6

27 0 0
                                    

"Joe pwede ba tayong maging bestfriends ulit?" sabi nya habang nakangiti, pwede nga ba? hindi naman siguro masama diba? pero paano pag nasaktan ako? hindi nya naman siguro gagawin yun eh.

"Sure. bestfriends!" sabi ko tyaka ngumiti.


Simula nung araw na yun nagkaroon ulit ako ng bestfriends, bumalik kami sa tent habang tumatawa kaya lahat sila napatingin samin,


"Ehem! Ehem!" Pagkukunwaring umubo si shiina

"San kayo galing pre? mukang ano ah, yung ano hahaha" pagbibiro naman ni shian


Kumain kaming lahat pero napansin ko lang si Haru kanina pa tumitingin sakin, ano kayang problema nun? pssh bayaan muna nga yan nabwibwiset pa din ako sa kanya eh. Nagkwentuhan kaming lahat at di ko maitatanggi na sobrang saya lalo na pag kaibigan mo mga kasama mo :) hanggang napunta ang topic kay shiina at james kasi si kaye inaasar si shiina kay james kaya naman kilig na kilig si shiina hahaha, pero nagtaka lang ako ewan ko ba kung ako lang nakapansin pero si Shian mukang naiinis na ewan. tahimik lang sya at hindi nakikisali samin simula nung naging topic namin si james at shiina, sabi na eh tama ako :)


Natapos kami ng madaling araw sa pagkwekwentuhan at natulog din kami.


Haru's POV


Lahat sila ay nag aayos na dahil bababa na kami pero itong si Joe ay tulog padin kaya naman sabi ni shian ay punta daw ako sa tent nya at gisingin sya. Pagpasok ko sa tent nya, ang himbing pa ng tulog nya kaya umupo ako sa tabi nya, pinagmasdan ko sya at wala padin nagbabago sa kanya maganda pa din sya, Yung mata nyang singkit, pilikmata nyang mahaba, matangos nyang ilong, at mapupula nyang labi at ang mas maputi pa sa white na balat nya. Pero bakit kaya di na nya ko maalala? :(


Jhe's POV


Nagising nalang ako ng nasa tabi ko si haru at nakatingin sakin at nakangiti.


"Hoy anong ginagawa mo sa tent ko?" sabi ko sabay takip ng kumot sa katawan ko, may buo pa naman ang suot ko.

"Sabi kasi ni shian gisingin daw kita, kaya bilisan muna iiwan ka namin" sabi nya sakin ng kalmado at naka ngiti, anong meron sa taong yun?


Nagayos nako at umalis na kami pabalik sa vacation house. Gabi na ng makarating kami lahat kami pago pero ako gutom dahil hindi ako nakapag almusal at lunch. Kaya naman kahit pagod ay pumunta ako sa kusina. Nagulat ako ng biglang sumulpot si Haru sa harap ko at may dalang Pagkain.


"Wag kana magluto, oh ito kainin mo, galing sa cafe namin yan" sabi nya, at saka umakyat, Eh? Kanina pa sya weird -.-


Kumain nalang ako at saka pumunta sa kwarto namin para matulog, pag dating ko dun lahat sila bagsak halatang pagod din kaya humiga na rin ako at natulog. Mga 5am ako nagising at himalang hindi na nakatulog ulit, Kaya naman bumaba ako at nadatnan ko si kimie na nagluluto.


"Aga mo magluto ah?" tanong ko tyaka umupo

"Hahaha ang aga ko kasi nagising eh, kanina kapa dyan?" sai nya habang naghihiwa.

"Ah hindi kaka dating ko lang" sabi ko tyaka ngumiti "Buti ka pa marunong magluto no? ako kababaing tao hindi"

"Hahaha madali lang naman eh, gusto mo turuan kita?"

"Talaga? Game" sabi ko tyaka tumayo


Tinuruan nya muna ko sa basic kaya ang niluto muna namin Adobo, Nung una hindi ko makuha yung tamang timpla pero tinulungan nya ko kaya sumarap :) pag tapos naming magluto ay inayos na namin yung mga plato sa lamesa saktong sunod sunod na nagising sila chigan,shiina,kaye kaya naman nagulat silang tatlo.


"Wow mukang masarap to ah, sino nagluto?" sabi ni chigan sabay tingin saming dalawa ni kimie

"Si..... Joe :) " sabi ni kimie, Lahat sila nagulat sa sinabi ni kimie.

"Wow sis, kelan kapa natuto magluto?" sabi nya tyaka sila umupo.

"Matikman nga sabi naman ni kaye" para akong nasa cooking contest at sila ang judges.

"Impernes! masarap nga sya haha" sabi ni shiina at kumain nalang sila, sunod na bumaba naman sila shian, haru at james at katulad ni shiina kanina nagulat din si shian haha.


Pagkatapos kumain ay lahat kami nag ayos na para umuwi, pag dating sa Apartment namin nila shiina, oo may apartment kami, binili yung ng lola ko na nasa Japan at dahil nasa Senior High School na kami ay dun narin tumira si Shian, Chigan at shiina dahil pare-parehas lang naman kami ng school.

"Hayss 1week nalang pasukan nanaman" sabi ni chigan

"Saya nga eh makikita ko na ulit si fafa james" sabi naman ni shiina

"Haliparot ka talaga, tadyakan kita eh" sabi ko naman.


At dahil mabilis lang ang araw kaya 1week nalang pasukan na, Nandito kasi ako sa mall dahil ang gulo sa apartment dahil kay shian at shiina,


Flashback



Natutulog ako ng bigla akong nagising sa ingay at kalabog sa labas kaya naman tumayo ako at lumabas sa kwarto.


"KASI NAMAN EH BAKET BA NAPAKA-PAKIALAMERO MO? LIPSTICK KO YUN EH! ANG MAHAL KAYA NUN!" sigaw ni shiina na talaga namang nakakarindi at ang sakit sa tenga kaya naman si shian ay todo takip sa tenga nya

"Eh malay ko ba! kala ko pentelen kaya ko ginamit malay ko bang lipstick yun! muka kayang pentelpen" sabi nya naman pero pasigaw din, ugh! grabeng alarm naman to.

"LIMITED EDITION KAYA YUN! GALING PA NG CANADA YUN! ANG MAHAL MAHAL NUN EH BAYARAN MO YUN" sigaw ulit ni shiina at pinag babato nya si shian ng unan

"Wala kong pera bala ka jan" sabi nya na parang walang paki alam at hindi na sila natapos kaya agad agad akong naligo at umalis sa apartment at pumunta sa mall para makapag-relax dun nadin ako nag almusal dahil hindi ako maka pag almusal sa bahay dahil sa ingay nila.


End of Flashback


----


(a/n Hanggang dito nalang po muna :) sorry inaantok na kasi ako eh)

The things I want to rememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon