TIAN MARTELL
"T-TIAN...?"
Sandaling natigil ang lahat nang marinig kong may bumanggit ng pangalan ko. Nakaramdam ako ng kaba dahil may nakakilala pala sa akin.
Dahan-dahan akong lumingon. Unti-unti akong napanganga nang makita ang isang lalaki sa harapan ko.
Namumukhaan ko ang lalaking ito, kaya habang nakipagtitigan ako sa kanya ay iniisip ko naman kung sa'n at pa'no ko ba ito nakilala.
Tuloyan ngang nanlaki ang mga mata ko nang naging malinaw na sa akin kung sino ito.
"E-Eljay??" Halata sa tuno ng boses ko na hindi ako makapaniwala.
The guy right in front of me is Eljay Castanova, the lead vocal and main visual of the band I stand the most, the Coastline.
And a good friend of mine. Before he become part of the Coastline, naging actor muna siya for months, at nagkasama kami sa isang movie. Kaya naging malapit kami.
As he's the main visual of the Coastline, Meron talaga siyang kaakit-akit na itsura. Kasing puti ni Snow White, matangos ang ilong, mapula ang labi, makapal ang kilay, and he had a little mustache on his upper lips.
"E-Eljay, idol, anong ginagawa mo dito?" Nauutal akong nag tanong.
"I'm the one that should ask you that. Anong ginagawa mo dito? Everyone is asking where you are. Bigla ka nalang nawala." I can feel the concern on his voice.
I look upon the kids at kanina pa pala sila nakikinig. Humarap ako sa kanila at kinausap. "Mga bata, aalis lang muna ako. Tuloy lang kayo sa paglaro." I said at tumango naman sila.
Hinawakan ko ang kamay ni Eljay. "Huwag tayo dito mag usap." Tugon ko at hinila ko siya, sumama naman siya sa 'kin.
Dinala ko siya sa pwesto na malayo sa mga tao. Nasa tabing dagat pa rin kami, pero kami lang ang nandito, kaya walang makakarinig sa pag-uusapan namin.
Umupo ako sa buhangin at tanaw ko ang malayong dagat. "Alam kong biglaan ang decision kong umalis sa nakasanayan kong buhay. But that's the only thing I know, para mahanap ang sarili ko." Mababang tuno ng boses ko.
Dahan-dahan siyang umupo sa tabi ko. "Alam kong hindi madali ang kalagayaan mo. Especially maraming nawala sa 'yo. Your childhood. Your memories." Kinausap niya ako ng mahinahon.
Napalingon ako sa kanya at kanina pa pala siya nakatingin sa 'kin.
"But Tian, how would you find yourself, when you just kept running?"
Sa sinabi niyang 'yon, parang natigil ang lahat. Para akong sinampal ng katotohanan. Sa sobrang lalim ng sinabi niya, halos hindi ako makagalaw, ni hindi ko magawang mag salita.
Nakatingin lang sa kanya ang mga mata kong nagpipigil lumuha.
Biglang may dumaan na simoy ng hangin.
YOU ARE READING
Make You Mine Season 3 | Heartful Academy 1
Romancenew season, new characters, new twist, and new challenges for tian and haku. date started: 10/27/24 date published: 11/12/24