Trigger warning: anxiety, depression, homophobia, self-harm, suicide
Pagmulat ko ng aking mga mata, tila'y walang pinagkaiba ang paligid — Napakadilim. Sinubukan kong i-on 'yung maliit kong ilawan sa nightstand pero hindi ito sumindi. Black out, malamang dahil ito sa walang tigil na pagbuhos ng ulan. May bagyo ba? Teka... Parang may nakakalimutan ako... Si B!
Nasaan siya??? Bakit wala siya sa kama ko? I quickly took my phone out from my pocket and checked if I got a message from him. Pero wala... Umaga na pala, pasado alas sais. Kung hindi ko pa chineck ang oras ay hindi ko malalaman. Hindi kasi gaanong nasisikatan ng araw itong pwesto ng dorm room ko. Kaya ngayon, sobrang dilim sa loob. Maingat naman akong naglakad patungo sa side table. Nang makalapit ako, meron akong naaninag. Isang bagay na ngayon ko lang din nakita — isang kandila.
Wala akong natatandaan na bumili ako nito... Paanong? Hmmmm... Bakit pa ba ko mag-iisip? Eh isang tao lang naman ang nagmamalasakit sakin — Wala nang iba kundi si B... Hayyy. Paano ka naman hindi mahuhulo—AHHHHH hindi maari! Kung ano-ano na namang pumapasok sa utak ko ang aga aga.
Agad ko namang sinindihan ito sa kalan at nilagay sa baso. Safety precautions... Then I went back to the side table and put my makeshift candle holder there. The room was slightly lit up... And that's when I noticed a note that was on top of the side table... It was from B. Just like that, all sleepiness disappeared from my body. Buhay na buhay bigla ang aking diwa. May kaba mang nararamdaman, minabuti kong basahin na ang liham mula kay B.
Dearest Cy,
Before anything else, I'd like to thank you for everything. Sa mga kwento. Moments. Companionship. Friendship. Basta sa lahat ng bagay that we shared together. Lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng iyon. Being with you allowed me to feel important to someone. That some time in my miserable life, I was needed and appreciated. So, thank you. I'll treasure everything in my heart and in my memory.
But here comes the rough part... Gusto ko sanang mag-sorry sa'yo kasi naging mahina ako... After all the encouragement and support you gave me, I chose to give up instead. Sorry... Pero sana Cy, ipangako mong hindi mo sisihin ang sarili mo sa kung anuman ang nangyari sa'kin. It was entirely my decision. A rather difficult one... And it all boiled down to one thing. I got tired... Pagod na pagod na kasi ako... At isa lang ang solusyon na nakita ko para matapos na ang lahat... Sana lang maging okay na sina mom, dad, at kuya simula ngayon...
Cy. Please remember that whenever and wherever, I'll always root for you. And no matter what happens, I'm on your side... I never believed in reincarnation or rebirth, but if given the chance, I'd still choose to stay by your side... Even if I'd go through the same agony and suffering... Pipiliin at pipiliin pa rin kita... Ang hiling ko na lang ay sana, maging mas matapang at matatag na ako sa ikalawang pagkakataon...
Pasensya ka na ah. I'm really sorry for this cheesy letter... Pero pagbigyan mo na ako, last ko naman na. Hehe.
Choose life, Cy. You have a long road ahead of you. Kaya kahit gaano man kahirap, lumaban ka... Basta lagi mo lang tatandaan na proud na proud ako sa'yo...
Truly Yours,
your loving bestfriend B
PS: Have I mentioned this to you before? Mas gwapo ka kapag nakangiti. Lalo kasing lumilitaw 'yung dimples mo... So keep smiling!
Sa isang iglap, nawala ako sa sarili. Hindi ko lubos mawari ang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Litong-lito ako. Bagama't maraming tumatakbo sa utak ko, pinakanangibabaw ang pag-aalala ko para kay B. H'wag naman sana. Pakiusap, B. Unti-unti akong nilalamon ng takot at pangamba... Sana mali ang iniisip ko — Please lang...
BINABASA MO ANG
𝓯𝓸𝓻 𝓱𝓲𝓶 ✓
Teen Fictiona short BL story Cyril and Blaine. College Bestfriends, bound by secrets and unspoken feelings. As Cyril supports Blaine through the hardships of being gay in a religious family, he must also navigate his own hidden feelings. Will their friendship b...
