GRADUATION (1)

6 1 0
                                    

"I'm Brett Angelo Cruz, president of section Delphinus."

Kilala ako dahil sa angking talino, mula Grade 1, hanggang ngayong Grade 6, kasali ako sa Top 3. Umaakyat ang aking nanay sa stage tuwing graduation or recognition. Pero bakit si nanay lang palagi??

Cringg...cringg...
*My alarm suddenly rang.

"Gising na, malelate tayo sa graduation mo." Sigaw ni nanay.

"Opo."

Mabilis akong naligo, nag almusal at nagbihis para makaalis na kami.

"Nay, si tatay?" Tanong ko.

"May trabaho e, kailangan na nilang simulan yung bahay ng boss nila." Sagot ni nanay.

Si tatay pala ay isang construction worker. Palaging busy, sa gabi nalang namin siya nakakasama minsan dun na siya nag iistay para less sa pamasahe.

*Wala nanaman si tatay.

"Halika na, Brett mag sisimula na."

"Sige po."

"And for our Top 1, Brett Angelo Cruz." Sabi ng host.

Masaya akong tumayo at lumakad papuntang stage kasama si nanay. Ang naririnig ko lang ay ang palakpakan ng mga tao.

Matapos ang aming graduation, umuwi na kami. Nangmakauwi kami agad akong kumain ng pansit na luto ni nanay, eto lang muna dahil hindi naman namin afford ng magarang selebrasyon.

"Nay, anong oras daw po uuwi si tatay?" Tanong ko.

"Baka daw maaga siya uuwi, para sayo." Sagot ni nanay.

"Talaga po?"

"Oo, sabi niya may pasalubong daw siya sayo."

"Yey!"

"Nasaan si tutoy? Nasaan ang aking Top 1?"

Nang marinig ko iyon, agad akong lumabas ng kwarto.

"Tatay!" Sinalubong ko siya at niyakap.

"Congrats anak. Proud sayo ang tatay"

Inabot naman niya saakin ang isang plastik na may lamang damit at short.

"Ang ganda naman po nito, salamat tatay."

Nginitian lang ako ni tatay, at pumasok na ako sa kwarto para isukat.

Habang nag dadamit ako narinig ko ang usapan nina nanay at tatay.

"Ito lang ang pera mo? Paano ang utang natin?"

"Yan lang nakayanan ko ee. Yaan mo bukas babale muna ako sa boss namin." Malungkot na sabi ni tatay.

Mahirap lang kami, may tatlo akong kapatid. Lahat sila ay nag aaral pa lamang ako ang pinakamatanda sa kanila. Baon na din kami sa utang kaya nahihirapan kami para sa pag aaral namin. Pero kahit ganun ang sitwasyon namin, nakakakain naman kami ng 3 beses sa isang araw.

GRADUATIONWhere stories live. Discover now