Two years later
Nagising ako na puro puti ang nasa paligid hindi ko rin maigalaw ang aking katawan.
"S-Seah." Nanginginig na sambit ng isang matandang lalaki sa aking tabi. Sabay yakap niya sa akin nang sobrang higpit.
"S-sino ka,po?"pag tatakang tanong ko sa kanya. Wala akong maalala. Kahit ang buo kong pagkatao ay hindi ko kilala.
Naramdaman ko ang malamig na dampi ng kamay niya habang pinipilit kong alalahanin ang nakaraan, pero walang anumang alaala ng nakaraan. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako narito. Pakiramdam ko’y isang malaking blangko ang buong pagkatao ko.
“You’re in the hospital, anak.” mahinahon niyang saad, habang hawak ang aking kamay. "I’m your dad." Ngunit kahit anong pilit ko, hindi ko maramdaman ang koneksyon namin.
“Dad? H-hindi k-kita kilala.” nanginginig kong sagot. Ngunit hindi ko talaga siya maalala. "I don’t know who I am... bakit ako nandito?" dagdag kong tanong.
Ang doktor na nakatayo sa tabi ng isang matandang babae ay agad lumapit nang mapansin ang paghawak ko sa ulo ko. "Seah, you’ve been in an accident. The memory loss might be temporary, but you’ll need time and rest to recover."
Sabay-sabay silang tumingin sa akin, puno ng pag-aalala at pag-asa na balang araw, magbalik ang lahat ng mga alaala kong nawala.
Napatingin ako sa doktor, puno ng pag-aalangan. "How long… how long have I been here?" tanong ko, mahina ngunit may halong kaba.
Nagkatinginan si Dad at ang doktor bago siya sumagot. "It’s been almost two years, Seah. You were in a coma for a long time."
Halos hindi ko ma-process ang sinabi niya. Two years? Parang imposible. Pakiramdam ko, kakagising ko lang mula sa isang panaginip.
"Two years…" inulit ko, halos pabulong, habang ang mga mata ko’y napapako sa kisame. Hindi ko alam kung paano tatanggapin ang lahat ng ito—na halos dalawang taon na pala akong walang malay.
Nagpatuloy ang doktor, maingat ang tono ng kanyang boses. "The accident was severe. We didn’t know if you’d ever wake up, but here you are now, and that’s what matters."
Ngunit habang sinasabi niya ito, hindi ko maiwasang isipin kung ano ang mga bagay na nawala sa akin sa loob ng dalawang taon.
Habang nananatili akong nakatulala at tuliro sa mga sinabi ng doktor, lumapit ang isang babaeng may bakas ng matinding pag-aalala sa mukha niya. Hinawakan niya ang kamay ko, at ramdam ko ang init ng palad niya. Sa bawat dampi ng kanyang mga kamay sa pisngi ko.
“Seah… anak,” halos pabulong habang pinipilit na hindi mangiyak. “I’m your mom. Andito lang kami ng dad mo, and we’re not going anywhere. Huwag kang mag-alala, okay?”
Napuno ng emosyon ang boses niya, at kahit hindi ko maalala ang kahit na ano, may kakaibang init at koneksyon ang yakap niya. Pero, sa kabila ng lahat, ang utak ko ay blangko pa rin. Parang ang layo ng bawat alaala, at bawat tanong na gusto kong itanong ay parang bumibigat sa dibdib ko.
"Mom…" mahina kong sambit, ang isang bahagi ng sarili ko ay gustong paniwalaan ang koneksyon namin, pero ang ibang bahagi ay puno ng takot. "I… I don’t remember you. How can I forget my own mother?"
Napapikit siya, pinipigilang bumuhos ang kanyang luha. "Seah, anak, it doesn’t matter. Ang mahalaga ligtas kana ngayon.
——————
One week later
Kaya ko nang maglakad-lakad sa paligid ng kwarto, pero nananatili pa ring blangko ang isipan ko. Sa bawat araw na lumilipas, lalo akong nababagot dito sa ospital. Parang nakakulong ako sa isang lugar na walang kasiguraduhan, at minsan, hindi ko maiwasang maging iritable.
Dumating si Mom at Dad, dala ang ilang prutas at bulaklak. Nakangiti sila at puno ng pagkasabik nang makita nila ako.
"Hello,sweetie!" bati ni Mom, nginitian ako nang malambing habang inilalapag ang mga dala niya. "I brought your favorites."
