Chapter 3

5 1 0
                                    

ACE POV

Pagka labas ko sa lobby ay sumampal saakin ang malamig na simoy ng hangin, sabagay gabi na eh.

Walking distance lang naman yung pinaka malapit na 7/11 dito kaya dina ako mahihirapan pa. Dito nalang ako bibili ng gabihan ko para naman maka tipid pa.

Pag pasok ko sa 7/11 ay kinuha ko lang naman ang makakaya kong kainin tyaka nag bayad na sa counter.

Mabilis lang naman ako akong naka pag bayad dahil mag isa ko lang sa linya sa counter kanina. Lumabas na ako kaagad at para maka uwi na rin agad.

~

Pagka pasok ko sa lobby ay naka salubong ko pa ang mga kaibigan ni Mr. Sungit na pa hindi na sila makapag lakad ng maayos. Natawa nalang ako ng mahina ng nakita ko ng muntikan pa silang matumba kaka alalay sa isa nilang kaibigan na sobrang lasing talaga.

"ACEE!" Sigaw ni Markie na siyang sobrang lasing. Nakaka hiya pero nginitian ko naman nalang sila tyaka ko sila nilapitan.

"Uwi na kayo?" Tanong ko sakanila. "Ah oo, kinatok na kasi kami ng land lady. Ingay daw namin eh" sagot naman ni Pj sabay tawa ng mahina.

Sa kanilang tatlo ay si Jhonried nalang ang hindi masyadong lasing. Siguro malakas to sa alak. Siya nalang kasi ang nakaka tayo ng tuwid ang nag aalalay kay Markie na sobrang lasing na.

"Sige, ingat kayo sa daan. Drive safe!" Saad ko naman sakanila. "Salamat, ikaw din ingat" saad naman ni Jhonried. Kumaway na ako sakanila at nag pa alam na sila.

Ako naman ay sumakay na sa elevator para maka kain na ng binili ko sa labas. Inaantok na rin kasi ako eh, nakaka pagod pala mag ayos ng mga gamit.

Pagka labas ko sa elevator ay lakad takbo ang ginawa ko para mabilis akong maka rating sa apartment namin ni Mr. Sungit.

Basta basta nalang akong pumasok kasi apartment ko rin naman to kaya dina kailangan. Kaya lang pagka pasok ko ay sumampal saakin ang amoy ng alak at cigarette.

Ang pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ay ang amoy ng sigarilyo, a-asthma kasi ako kapag nakaka amoy ng sigarilyo. Kaya naman ay napa takip nalang ako ng aking ilong ng maamoy ko ito at napa ubo ng mahina.

Ngunit bakit wala si Mr. Sungit dito sa sala? Siguro nasa kwarto na niya siya. Kaya naman ay tumuloy nalang ako at naka takip parin ang aking ilong dahil hindi ko talaga kaya.

Dahil malalagpasan ang kwarto ni Mr.  Sungit bago ang kwarto ko ay sisilipin ko nalang siya kung nandoon siya sakto naman ay naka open ang pintuan niya.

Pero pag ka silip ko doon ay wala naman siya. Saan naman kaya siya nag punta?

Papasok na sana ako sa aking silid ng may na aninag ako sa balcony na naka tayo. Anjan lang naman pala siya sa balcony eh. Nag rerelapse siguro.

Nilapag ko muna ang mga binili ko sa aking silid tyaka lumabas para naman pumunta sa balcony.

Pagka labas ko sa balcony ay bumungad saakin ang makapal na usok ng sigarilyo. Nag takip ako ng aking ilong at sabay ubo ng malala at tila ba di ako maka hinga ng maayos.

"What?" masungit naman na tanong ni Sevi. Tsk sungit talaga. Di ko nalang siya pinansin at napa iling naman siya. Pumasok nalang ulit ako at dali daling pumunta sa aking silid upang hanapin ang aking inhaler.

Talagang sumikip naman ang aking dibdin at nahihirapan akong huminga. Pagka hanap ko sa aking inhaler ay agad agad akong nag inhale doon para di mapunta sa malalang ubo.

Kinain ko nalang ang binili ko sa labas para naman ma wala ang inis ko sa Sevi nayon.

Pag ka tapos ko namang kumain ay pumunta na ako sa banyo para makapag half bath at maka tulog na rin dahil marami pa akong kailangang aayusin bukas.

Pag ka labas ko sa banyo ay nag ring naman ang aking cellphone. Tumatawag pala si mama.

Isang araw palang akong wala sa bahay miss naman na ako agad nila mama kala mo naman baby parin.

Napa tawa nalang ako sa aking iniisip. Kinuha ko ang aking cellphone at nahiga muna sa kama bago sagutin ang tawag ni mama.

Pagka sagot ko naman ay si Ria ang bumungad saakin na parang kakatapos lang umiyak.

"Hi baby Riaa!" masigla kong panimula para naman di na siya malungkot. Ito talagang kapatid ko di kayang mawalay saakin.

"Kuya, I miss you" saad naman niya sabay pout. Napa tawa nalang ako bg mahina dahil sa ka cute'tan ng kapatid ko. Baka magulat nalang sila kina bukasan nasa tabi na ako ni Ria, pero syempre di ko naman iyon gagawin.

"Kuya missed you too baby" sumbat ko naman sakanya. "When are you coming home?" Tanong naman niya, hindi naman ako naka sagot agad dahil tila nalungkot rin ako.

"I don't baby, kuya is here to finish my studies. When I graduated from college na, I will go home na dyan and we can spend all day na ulit talking okay?" saad ko sakanya at di na siya malungkot. " Don't worry baby, I will also visit on weekends or depends on kuya's schedule" dagdag ko pa at sabay ngiti sakanya.

" Okay kuya! Good night na po i'm getting sleepy na po" saad naman ni Ria at saka humikad. "Good night rin baby, sleep well" saad ko naman sakanya.

Kinuha naman na ni Mama ang cellphone at siya na ngayon ang nasa linya.

" Oh anak, kamusta kana jan?" panimula naman ni mama. " Ayos lang po ma, isang araw palang po akong wala jan." sumbat ko naman at tipid na tumawa.

" Na mi-miss kana namin agad anak eh, lalo na ang kapatid mo" saad naman ni mama.

" Na kausap ko naman na siya ma, na explain ko rin naman na sakanya kung bakit ako nandito." Saad ko naman kay mama " Tyaka bibisita po ako jan kung may bakante po akong oras" dagdag ko pa.

" Ingat ka jan anak ha? Wag ka masyadong mag party party jan, focus lang sa pag-aaral ha?" Saad naman ni mama kaya naman ay napa ngiti nalang ako.

" Opo ma, alam niyo naman itong anak niyo eh, hindi mahilig sa alak to diba?" Saad ko saka tumawa.

" Sige na anak, papatulugin ko na ang kapatid mo, end call na anak. " sumbat naman ni mama. " Sige po ma, ingat rin po kayo jan ah, wag niyo pong papabayaan kalusugan niyo" saad ko. Saka nag paalam na na papatayin na ang tawag.

AUTHOR'S NOTE:
Good evening everyone! Sinipag ako today na mag update hahaha.

Please vote! Thankkyouu

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The House Of UsWhere stories live. Discover now