Ace's POV
2 weeks nalang bago ang pasokan kaya naman ay kailangan ko nang maghanap ng apartment na malapit sana sa aking pagpapasokan.
Mas okay na rin na mag apartment ako para hindi na hassle sa byahe lalo na't malayo ang Cavite sa school na papasokan ko.
Sa East National School kasi ako nag enroll dahil doon din dati nag aral si mama at papa, at doon rin sila nag kakilala.
Baka kung sakaling mag aral din ako don ay makilala kona si the one..
Corny Ace ha apaka corny
Pumunta na ako sa unang apartment, malapit lang ito sa school, walking distance. Ngunit wala na daw available na kwarto at yung iba naman ay ayaw ng may roommate.
Balak ko kasi na magkaroon ng roommate para may kahati sa bayad ng apartment.
May kaya naman parents ko kaso ayaw ko lang hingi ng hingi ng pera sakanila. Matipid ako sa pera lalo na sa usapang gastusin, mala mama ako mag budget ng pera at pinag kakasya ang allowance na binibigay nila mama para saakin.
Pero kung mag kulang man raw ang allowance ko ay mag sabi lang raw ako sakanila, pero ayaw ko naman non.
Sa pangalawang apartment naman na pinuntahan ko ay, malinis at malaki, malapit na rin sa school kaso ngalang ay maingay ang paligid. Baka hindi ako maka focus dito pag nag-aaral ako kaya pass.
Sa pangatlo naman na aking pinuntahan ay maayos, malinis, maliit ang renta pero malayo sa school. Kailangan pang mag taxi at halos 30 minutes rin ang byahe kung mula dito papuntang school.
Kaya naman pass na agad. Malayo rin kasi ito sa mga grocery store at masyadong liblib.
Tanghali na kaya naman ay umalis na ako roon at pumunta sa isang fast food restaurant at doon na kumain. Mabilis lang ako kumain para hindi ako gabihin at kailangan ko pang umuwi sa Cavite para kumuha ng mga gamit ko para lumipat na agad sa apartment na mahahanap ko.
Pagka tapos kong kumain ay lumabas na ako kaagad. Habang nag lalakad ako ay may nabunggo akong lalaki, hindi ko siya napansin dahil naka yuko akong nag lalakad.
Akala ko nga sa pader ako nabunggo pero pag angat ko ng aking ulo ay may naka tayong lalaki sa aking harap, matangkad, gwapo at maskulado.
"Are you blind or something?" saad niya. Pati boses ay malalim. Napatulala pa ako ng ilang segundo bago siya masagot.
"Ah sorry po nag mamadali po kasi ako.. pasensya na po talaga" sumbat ko naman sakanya
"Yeah whatever." sambit niya at sabay paikot ng kanyang mata.
"Ang sungit ha" sabi ko sapat na para hindi niya marinig.
"Are you saying something?" saad nito na.
"Ahh nothing, sorry again." sumbat ko sakanya.
"K" saad niya sabay lakad palayo saakin, binunggo pa ang aking balikat pagka lampas saakin. Apaka sungit talaga.
Ganto pala mga mayayaman dito ang susungit.
Pinag patuloy ko nalang ako sa aking paglalalad papunta sa pang apat na apartment. Pagka rating ko ay malaki ang apartment, malinis rin ang paligid, pumunta ako sa office ng land lady at mag tatanong kung magkano ang renta.
"Ate, mag kano po ang renta?" tanong ko sa land lady.
"Ilan ba ang budget mo iho? May mga kwarto kasi na maliit at malaki dito." saad nito
"5k po sana" sumbat ko naman. 15k kasi ang binibigay na allowance saakin nila mama kada month kaya kailangan kong pagka kasyahin, sa grocery pa. Mahal pa naman ang bilihin ngayon.
YOU ARE READING
The House Of Us
AksiAce and Sevi is a couple living in a same roof, both pursuing their dreams, but one of them is busy pursuing his dream becoming a musician and got no more time for his partner.