GRADUATION (2)

2 0 0
                                    

"Nay pasok na po ako." Nagmano muna ako bago umalis.

"Ingat ka. Oh ito baon mo."

Inabutan ako ni nanay ng 50 pesos.

"Salamat po."

"Good morning po, ako si Brett Angelo Cruz. I'm 12 years old."

"You may take your sit, Mr. Cruz." Sabi ng guro namin.

Grade 7 na ako, kinakabahan pero kakayanin.

"Hi, I'm Zean pwede ba kita maging friend?"

"Sige, I'm Brett."

"Okay, tara bili tayo."

Pumunta kami sa canteen para bumili dahil recess na namin.

Maya maya ay nag-uwian na din.

"Nay, nandito na po ako."

"Oh, kamusta ang school?" Tanong ni nanay.

"Okay lang po, may kaibigan na po agad ako."

"Aba, mabuti kung ganun."

Lumipas ang mga araw. Malapit na ulit ako mag moving up, and guess what Top 2 ako.

Nakita ko si tatay na nag papahinga, kaya nilapitan ko siya.

"Tay, malapit na po ang moving up ko. T-top 2 p-po ako." Nabubulol at malungkot na sabi ko.

"Aba, ang galing mo naman, anong gusto mo?"

Lumiwanag ang muka ko nang marinig iyon.

"Tay, gusto ko po sana ikaw yung mag sabit sa akin ng medal." Sabi ko sa mahinang boses.

Tumingin saakin si tatay.

"Uh, oo sige. Basta pag walang trabaho si tatay."

Bumalik ang saya ko ng marinig iyon.

"Yey!"

Moving up day nanaminn!! Yey! si tatay ang magsasabit saakin.

"Anak tara na?" Sabi ni tatay.

Papunta na kami sa school, kasama din namin si nanay. Ito na ata ang pinaka masayang araw para saakin kasi si tatay ang mag sasabit.

30 minutes nalang mag sisimula na.

Habang nag aantay kami biglang tumunog ang phone ni tatay.

"Sagutin ko muna 'to." Sabi ni tatay.

Lumabas si tatay at sinagot ang tawag na iyon. Sakto naman at nag simula na.

Kita ko si tatay papapunta saamin, mukang nagmamadali ito.

"Nanay, aalis muna ako mag emergency sa trabaho ko. Mamaya babalik ako." Sabi ni tatay kay nanay.

"Tatay, babalik ka?" Tanong ko.

"Oo anak, promise ni tatay sayo. Intayin mo ako, babalik ako." Sabi ni tatay.

"Sige po, ingat ka po."

Umalis agad si tatay. Nagmamadali din siya.

30 minutes, nag aantay pa din ako sa kanya. Tinatawag na ang mga Top student, wala pa din si tatay.

Nasaan na kaya si tatay?

"Nanay, pwede niyo po ba tawagan si tatay?" Sabi ko kay nanay.

"Sige."

Agad tinawagan ni nanay si tatay.

"Hindi nasagot anak ih." Sabi ni nanay.

"Yaan mo baka papunta na."

"Sige po nay, intayin ko nalang po." Sabi ko.

Inantay ko si tatay, hanggang sa tinawag na ako.

"Nanay, ako na po ang sunod si tatay po?" Tanong ko kay nanay.

"Ikaw na anak." Sabi ni nanay.

"For our Top 2, Brett Angelo Cruz."

"Tara na?" Sabi ni nanay.

"Hinawakan ko ang kamay ni nanay at naglakad kami papuntang stage."

Malungkot kong kinuha ang certificate, at sinuot ni nanay saakin ang medal.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GRADUATIONWhere stories live. Discover now