TIAN MARTELL
SO, this is the beauty of living on your own. I got my freedom. Natuto na akong lumipad.
Sa loob ng mahabang panahon, nakakulong ako sa isang mundong puno ng mga ilaw at ingay.
Sa sobrang ingay ng mundong 'yon, parang wala na akong boses. Laging nakasunod sa kung anong dapat gawin, hindi sa kung anong gustong gawin.
"Gawin mo 'yon", "gawin mo 'to", "galingan mo sa pag arte", "isa pa, with emotions"
Nakakapagod.
Sa mata ng lahat, dapat perfect ka. Magsilbi kang good example sa lahat. Humakot ka ng maraming awards. Patunayan mo ang sarili sa kanila.
Oa pakinggan. Iisipin ng iba, "bakit ka naman magrereklamo, 'di ba 'yan naman ang gusto mo?"
Oo, masarap ang magkaroon ng awards, kaya dapat galingan. Masarap maging artista, iiyak ka lang, kunting drama lang, million na.
Bukod sa mayaman ka na, sikat ka pa. Tinitingala ka ng lahat. You have the spotlight, you have the advantage, you have their camera focus on you.
Ayon ang gusto ko. Talagang nakikipaglaban pa ako sa lahat para manatiling nasa itaas.
Pero dati 'yon.
Napag-isip-isip ko, masaya nga ba? Masaya nga bang wala ka ng space? Masaya nga ba sa industry na hindi uso ang privacy, hindi uso ang peaceful life.
Bawat araw, babangon ako sa umaga na may takot at pagdududa. Takot na baka magkamali at pag-usapan na naman ng buong mundo. Pagdududa kung kaya ko pa bang makipagsabayan sa ibang actors.
Sa bawat shooting, kailangan kong magpanggap, kailangan kong maging ibang tao—naka depende pa kung anong klaseng character ang ibibigay sa 'yo. Kailangan kong ngumiti sa harap ng kamera kahit ang puso ko'y tila nakagapos.
Bata palang ako, ito na ang pinasok kong trabaho. Kaya inisip kong hindi na ako makakawala dito. Pero namulat ang isip ko. I realized na ang dami ko pang hindi alam sa sarili ko. Baka iba pala ang gusto ng batang ako, at hindi ito.
I know na higit pa sa isang simpleng papel ang pwede kong gampanan. So, I decided to step out. Began to walk on my own journey. I got a feeling na nakalipad na ako, malayo sa mga panghuhusga.
"To ghost, to disappear, to start a new life."
That's been my motto since I got my freedom. Its been a three months since I'm living on a peaceful life. Sobrang gaan sa feeling na wala kang masyadong iniisip. Wala kang paki sa sasabihin ng iba. Wala kang pakialam sa buhay ng iba.
I'm minding my happiness, dahil ayon ang bagay na hindi ko maibigay sa sarili ko before. I go places I've never been before. Napuntahan ko ang Boracay, Siargao, Manila Ocean Park, at marami pang places na nasa bucket list ko lang dati.
To every places I go, I always wrote a journal sa maliit Kong notebook, keeping it as a new memories. I took a pictures but won't share it online. This is my life now. Wala ng magsasabing kailangan kong mag post to give updates sa fans.
I deleted all my social media accounts, so no one would contact me. I live on a private peaceful life, that I guess it makes everyone wonder, kung nasa'n na ako, anong ganap sa buhay ko.
This life continues. Living alone sa bahay na ako lang nakakaalam. I rented this house in the Layon Village. Isa ito sa mga tagong places ng Hearts City.
YOU ARE READING
Make You Mine Season 3 | Heartful Academy 1
Romancenew season, new characters, new twist, and new challenges for tian and haku. date started: 10/27/24 date published: 11/12/24