080

1 0 0
                                    

Messages

Fourth Villanueva
09*********

Attorney
😊😊😊

Sir Grae,

Busy ka ba before this weekend?

Hindi pero depende kung ikaw ang nagtatanong, sir Grae.

Napakasama ng ugali mo, attorney
Kaya siguro single ka pa rin
Pwe

Single ka pa rin naman, sir Grae.
Parehas lang tayo rito, 'wag kang masyadong magsalita.

Bata pa 'ko, ikaw malapit na mag-trenta
O kaya trenta ka na?
Trenta ka na ba?

I won't disclose any information regarding to my private life.

In short, matanda ka na, attorney.
Halika rito sa Biyernes, attorney.
Manood tayo ng concert nang magka-lovelife ka naman.

I am very sorry to inform you, but I am busy that day.

Kakasabi mo lang talaga na free ka

Sabi ko, depende kapag ikaw ang nagtanong, sir Grae.
At hindi ako free.

Walanghiya ka, attorney
Traydor

Don't worry, sir Grae.
I'll attend this weekend's party.

Dapat lang
Si Mommy pa mismo nag-invite sa 'yo, e
Kapal naman ng mukha mo para tumanggi
Baka sakalin kita, attorney

Ipapakulong kita kapag nangyari 'yon, sir Grae.

Go ahead
Hindi ako natatakot
Backup ko ang ate ko
Wapakels sa 'yo

Bakit?
Abogado ba 'yang ate mo?
Hindi naman.

Oh, e ano ngayon?
May manliligaw siyang abogado.

Talaga?
May manliligaw 'yang ate mong abogado?

Oo, attorney.
Gusto mo kausapin mo pa, e.

Okay, sir Grae.
Pakisabi na sa korte kami mag-usap.

Love Blooms at Dusk (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon