Ace POV
Kina-umagahan, nag impake na ako agad ng aking mga damit at mga importante kong mga gamit na aking dadalhin sa unit.
Habang busy ako sa pag iimpake ay biglang pumasok ang kapatid kong babae, humihikbi.
"What happened Ria?" Tanong ko sa aking kapatid.
"Are you really leaving kuya?" Sagot niya saakin patuloy parin ang hikbi niya.
"Come here, Ria. Give kuya a hug." saad ko sakanya na agad naman siyang sumunod at niyakap ako ng mahigpit.
"Don't worry Ria, kuya will visit here sometimes. I need to study, hmm?? Don't be sad na okay?" saad ko sakanya upang kumalma naman siya sa pag-iyak.
Pitong taon palang si Ria, close kami sa isa't isa kaya naman pag malayo lang saamin ang isa ang sobrang nalulungkot na kami.
Hirap ngang iwanan ng babaeng to kasi wala na siyang makaka laro kung aalis ako eh. Pero kailangan para naman makapag tapos ako sa pag-aaral.
"Don't look for another sister kuya ha?" sagot niya saakin na medyo nagpa tawa naman saakin.
"Of course baby, why would kuya find another sister?" sagot ko naman sakanya.
Kumawala siya sa yakap niya saakin at inilahad ang kanyang hinliliit. "Pinky promise kuya?" saad niya at medyo kumalma na siya sa paghikbi
"Pinky promise" sagot ko habang naka ngiti ang inilahad ko rin sakanya ang hinliliit ko.
~
"Ma, punta na po ako!" paalam ko kay mama ng lumabas na kami ng kwarto ko kasama si Ria na pulang pula parin ang mata dahil sa pag-iyak.
"Oh eto anak allowance mo, ingat ka doon ha, call us before going to bed. Then here extra money so you could buy some groceries." saad ni mama sabay lahad saakin ng 3k na pera pang grocery.
"Salamat ma" sagot ko at niyakap niya, ilang minuto lang at humiwalay na ako sa pagka yakap kay mama. "Ingat rin po kayo dito ha, don't worry ma, pag bubutihin ko pag aaral ko para sainyo." dagdag ko pa at ngumiti kay mama.
"Oh sige na anak punta kana sa sakayan ng bus, baka wala ka ng maabutan na bus don papuntang Makati." saad ni mama habang inaayos ang buhok ko.
"Sige po, ingat ulit ma" sagot ko kay mana at nag lakad na palabas, lumingon ako muli at nakita si Ria na kumakaway. "Take care Ria! Kuya loves you!" sigaw ko at kumaway rin ako sakanya.
~
Naka sakay na ako ng bus at natulog lang ako buong byahe. Nang makarating kami sa Makita ay pumara na ako ng taxi, hindi muna ako di-diretso sa apartment.
Mag gro-grocery muna ako para may stock naman ako doon o dagdagan ang stock ni mr. Sungit. Kaunti nalang muna ang aking binili, yung kasya sa one month para hindi sayang.
Pag katapos kong mag grocery ay pumara ulit ako ng taxi papunta sa apartment. Sinabi ko lang ang location sa driver at 15 minutes lang siguro ang naging byahe namin.
Pag kadating ko sa unit, ang akala ko ay walang tao roon, nandoon pala si mr. Sungit, kasama niya rin mga kaibigan niya. Ang bungad nga sakin ay amoy ng sigarilyo na may halong amoy ng alak kaya naman nag takip ako agad ng ilong ko.
"Ohh, who's that boy Sevi?" sabi ng isa nilang kaibigan. Sevi pala ang pangalan niya, pero mas bagay ang mr. Sungit eh.
"He's my roommate" sagot niya at sabay inom ng kanyang alak.
Isa isang tumayo ang kanyang mga kaibigan ay lumapit saakin. Ang akala ko nga ay bibigyan ako ng sigarilyo o kaya naman ay alak. Magpapa kilala lang pala.
Aminin, malalaki rin ang kanilang katawan at matatangkad tulad ni mr. Sungit, gymrat siguro tong mga to. Nakaka inggit ang kanilang katawan ah.
Nag mukha tuloy akong maliit ng tumayo sila sa harap ko. Parang batang nawawala eh.
"Hi mr?" saad ng isa niyang kaibigan.
At inilahad ang kanyang kamay."I'm Ace." sagot ko at inilahad rin ang kamay para maki shake hands. Nginitian ko siya.
"Ahh, I'm Markie" saad niya ulit. Nginitian niya rin ako. Guwapo rin siya, marami sigurong nagkaka gusto rito. Nakaka inggit laloo.
"I'm Jhonried, nice to meet you!" masiglang saad ng kaibigan ni mr. Sungit sakin at inilahad rin ang kamay para makipag shake hands saakin. Inilahad ko rin nag kamay at nginitian siya.
"I'm Paul Jhay, you can call me Pj naman" saad ng kaibigan rin ni mr. Sungit. Nakipag shake hands at nginitian ako ng matamis.
"Nice to meet you all! I'm looking forward to get to know you guys" sambit ko sakanila at nginitian sila.
"Wanna drink? tanong saakin ni Markie, ngunit umiling ako.
"I don't drink eh, I don't like the taste of alcohol." Sagot ko na ikina gulat nila.
"Talaga? Napaka good boy mo naman" saad ni Pj kaya naman napa halak hak kami.
"Bolero, punta muna ako sa kwarto ko para makapag ayos, continue drinking nalang" saad ko at tumango naman sila at bumalik sa sala at itinuloy ay pag iinom.
Pag ka pasok ko sa aking kwarto ay inasikaso ko na ang mga gamit ko na kailangang ayusin.
Unang gabi ko palang dito pero gusto ko na agad umuwi sa amin. Miss kona ang kakulitan ng aking kapatid.
Gusto ko sanang umuwi bukas kaso ngalang ay sayang sa pera, mahal ang pamasahe pauwi, iiponin ko nalang.
~
Nakaka pagod ang mag linis at mag ayos pero worth it naman, maganda naman kinalabasan ng kwarto ko. Mga mga LED LIGHTS sa kisame at picture namin ni Ria.
Dahil sa sobrang pagod ay lalabas muna ako para bumili ng pagkain, dahil hindi pa naman ako nakakapag grocery. Nakaka hiya naman kung hihingi ako sa grocery ni Mr. Sungit.
Pag ka labas ko ng kwarto ko nakita ko sila na nag iinoman parin, 11 na ng gabi ah? Tagal naman nilang malasing, mukha kasi silang dipa lasing.
Nang makita ako ng mga kaibigan ni Mr. Sungit ay agad naman nila akong tinawag.
"Uyy san punta?" Saad ni Jhonried. "Ah jan lang sa 7/11" sabat ko naman sakanya.
" Gabi na ah?" Singit naman ni Markie. "Malapit lang naman" saad ko kay Markie.
"Samahan ka na namin?" saad naman ni Pj, ngunit umiling nalang ako.
"Wag na, ituloy niyo nalang inuman niyo jan" saad ko tyaka ko sila nginitian. "Sige na alis na ako!" Paalam ko sakanila.
Author's Note:
Sorry for long update, busy sa school ehh. I need to focus so I can Ace the first q ahhahaha
YOU ARE READING
The House Of Us
AçãoAce and Sevi is a couple living in a same roof, both pursuing their dreams, but one of them is busy pursuing his dream becoming a musician and got no more time for his partner.