9

11 0 0
                                    

Nag dismiss na yung teacher namin at tumawag sakin si shiina, sabi nya punta daw akong soccer field may sasabihin daw sya importante ata kaya pumunta agad ako. Pag dating ko dun eh kami palang dalawa yung nandun.

"Baket? anong sasabihin mo?" bungad ko pagkarating sa harap nya

"Atat jhe? wala pa sila chigan at shian oh." 

"Ay sorry, kala ko ako lang tinawagan mo eh, bakit mo ba kami pinatawag anong meron?" tanong ko ulit.

"Atat na atat talaga jhe? -.-" 

"Oh ayan na pala sila eh" sabi ko nung nakita ko si chigan at shian na papalapit na samin.

"Baket guys? ano meron?" tanong ni chigan sabay tanggal ng isang earphone sa tenga nya. Si shian naman tahimik lang.

"Hmm guys kasi si daddy?" sabi nya tyaka biglang lumungkot yung muka nya.

"Ha? si lolo carlos? baket shiina anong nangyari sa lolo mo?" sabi ko sa kanya

"Nung isang araw inatake sya ng sakit nya sa puso eh, kaya ngayon nasa ospital sya :( gusto ko sya bantayan guys kaya aalis muna ko sa apartment for 2months" sabi nya bakas sa kanya ang lungkot dahil lolo's girl talaga sya, mahal na mahal nya ang lolo nya kesa sa parents nya. 

"Ah sige shiina, naiintindihan namin :)" sabi ni shian sa kanya at saka nya ti-nap sa ulo

"Thanks guys ah :)" sabi nya ulit

"Ah guys ako din sana aalis muna sa apartment?" biglang singit naman ni chigan kaya lahat kami napatingin sa kanya

"Eh bakit? san punta mo?" tanong ko tyaka nagtaas ng isang kilay.

"Ah basta" sabi nya tyaka suot ng isang earphone nya.

"Hmmm shiina? may kasama  ka bang magbabantay sa ospital?" tanong ni shian 

"Wala nga eh yun nga yung iinisip ko kanina pa" 

"Pwede ako shiina :)" sabi nya tyaka sya umakbay kay shiina, hmmm dumadamoves to si shian ah XD

Pagtapos namin na magusap magkasama si shian at shiina na umalis, si chigan aalis daw sya kaya ako lang mag isa uuwi. Hays naalala ko aalis pa pala ako mamaya. Bakit kasi sakin pa nagpasama si haru eh. Tinawagan ko yung driver namin dahil wala akong kasama umuwi kaya nagpasundo nalang ako sabi ko sa parking lot sya maghintay. Habang naglalakad ako papuntang parking lot eh narinig ko yung boses ni chigan, eh? may naririnig din akong boses ng  lalaki. Sinundan ko kung san nang gagaling yung boses at sumilip ako nung medyo malapit nako dun at nakita ko si... Chigan at James? whuuuut? magkakilala sila pero?

"Ano ba yun james? ayoko na nga kasi. Tigilan mo na ko" sabi ni chigan habang naiinis na nakatingin kay james

"Sige na chigan isang beses nalang promise titigilan na kita" sabi nya sabay hawak sa kamay ni chigan

"Wth james! ayoko na nga eh!" sigaw nito kay james, biglang lumakas yung heartbeat ko shemay. Sana naman iba yung iniisip ko sa gagawin nila, waaaaa~! ang dumi ng isip ko tae! bat pa kasi ako nakinig ng usapan nila eh~~! garet! Sa sobrang likot ko eh nabangga ko yung halaman kaya naman nahulog ito.

"Shete james may tao" sabi ni chigan tapos tumahimik sila, waah anong gagawin ko? san ako magtatago? bayan sya! sa sobrang taranta ko eh nagtago nalang ako sa isa sa mga halaman dun. Sinilip nila kung may tao tapos bumalik na sila.

"Baka pusa lang?" sabi ni james

"Siguro nga, hays buti naman" sabi nya tyaka tinanggal ang pagkakahawak ni james sa kanya. "Tara na nga dun na tayo mag usap sa bahay nyo baka may makarinig pa dito eh" sabi ni chigan tyaka sila umalis.

Hmmm? ano kaya yun? napapa isip tuloy ako? di kaya mag ex sila? tapos ano? alam nyo na? -.- hays ang dumi talaga ng isip ko, kung ganun pano na si shiina? diba crush na crush nya si james? waaaaah~! ano ba toooo.

Umuwi nako sa apartment tapos nagluto nalang ako ng kakainin ko habang kumakain nagtext sakin si haru.

From: Haru

+09123456789

See yah later jhe, sunduin nalang kita ah :)

Yan yung text nya kaya naman binilisan ko na tyaka ako nagbihis ng tshirt at short tyaka nagsuot ng flat na shoes. Pagbaba ko ng hagdan biglang nag vibrate yung cp ko. tumatawag si haru

"Hello bes baket?"

"B-bes? *hik* hello hahaha" 

"Bes lasing kaba?"

"Hahaha hindi bes *hik*"

"Wait bes nasan ka?"

"Nasha *hik* bar malapit sa ishchool natin"

Binaba ko na yung tawag tyaka ako pumunta sa sinasabi nya alam ko yun dun lagi sya pumunta pag may problema sya or gusto nyang mag inom or ma relax kaya naman agad agad akong bumaba at umalis sa apartment nagpahatid nalang ako sa driver namin.

Pag dating ko dun, agad kong hinanap si kimie medyo nahirapan akong hanapin sya dahil madilim at madaming tao. Alam ko sa oras nato naka uniform pa yun kaya naman naghanap ako ng mga naka uniform pero ang dami rin pala nila hays pano ba to? Naglakad lakad ako at inikot ko yung buong bar hanggang sa napunta ako sa may likod at dun ko sya nakita... may kasama syang babae ... magkahalikan sila, napahinto ako at pumunta ako sa gilid para hindi ako makita kilala ko yun, yun yung babae na kasama nya sa mall nung nakita ko sya. Masakit? masakit. Para akong nanunuod ng love story sa sinehan. Di ko alam pero parang gusto kong umiyak? pero ayoko. Di ko namalayan may tumulo na palang luha. Tumakbo ako at may nakita akong bench dun. Umiyak ako dun pero saglit lang, ang hirap kasing pigilan eh masakit kaya! Pinunasan ko na yung luha ko at saka tumingin nalang sa stars, gawain ko naman to eh ang tumingin sa stars pag nalulungkot :( bigla nalang akong nakaramdam ng vibrate sa bulsa ko.

9 missed call

From: Haru

+091234567890

Jhe nasan kana? nasa tapat nako ng apartment mo.

--------

From: Haru

+091234567890

Jhe nasan kaba? parang walang tao sa apartment mo eh? or tulog kaba?

---------

From: Haru

+091234567890

Jhe busy kaba? sige ako nalang pupunta :( 

---------

Shete! oo nga pala nakalimutan ko sasamahan ko nga pala sya. hayssss~! ano ba to, nakalimutan ko dahil kay kimie :( dapat pala di nako pumunta dito yun lang din pala madadatnan ko :( sana pala sumama nalang ako hays kabobohan jhe. Kinuha ko nalang ulit yung phone ko at nag reply kay haru.

To: Haru

Sorry haru :( may emergency lang akong pinuntahan di ko agad nasabi sayo. sorry talaga babawi nalang ako next time :)

Message sent

-----------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The things I want to rememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon