Prologue

104 25 2
                                    


Nagmahal ka na ba ng isang tao na alam mong ipinag babawal sayo?


Sa dilim ng isang gabi, isang sigaw ang bumalot sa tahimik na mansyon.

"Matteo, huwag!" Humagulhol si Seah habang pilit niyang kinakalma ang kanyang ama. Nakatutok ang baril nito sa lalaking mahal niya—si Matteo, ang lalaking ipinagbabawal ng kanilang pamilyang makatagpo ng kanilang mga landas.

"Seah!, ilang beses na kitang binalaan! Ang pamilyang iyan ay kaaway natin!" Nanginginig sa galit ang boses ng kanyang ama habang pilit niyang itinatago ang sakit ng damdamin sa desisyon ng anak.

"Dad, mahal ko siya. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo, pero huwag mo siyang patayin. Hindi ko kakayanin!" Umiiyak na pakiusap ni Ashiana, ang kanyang puso'y unti-unting nadudurog.

Ngunit malamig ang naging tugon ng kanyang ama. "Kung ganoon, umalis ka sa bansang ito bukas ng umaga at bumalik sa Amerika. Iwanan mo siya—iyon lamang ang paraan para mabuhay siya."

Nanginginig si Seah sa mga sinabi ng kanyang ama. Ngunit bago pa siya makasagot, isang putok ang pumunit sa katahimikan. Bumagsak si Matteo sa lupa— tila wala ng buhay.

Sa isang iglap, bumalot ang katahimikan. Ang puso ni Seah ay tuluyang nadurog habang pinagmamasdan ang katawan ng taong pinakamamahal niya. Kasama ng pagputok ng baril ay ang pagkawasak ng lahat ng kanyang mga pangarap—mga pangarap na kasama si Matteo.

---

Makaraan ang dalawang taon, nagising si Seah sa isang ospital. Walang alaala ng nakaraan, at wala siyang ideya kung sino siya. Subalit sa likod ng kanyang pagkawala ng alaala, isang madilim na nakaraan ang bumabalik, handang hilahin siyang muli sa bangungot na nais niyang takasan.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, makikilala niya si Travis, ang lalaking kabilang sa grupo ng mga kumidnap sa kanya. Subalit imbes na saktan siya, si Travis pa ang tumulong upang iligtas siya. Sa mata ni Travis, mayroong misteryo, at isang koneksyon ang nabubuo na hindi niya maipaliwanag.

"Why are you helping me?" tanong ni Seah, naguguluhan ngunit may kakaibang tiwala sa mga mata ng binata.

"Ayaw kong mapahamak ka. I may not know everything about your past, pero I can’t let them hurt you," sagot ni Travis, at sa mga sandaling iyon, tila isang bagong kabanata ang unti-unting nagsisimula sa pagitan nila.

Dangerous Love [ Completed ]Where stories live. Discover now