MY POEMS

19 6 3
                                    

Disclaimer:

The poems in this collection are original works of art and are meant to evoke emotion, reflection, and personal interpretation. They may touch on themes of love, loss, and the complexities of human experience. Any resemblance to real-life events or individuals is coincidental. The perspectives expressed are not necessarily representative of the author's views but rather a creative exploration of various emotions and situations. Readers are encouraged to interpret the poems in their own way and to approach them with an open mind.

It’s Me, Your Writer

The poems you will read here are my original creations.

“LET'S EACH STANZA'S BLOOM, CHASING AWAY THE GLOOM”

| Ms.E
| ELYSIAN.X

» PLAGIARISM IS A CRIME

———————————

~BINIBINI~

Napakaganda mong pagmasdan
Para kang isang buwan
Liwanag sa kalawakan
Sa simpleng pormahan
Mga nag nanais na ika'y maging kasintahan

Binibini napakahirap mo mang abutin
Ngunit pangako ko sayo lang ako titingin
Walang ibang papantay sa karisma mong taglay
Binibining aking ninanais
hiling na mahagkan ka kahit saglit

Ako sana'y mapansin pagtingin ko'y lingunin
Yan ang tangi kung hiling Sa puso mo ay palarin
Binibining marikit dinig mo ba ang aking tinig
Isa kang buwan na mahirap abutin
Hanggang tingin nalang ba ang maaari kong gawin

Mga bituing nag niningning
Liwanag ng buwan gabay ko patungo sa iyong piling
Binibini akoy pakinggan wag na mag alinlangan
Pag ibig ko sanay pagbigyan

———————

~MAHIKA~

Taglay mong ganda na parang mahika
Sa bawat ngiti mong kay ganda
Ako'y nabihag mo ng sobra
Mahika na sa akin ay nag pamangha
Sa mata mong nag-niningning
Nahanap ang tadhana

Sinta ako'y pakinggan
Ako'y mangangatwiran
Mahika na nag bigay ng buhay
Sa puso kung nalulumbay
Hindi na hahayaan na ikaw sakin ay mawalay

Mahika na iyong dala-dala
Na kahit saan ka mag punta
Ako ay nakasunod at binabantayan ka
Hindi hahayaan na ikaw ay mapahamak
Sa pangangalaga ko siguradong ligtas ka

———————

~AKO~

Sandaling nakalimutan
Sarili'y napabayaan
Sa di inaasahan
Muling natagpuan
Sariling nakabaon
Sa masalimuot kahapon

Ako na pilit lumaban
Sa sakit ninyong dinulot
Na bumaon sa aking isipan
Ngayun ako'y hindi na gagapang
Sa mga pangyayaring lubos akong pinahirapan

Ako! Ako yung hindi ninyo sinuportahan
Pero nag-patuloy at dala ko ngayun ang tagumpay
Saksi na ako ay nag sumikap
Para sa aking pangarap
Na unti-unting nagaganap

Ako'y hindi mag papasindak
Sa mga salitang nais akong bumagsak
Magiging inspirasyon para hindi ako mabaon
Dadating ang araw na ako naman ang aangat
Sakin kayo ay titingala,sa akin kayo mag papakumbaba.

———————

~TAHANAN~

Aking ginoo salamat sa pagdating mo
Bawat ngiti mo ay ang lakas ko
ikaw ay papahalagan higit pa sa kahit ano
Aking tahanan wag sana akong pabayaan

Ako'y protektahan sa pag-buhos ng ulan
Wag sana masira ang ating nasimulan
Ako'y palaging nandito pag ika'y may kailangan
Aking ginoo ika'y hindi iiwan

MY POEMS Where stories live. Discover now