Napangiti ako nang kaunti, pero nararamdaman ko ang pagka-inip sa loob ko. "Thanks!" sagot ko, pero hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. "Pero… wala na bang ibang pwede kong gawin dito? I’m getting tired of just lying around."
Nagpalitan ng tingin sina Mom at Dad, at saka ngumiti si Dad. "We understand, anak. Gusto mong maglakad-lakad sa labas ng kwarto? Or maybe magbasa ng libro? We can bring some if you want."
Medyo nabawasan ang inip ko sa ideya, pero may konting iritasyon pa rin. "Siguro, pero… ewan ko, parang hindi ko lang alam kung ano ang gusto ko gawin." Napakamot ako sa ulo, hindi alam kung paano ipaliwanag ang nararamdaman.
Hinaplos ni Mom ang kamay ko, puno ng pang-unawa. "It’s okay, Seah. Kung ano man ang kailangan mo, nandito lang kami. Let’s take things one step at a time, alright?"
Nag-relax ako sa sinabi niya at napansin kong kahit paano, lumuluwag ang pakiramdam ko.
Napatingin ako kay Mom habang hinahawakan niya ang kamay ko. Ramdam ko ang init at pagmamahal sa bawat dampi ng kamay niya, pero hindi ko pa rin maiwasang mainip at ma-frustrate sa sitwasyon ko.
"Mom," tanong ko, may halong lungkot at pagod sa boses ko, "kailan ba ako makakalabas? Gusto ko nang umuwi."
Nagpalitan ng tingin lang sila ng tingin ni Dad, at may bahagyang pag-aalangan sa kanilang mga mata bago siya sumagot. "Anak, kailangan mo pang mag-stay nang kaunti para masigurong fully recovered ka na. Maybe a few more days, just to be safe."
Napabuntong-hininga ako at napatingin sa bintana. Pakiramdam ko, ang bawat araw na lumilipas dito ay lalo lang nagpapahirap sa akin. Pero alam kong ginagawa lang nila ang nararapat para sa akin.
"Few more days… okay." mahina kong sagot, kahit pa ramdam kong gusto ko na talagang lumabas at magbalik sa normal, kahit hindi ko pa rin maalala ang normal na ‘yon.
Tinapik ni Dad ang balikat ko at ngumiti. "We know you’re eager, anak. Malapit na. Konting tiis na lang, okay?"
—————
Makalipas ang ilang araw, sa wakas ay binigyan na rin ako ng clearance ng doktor para makalabas ng ospital. Nang marinig ko ang balita, hindi ko mapigilang mapangiti, pakiramdam ko’y mabibigyan na ako ng panibagong simula, kahit wala pa akong maalala.
Habang tinutulungan ako ni Mom na ayusin ang mga gamit ko, ramdam ko ang pananabik sa puso ko. Sa wakas, makakakita na ako ng mundo sa labas ng apat na pader ng ospital. Pero kasama ng excitement, may halong kaba. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa labas.
Dad held my hand and gave me a reassuring smile. "Ready ka na, anak?"
"Yes, Dad. I’m ready," sagot ko, pero may konting alanganin sa boses ko. "Pero… hindi ko pa rin alam kung ano ang susunod na mangyayari."
Hinaplos ni Mom ang balikat ko at ngumiti. "It’s okay, Seah. We’re here. Step by step, we’ll help you to remember, and if you don’t… we’ll just make new memories together."
Napangiti ako sa sinabi niya, kahit alam kong matagal pa bago ko tunay na maramdaman na kilala ko talaga sila. Sa labas ng ospital, ramdam ko ang malamig na hangin na tila nagdadala ng bagong simula sa akin. Habang papalapit kami sa kotse, hindi ko mapigilang isipin kung paano ko muling bubuuin ang sarili ko, pero sa ngayon, sapat na ang alam kong hindi ako nag-iisa.
Habang tumatakbo ang sasakyan papalayo, tumingin ako sa bintana, nakatanaw sa malawak na langit at sa mga daanang tila bago sa paningin ko. Pero alam kong handa akong simulan ang paglalakbay na ito—kasama ang pamilya ko.
Pamilyang nawala sa aking ala-ala.
![](https://img.wattpad.com/cover/379325604-288-k593583.jpg)
YOU ARE READING
Dangerous Love [ COMPLETED ]
Romance»TagLishStory A love tested by dangerous events, pushing them to their limits to prove their loyalty and courage. Could you still love someone knowing the risks involved? Would you sacrifice your dreams, your safety, and even your life for the perso...