Mariin itong napatikom ng mga bibig at nagkunwaring abala sa telepono. Dumaing si Leslie sa sakit subalit kaagad na nagbago ang ekspresyon nito sa mukha. Naging interesado siya sa mga nababasa na nakasaad sa binigay na files ni Flynn. 

“Saan ba galing to?”

“Kay Nikki.”

Kunot-noo itong napatingin sa katabi. “Sa kanya? Di hamak na isang Math Instructor lang yun. Nagpapatawa ka ba?”

“Eh pinagbintangan mo kasi eh! Edi gumawa ng paraan para hindi madawit ang pangalan niya rito.”

“Ibig mong sabihin nagtatrabaho siya sa pulisya? Sa gobyerno? Sila lang naman ang may kakayahang makakalap ng ganitong impormasyon.”

“Anong pulisya?” Natawa si Flynn. “Magaling nga umasinta yun pero daliri ang gamit sa pagtutok,” napahalakhak ng malakas si Flynn at napapailing sa sariling pahayag.  

Naguguluhan nilingon ni Leslie si Flynn. “May kaibigan siya na sa Manila Police District Headquarters nagtatrabaho, isang Captain. Captain Young. Humingi si Nik ng tulong.”

“Yung totoo? Kaibigan mo ba si Insigne? Mukhang magkalapit kayo sa isa’t isa sa sobrang dami mong nalalaman tungkol sa kanya, pati kakilala o kaano-ano niya kilala mo,” sabi ni Leslie.

“...Young.”

“Leslie Sy.”

Biglang sumakit ang ulo ni Leslie. May alaalang bigla na lamang sumulpot sa isip niya. Ngunit ang paglahad lang ng palad nila ang nakikita niya sa isip. Ang may katigasan nitong kamay marahil ay dahil sa trainings ng pagpupulis.

Nagpaalam si Leslie kay Flynn. Siya ay uuwi na bitbit ang mga files. Sabay sila ng kaibigan sa paglabas ngunit magkaibang direksyon ang pupuntahan ng bawat isa. Sa paglalakad ni Leslie sa hapon ng unti na lamang ang mga personalidad sa paligid. Tumigil siya sa paglalakad nang mamataan niya si Nik na noon ay may kausap na estudyante. Nasa bukana ang mga ito ng library building.  

ADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon