Narinig ko ang usapan ng mga kasama ko. Isang linggo pala kami dito. Akala ko naman ilang araw lang, feel ko tuloy kulang ang dala kong gamit. Hays.
"One week talaga tayo,here? So madami pala tayong magagawa." saad ko. Habang papalapit na kami sa hotel.
"Exactly! Marami tayong time para mag-explore at mag-enjoy," sagot ni Frea, na puno ng pananabik ang tono niya.
Si Raizen naman, nakasandal na sa harapan na pader ng hotel. Nauna kasi siya maglakad, tiningnan niya kaming papalapit palang.
"Sana maging memorable ang week na ito." saad niya. Mahina ngunit sapat para marinig ko.
Nang makalapit na kami sa hotel ay hindi na nag sayang ng oras ang ibang kasamahan namin,dumiretso sila sa loob para makapag-check in. Samantalang ako ay lumapit kay sa kanya.
"Sobrang ganda dito,Men." saad ko,habang masusing pinagmamasdan ang paligid.
"Definitely! Feel ko nga ei,parang nasa paraiso talaga tayo!" sagot niya, saka tumayo ng tuwid at inakbayan ako. Sabay kaming naglakad papasok sa loob.
Buti nalang kasama ko sila,kahit papaano hindi ako ma a-out of place.
Kahit ipilit ko na maalala ang mga pangalan ng mga kasama namin,tila may humahadlang sa akin. Kaya napapatango nalang ako kapag may bumabati at yumayakap sa akin. Ayaw ko din naman isipin nila na kinalimutan ko na sila. Kasi sa pag kakaalam ko kaibigan at pamilya ko lang ang nakakaalam na may amnesia ako.
Pagkatapos naming mag-check in, nagdesisyon kaming maghiwahiwalay para pumunta sa kanya kanya naming kwarto. Pero sa malamang kasama ko si Frea at Irene. Nahiwalay lang si Rai,pero sumama siya sa amin para daw magtambay sa room namin.
"Inaantok ako! Hooooooo!" sigaw ni Frea,kaya naman nabigla kaming tatlo nina Rai at Irene.
"Huy! Mahiya ka naman!" saway sa kanya ni Rai.
"Babe!" rinig kong saad ni Frea kaya napahinto ako sa paglalakad.
"Babe?" nanlaki ang mata ko sa aking narinig. "Anong meron? Umamin nga kayong dalawa sa akin!"
"Ahhh...Ehhhh... kasiii—"
"Kami na ni Frea." singit ni Rai,kaya naman lalong nanlaki ang mata ko.
Salitan ko silang tiningnan,ganun din si Irene na parang alam na ang nangyayari —ni hindi manlang sinabi sa akin.
"C-congrats!!! Sabi na nga ba kayo din mag kaktuluyan." saad ko,saka hinampas si Rai.
"Aray ko naman!" protesta niya.
"S-sorry na carried away lang—" saad ko,saka ngumisi. "Kayo ha,nakakatampo. Hindi nyo sinabi agad."
"Sorry na! Alam naman namin na marami kang isipin. Nawalan ka pa ng ala-ala." panunuyo ni Frea. Napangiti nalang ako nang nag pout siya.
"Okay,fine. Ss,humayonkayo at bigyan ako ng inaanak!" saad ko ng walang pasakalye. Kaya kinurot ako ni Frea sa tagiliran. Napaiktad tuloy ako ng wala sa oras.
"Tara na nga! Tama na yan. Antok na din ako." putol ni Irene sa usapan namin. Napangisi nalang ako at muling naglakad papunta sa room namin.
"Mamaya na tayo mag explore,dahil nagmamakaawa na ang katawan ko. Nahihilo pa siya sa layo ng binyahe natin." seryosong saad ni Irene.
Nang marating namin ang silid,walang pagaatubiling pumasok agad kami. Ibinagsak ni Irene ang katawan niya sa kama. Samantalang inayos ko naman ang gamit ko at yung lovebirds namin na kasama ayun sakit sa mata.
Pumikit ako saglit, ngunit muli kong nakita ang lalaking walang mukha kaya napamulat ako,halos nag hahabol hininga.
"Seah! Okay ka lang ba?" rinig kong tanong ni Frea na nasa tabi ko na pala.
![](https://img.wattpad.com/cover/379325604-288-k593583.jpg)
YOU ARE READING
Dangerous Love [ COMPLETED ]
Roman d'amour»TagLishStory A love tested by dangerous events, pushing them to their limits to prove their loyalty and courage. Could you still love someone knowing the risks involved? Would you sacrifice your dreams, your safety, and even your life for the perso...